Hi. Ang dami kong inedit d'un sa previous chapters. Basta, ginawa ko silang third year muna kasi feeling ko imposibleng mainlove ng sobra-sobra in just one year so third year muna sila para may fourth year pa. D'un sa chapters 1-5, 'yun lang naman halos 'yung na-edit, 'yung third year nga lang sila. Sa chapters 6-11, maraming nabago. Pakibasa na lang ulit, hehe. Kung gusto niyo lang naman at kung may nagbabasa. Salamat!
Chapter 12
Kinabukasan, late ako nagising kasi late na ako nakatulog. Tae kasi ‘yang Yu na ‘yan! Agh. Pero moving on. Actually, hindi pa ako magigising talaga dapat kung hindi lang ako ginising ni Mama.
“Anak, gising. May bisita ka, kaklase mo raw.” Parang ang sungit nung pagkakasabi ni Mama n’on so napabalikwas agad ako sa kama. Medyo kinakabahan na ako kasi may hinala na ako.
“Ahm, sino raw po?”
“Lalaki. Fall daw.”
Nanlaki ‘yung mata ko at bumilis ‘yung tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot kay Mama. Ano ba! Gusto ba talaga ako ipahamak ng Yu na ‘to?! Nakakaasar.
Strict kasi talaga si Mama pagdating sa mga lalaki. Si Seth nga lang daw ang pwede kong samahan na lalaki dahil ‘yun talaga ang tanging lalaking nakasundo ni Mama at saka matagal nang kilala. Basta, ayaw niyang nalapit ako sa lalaki. Ang sagwa raw.
Dali-dali akong naligo tapos bumaba na.
“U-Uy,” kinakabahan kong bati. Tumingin ako sa paligid pero wala si Mama. Hiyeees! Buti naman. I’m safe. For now.
“Kakagising mo lang? Anong oras na?”
Lumapit ako sa kanya at bumulong. “Gusto mo ba talaga akong ipahamak?!”
Biglang nag-ahem si Mama kaya lumayo ako agad. D’un ako sa kabilang dulo ng sofa, ‘yung sobrang layo talaga kay Yu. Ngumiti na lang ako ng awkward kay Mama. Hala, ayan naaaa.
Hindi naman mukhang masungit ‘yung itsura ni Mama. Pero kilala ko ‘yan! Ayaw niya lang ipakita kay Yu ang kanyang nakakatakot na aura kasi bisita pa rin naman siya kahit papaano.
“Kumain ka na muna, Keziah. Ikaw, hijo, kumain ka na ba?”
Tumango siya. “Opo. Salamat po.”
Tinignan ako ng medyo masama ni Mama na parang sinasabing umalis na ako para kumain. Hindi ‘yun nakita ni Yu kasi nakatalikod sa kanya si Mama.
“Kain lang ako, Yu,” paalam ko at nagtungo na sa kusina.
Natatakot pa rin akong iwan silang dalawa pero wala na akong magagawa. Habang nakain, rinig ko pa rin naman ‘yung pinag-uusapan nila.
“Ah, Fall. Bakit ka pala nandito?” tanong ni Mama.
“Ah, magpapaalam po sana ako kung pwede kong ilabas si Keziah?”
Natigilan si Mama. Alam ko ‘yun kahit hindi ko nakikita. Pero somehow, nakapagsalita agad siya, “Nanliligaw ka ba sa anak ko?”
“Hindi po.”
“Buti naman.”
“Pero sa hinaharap po, kung baka sakali, papayagan niyo po ba ako?”
NABULUNAN AKO. Ubo ako ng ubo hanggang sa nagsalita ulit si Mama after siguro ng mga two minutes. Talagang natigilan siya. Naiimagine ko na ‘yung mukha ni Mama! Nakupo!
“Pasensya ka na, hijo. Ang bata pa ng anak ko para d’yan.”
“Manliligaw pa lang naman po, hindi ko pa naman po papakasalan ang anak niyo.”
“Ah...” Nako, naspeechless si Mama?
“Pero d’un din naman po ang tuloy n’un.”
Ano bang—
“Ano?”
