Oo nga naman...
Bakit nga naman ako dadagdag pa?
Bakit nga naman ako magagalit at magtatampo sa kanila?
Bakit nga naman ako magtatanim ng sama ng loob?
Bakit ko iyon gagawin dahil lang sa yung gusto ko hindi nila ipinagkaloob?Bakit nga naman ako sasagot at magwawala?
Bakit nga naman ako magtatanong at magtataka?
Bakit nga naman ako magbibigay ng dagdag problema?
Bakit nga naman kailangan ko pa iyon sabihin sa kanila?Bakit?
Bakit ko iyon gagawin kung wala naman ako sa lugar nila?
Bakit ko iyon gagawin kung wala naman akong naitutulong sa kanila?
Bakit ko iyon ipipilit kung hindi naman ako yung nagtatrabaho?
Bakit ko iyon uunahin kung hindi naman ako yung nagsasakripisyo?Hindi. Hindi ako dapat magalit sa kanila.
Hindi ako dapat nagtatanong at nagtataka.
Hindi ako dapat nakakaramdam ng galit o pagkadismaya.
Dahil bilang panganay, dapat naiintindihan ko sila.Dapat alam ko kung ano ang mas mahalaga.
Dapat iyon ang lagi kong inuuna.
Pwede ko naman mabawi naman ang mataas na marka.
At madami pang paligsahan na magaganap sa eskuwela.Ang mundo kasi ngayon pinapaikot na ng pera.
Kaya siguro madami ang naghihirap na mga pamilya.
Lahat na ng bagay nasosolusyonan na ng kayamanan.
Kaya hindi na bago sa akin ang aming pinagdadaanan.Kailangan magtiis, kailangang isakripisyo.
Isakripisyo ang mga proyekto pati na din ang mataas na grado.
Mahirap makakita ng bagsak na marka subalit wala akong magagawa.
Hindi lang naman kasi ako ang nahihirapan, nahihirapan din sila.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...