FIGHT LIKE A GIRL
By: aba_stella 💕***
"Always be a first-rate version of yourself, instead of a second-rate version of somebody else."
- Judy Garland***
FIGHT LIKE A GIRL
Chapter Two
*What a Failure!(Luxury's POV)
>>> PresentHello! Since makiki chismis ka rin lang naman sa story ko, edi welcome sa buhay kong pagka gulo gulo. 😁
Ako nga pala si Luxury Koleen Montez. 16 years old. 4th year High School sa Black Royalty Academy High.
(A/N: Wag nyo ng pansinin yung name ng school. Kinain na ko ng sistema ng 'Im Dating The Ice Princess'. HAHAHA! I Love you Filipina! 😘)
Secret lang natin to ha? May anxiety disorder ako. Di naman totally ganun, pero parang ganun na rin. Ang gulo ko ba? Hahahaha. 😅
Basta! Na iistress ako masyado pag may mga bagay na di ko kayang gawin. Lalo na pag may connection sa past. 😔 (A/N: Magegets nyo rin yan mamaya. Hahaha! 😂)
Graduating na ko. At katulad ng deal namin ni mommy, eversince nursery ako. At hanggang ngayong 4th year HS na ko, ako ang laging Top 1 sa klase namin. I'm doing everything that I can para makuha ko yung reward ko. Kung kailan naman konting kembot na lang...
"Ipo-post ko na 'tong ranking for 3rd grading ha? Congratulations sa mga na maintain ang rank, at syempre sa mga may achievement." Nakangiting sabi ni Ms. Danelica Tolentino habang pinapaskil ang ranking ngayong grading sa bulletin board.
Over-all ranking na 'to for this grading. Kinakabahan ako since feeling ko, hindi ko naibigay ang best ko ngayon sa academics.
"Yesss!!! FIRST AKO!!" Nagitla ako sa sumigaw. Pagtingin ko, si Froggy pala. Ay, este si Tracey. Yung 3rd namin last grading.
Nararamdaman ko na yung lakas ng tibok ng puso ko. Pati yung pawis ko sa noo at ilong. Nanglalambot na rin ang mga tuhod ko at nanginginig na ang balikat ko na anytime ay ready ng humagulhol. But the worst is, naririnig ko na ang pagbubunganga ni mommy at ang pag ba-bye ko sa Ateneo. 😭😭😭
Lakas loob akong pumunta sa harapan ng bulletin board at hinanap ang apelyido ko.
"Number 10... Murillo... 9...Legazpi... 8... Chua... 7... Villaforte... 6... Dimayuga... 5... WTF!?" Mahina kong sinasabi ang rank at apelyido ng nagulat ako. Mabilis akong umalis sa bulletin board na 'di makapaniwala. Pero bago ako nakaalis, narinig ko si Tracey na pinagpatuloy ang pagbabasa ko.
"5... MONTEZ..." At tumawa sya ng malakas na pang bruha.
***
"F*CCCCCCKKKKKKKK!!!!!" Galit na galit na binato ko yung paso sa pader. Nandito kami ngayon ni Rozeine (read as Rose anne), bestfriend ko, sa rooftop ng lumang building.
6th honor sya last grading. 2nd sya ngayon.
"Relax lang, besh." Kalmadong sabi nito habang nakain ng sandwich. Kung nagtataka kayo kung bakit parang di nya ko nilalapitan or kino-comfort, well ganun talaga kaming dalawa. 'Di kami lumalapit sa isa't-isa pag galit ang isa samin. At take note, kahit sino di makakalapit samin. Hahahaha. Bakit? Ewan ko rin. Siguro, we just want to be alone. Not alone na alone talaga ha? Syempre we need each others side pa rin. Basta! Gets nyo na yan. Matalino naman kayo eh! Hahahaha. 😁
"Easy!? Don't tell me to take it easy, because you don't know how I feel!" Sinipa ko sa inis yung kawawang paso.
"Woah! Sabi ko relax, hindi easy! Julia Montes, ikaw ba yan? Medyo kaapelyido mo lang, besh. Wag mong gayahin yung linya nya sa Way Back Home." Natatawang sabi ni Rozeine.
"Bakit ba? Sounds like naman eh." Natawa na rin ako. Tuluyan ng nawala yung galit ko pero naiinis pa rin ako.
"Eh kasi naman besh. Paanong hindi ako maaasar? Simula nursery hanggang 4th year, 2nd grading ako ang Top 1. Tas ngayong last year na? Ngayon pang dalawang kembot na lang gra-graduate na? Bakit ganun?" Naiiyak na ko sa sobrang depressed. Hays. Umaatake na si Pareng Anxiety. 😔 Parang nag flashback sakin lahat ng projects, graded recitations, periodical tests, declamation contest, etc. Ginawa ko naman lahat ng best ko. Pero bakit ganun?
"Well, that's the reality besh. Let's just accept the f*ck, este fact na masyado kang nakampante na walang makakaagaw sa trono mo."
Napaiyak na naman ako ng tumama sa ulo ko na parang bato yung sinabi nya.
"Yeah, inaamin ko naman yun besh, eh. And I know it's my biggest mistake!" 😢
"Here." Inabot nya sakin yung bench&bath towel ko na nawala nung nag volleyball kami.
"Walangya ka, besh. Sabi mo di ikaw ang kumuha nito?" Nanlikisik yung mga mata ko sa kanya.
"HAHAHA! Eh pano, burara ka kasi! Bleeehhh!" 😜 Tawa kami ng tawa hanggang natigilan ako.
"Maybe, di ko pa talaga kayang pagsabayin ang studies at volleyball." Malungkot na sabi ko.
"Tsk! Kung di mo sasanayin ang sarili mo ngayon, kailan pa aber?"
"Hindi ko alam, besh." 😢
"Ganito na lang, mamili ka sa dalawa besh. Kahit ano naman dun sa dalawa, pwede kang maging scholar eh."
"Hay nako, besh. Kilala mo ko. Ayokong nahihirapan at napipiga ang utak ko. Kung ako lang masusunod, yung scholarship for varsity ang pipiliin ko."
"Eh yun naman pala eh. Bakit namromroblema ka pa jn?"
"Remember? My mom and I made a stupid deal 11 years ago? Hindi papayag yun."
"Tsk! Sooo complicated." 😩 Napabuntong hininga na rin si Rozeine.
"Hays. Buti ka pa. Di mo kailangang mamroblema sa scholarship since pinanganak kang mayaman."
"H'wag mo ngang idamay dito ang pera ng parents kong mga walang kwenta." Asar na sabi ni Rozeine habang inaayos nya yung bag nya. Nagpapagpag na ako ng kamay since nadumihan ako nung paso na kinawawa ko.
"Tara na." Sabi ko habang tumatayo.
"Saan?" Nagtatakang tanong ni Rozeine.
"Eh di sa court." Sabi ko sabay nauna na kong bumaba sa rooftop.
***
END OF CHAPTER TWO
***
Author's Note
Hello! 😘 May naguluhan ba? Comment nyo na lang para ma explain ko sa next na Author's Note yung mga kailangang ipaliwanag. Okay? 😊
Pasensya na mga bebelabs ha? Kung medyo magulo ako gumawa ng storya. Hahahaha. First story ko to, actually. 😂 Kaya sana magustuhan nyo.
Pwede nyo rin po pala akong i-message. 😊 Rereplyan ko kayo PROMISE. (Wag lang spoiler question ha?) Hahahaha. 😁 Gusto ko lang ma experience na may nakaka appreciate ng gawa ko. Since first timer nga ako. 😊 Chosss! 😁😁😁
O sya, enjoy reading lang mga bebelabs ha? Lavyah! 😘
aba_stella 💕
BINABASA MO ANG
FIGHT LIKE A GIRL
Teen FictionIt'a a story of an ambitious high school student, who decided to move on and face her fears. ❤ It's not all about romance. It's more on achieving your dream and be the better version of yourself. 😊