“Kapag nagkaroon po kami ng relasyon ni Keziah, saan pa po ba sa tingin niyo ang tuloy n’un?”
TEKA. TEKA. ANO BANG SINASABI NITO. Hoy Yu, nababaliw ka na ba?!
Tumawa si Mama na halatang fake. “Hijo, ang bata mo pa para magsabi ng ganyan.”
Hihirit pa sana si Yu kaso bumalik na ako agad sa sala. Tapos na ako kumain. Talagang binilisan ko para ‘di na humaba usapan nila.
“Ugh, Ma. H’wag niyo isipin ‘yon, mahilig lang mag-joke ‘yan.”
Tumayo na si Yu. “Hihiramin ko lang po si Keziah ngayong araw, kung ayos lang?”
Sobrang nawala ata sa wisyo si Mama sa mga nakakawindang na sinabi ni Yu kaya napatango na lang siya. Agad ko namang hinila palabas si Yu.
“Ano bang mga pinagsasabi mo kanina?!” sigaw ko agad. “At saka, bakit ka nagpunta dito!”
“Ikaw kasi. Sabi ko 1PM sa labas ng village mo. Anong oras na, 2PM na po. Ganyan ka ba talaga gumising?”
“E sa late na ako nakatulog!”
“Tapos pagkagising, kakain na lang. Para kang prinsesa. Well, prinsesa ka naman talaga.”
“Teka nga, h’wag mo ibahin ang usapan! Alam mo bang nilagay mo ako sa bingit ng kamatayan dahil sa ginawa mong pagpasok sa bahay at pagpapakilala kay Mama? Tapos pinaghukay mo na rin ako ng libingan dahil sa mga pinagsasabi mo. Wow, ang bait mo!” sarkastiko kong sabi.
Tinawanan niya lang ako. “Grabe ka naman.”
Nawala lahat ng inis at galit ko sa kanya nung oras na ‘yun. TUMAWA SIYA. Tumawa si Yu! For the first time! Tae, ang sarap iringtone nung tawa niya, parang ‘yung kay kuya Noah. ‘Yung mukha ko siguro ngayon, parang hindi na maipinta. Nakaawang pa ang bibig ko. Mukha siguro akong ewan!
Tapos siya parang bigla niya rin naisip ‘yung ginawa niya kaya parang gulat din ‘yung expression niya. Sa totoo lang, ang cute niya ngayon, sobra. Hindi rin maipinta ‘yung mukha niya. Lalo akong nawindang nung tumalikod siya na parang batang nahihiya.
Asan ang tunay na Yu?! Tae. Tae. Tae. Siya ba talaga ‘to? Putek, ang cute!
“Uy,” natatawang sabi ko. Hinawakan ko ‘yung balikat niya pero nag-shrug siya para maalis ‘yung kamay ko.
Nagkaroon ng 360 degrees swing ‘yung mood ko. Grabe, ibang klase! Pero umikot din ng 360 degrees ‘yung mood niya. Nabigla ako nung nagsalita siya. Sobrang cold, as in! Parang galit na hindi naman. Walang bahid ng inis ‘yung tono ng pagsasalita niya pero sobrang cold talaga. Natakot nga ako.
“Alis na ‘ko.”
Pero ‘yun siya. Ganun talaga siya makipag-usap sa’kin nung bago-bago pa lang kaming magkakakilala. Mas cold nga lang ng kaunti ‘yung ngayon. Pero ‘yun siya (ulit). ‘Yun siya talaga.
“Uy, teka...”
Hindi niya ako pinansin, sumakay na lang siya sa bike niya tapos umalis. Nabadtrip ba talaga siya? Ano bang nagawa ko? Parang nawala na rin ako sa mood pagkatapos n’un. Pagpasok ko, tinanong ako ni Mama tungkol kay Yu pero sabi ko next time na lang. Hay. Anong nangyari?
Kinabukasan, pag gising ko, nagulat ako nung may text sa’kin si Yu. Alam ko namang si Yu ‘to dahil d’un sa laman ng text. Wow, may number ko pala siya? At kung magtext siya bigla parang walang nangyari kahapon ah?