Chapter 4

104 7 0
                                    

(A/N: si Carly po yan --------------------------->>>

Chapter 4 'Prospects'

Carly's POV 

Kumagat ako mula sa kinakain kong mansanas habang nakatutok ang mga mata ko sa laptop.

Kasalukuyan nga pala akong naghahanap ng panibagong prospect.

Marami kasi akong kino-consider sa pagkukuha ko ng kaluluwa ng tao.

Lingid sa kaalaman nila, pinipili kong mabuti ang mga prospects ko. Sinusuri kong mabuti kung may asawa't anak na ba ito.

Kawawa naman kasi ang pamilya ng lalaki kung kukuhanan ko ito ng kaluluwa.

Sino nalang ang magpapalaki sa anak nito?

Paano na ang pamilya nito?

Ina-alam ko rin ang tungkol sa pamilya ng mga lalaki.

Maluho ba ito?

Ito ba ang tanging inaasahan ng pamilya nito?

Kino-consider ko rin yung ugali nila.

Mabait ba ito?

Matulungin sa kapwa?

Basagulero?

Magnanakaw?

Holdupper?

Mamamatay tao?

Hindi ko alam pero parang nalungkot ako doon sa huli kong tanong.

Para kasing......

Natatamaan ako.

Pero.....hindi naman ako mamamatay tao diba? Sinusunod ko lang naman ang misyon ko sa buhay.

Yun naman ang dahilan kung bakit kami nilikha diba?

"Anong ginagawa mo?", mula sa aking likod ay may narinig akong nagsalita.

Nilingon ko ito.

Si Abby. Ang pinakapractical sa amin. Siya lang kasi yung kumukuha ng kaluluwa ng kahit na sinong lalaki ng hindi man lang gumagawa ng obserbasyon.

Para sa kanya, basta't lalaki ito ay ito na agad ang kukuhanan nya ng kaluluwa. Wala ng arte pa.

"Uhhm...naghahanap ako ng bagong prospect.", sagot ko sa kanya habang binabalik ang atensyon ko sa laptop.

"Naghahanap? Eh ba't kailangan mo pang maghanap? Pwede namang kahit na sino dyan sa tabi-tabi."-Abby

Sabi ko sa inyo eh.

"Pero mas maganda yung pinag-aaralan mo talagang mabuti yung prospect mo. Yung talagang kilalang kilala mo na ito. Hindi yung basta basta ka nalang lalapit sa lalaking hindi mo pa alam ang personal background. Malay mo rapist yun.",pag-eexplain ko sa kanya.

"Kunsabagay",kibit balikat nitong sabi.

Napangiti naman ako.

Siguro iniisip nya na tama ako. Na mas maganda talaga kung alam mo na kung sino yung prospect mo para maiwasan ang anumang bagay na makapagpapahamak sa kanya.

"Pero hindi na ako maghahanap. Kung sinong lalaking makikita ko, yun na yun. Kakapagod maghanap"-Abby

Nyek.

"Hi guys. Ang aga nyo naman nagising.",bati sa amin ni Rebecca.

Sya yung pinakamagaling makakuha ng lalaki. 

Pano ba naman kasi eh nilalandi nya lang naman ang mga ito.

Sya rin yung pinakamahilig magsuot ng mga sexy'ng damit. Alam mo na. Yung maiiksi at hapit na hapit sa katawan na mga damit.

Chained DollsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon