ILANG ulit akong nag-inhale-exhale bago nag-decide na pumasok na sa function room ng hotel. Why would I delay entering like I am not proud of what I have become after twelve years? And I am sure some of my high school classmates are already aware of my achievements as a professional web and graphic designer dahil nakikita naman nila sa Facebook at malamang iyong mga curious talaga, nag-visit pa sa website ko.
Marami akong high-end clients. Ako ang nasa likod ng logo ng ilang kilalang brands, including a well-known telecommunications company who has just recently changed their brand logo. Ako rin ang nag-design ng websites ng ilang kilalang kompanya. May clients din ako from magazines, record and advertising companies. Kahit na wala na ako sa dati kong pinagtatrabahuhang firm, patuloy ang natatanggap kong freelance jobs dahil impressive ang track record ko. And I could be the top freelance web and graphic artist the design industry has right now.
Right. I am successful. Kaya dapat ay taas-noo akong pumasok sa function room at iharap ang sarili sa mga ka-batch ko noong high school. I even tried to look my best tonight.
Nagpa-makeup ako sa isang salon kahit hindi ko iyon madalas na ginagawa. Bumili ako ng eleganteng evening gown at high heels. I had to show off a little bit kaya medyo mababa ang neckline at hapit ang gown ko. Kailangan kong ipakita na hindi lang ako successful, nagawa ko ring mapanatili ang figure ko kahit recently lang ako nagsimulang mag-gym.
Pagkatapos kong maibigay sa receptionist ng event ang pangalan ko, pinapasok na nila ako sa ballroom pero tumigil ako sa paghakbang bago pa tuluyang makapasok sa entrada. Parang bigla akong nag-panic.
'Yong totoo, noong nakatanggap ako ng invitation para sa high school reunion na iyon, inatake ako ng panic attack. Ang daming pumasok sa isip ko:
1. Makikita ko ulit 'yong old enemies ko.
2. Makikita ko ulit si Bernardo.
3. Makikita ko ulit si Galvin.
4. Malalaman ng lahat na single pa rin ako habang most of them, may boyfriend, engaged na o may asawa na.
5. Malamang na ako lang ang nag-iisang single woman na pupunta roon dahil malamang na hindi pumunta 'yong ibang mga single sa batch namin sa takot na matanong ng "Bakit single ka pa rin?"
Alam ko namang tatanungin nila ako tungkol sa status ko at kung bakit wala akong love life. Kaya nga bago ako pumunta roon, nag-meditate ako at nagsindi ng aromatheraphy candles. Kailangan kong magbaon ng maraming "kalma" dahil baka mapikon na naman ako kapag paulit-ulit akong tinanong at makaumbag ako nang di-oras.
So, bakit ba kasi ako pumunta, in the first place, kung alam ko namang maasar lang ako?
Dahil bukod sa ipinagkalat na ni Harlene na pupunta ako, ayokong isipin nila na ikinahihiya ko ang pagiging single at natatakot akong tanungin ng most dreaded question para sa mga single na tulad ko. Gusto ko silang harapin at ipakita sa kanila na masaya ako sa pinili kong path. Masaya ako kahit hindi ko tinahak ang path na lahat ng mga babae ay nagkukumahog na tahakin.
I am happy with who I am and what I am right now. I am contented being alone.
Tumangu-tango ako at itinuloy na ang pagpasok sa ballroom. Natanaw ko agad ang old friends ko na sina Karla at Wena na may kausap.
Nadako sa akin ang tingin ni Karla. Namilog ang mga mata niya. Mukhang sinabi niya sa mga kausap na naroon na ako kaya nagsitinginan sa akin ang lahat ng kausap niya. Inaasahan kong ngingiti si Wena tulad ni Karla nang makita ako pero tumingin lang siya. Baka nainis siya sa akin dahil hindi ako pumunta sa wedding niya three years ago kahit in-invite niya ako through Facebook.
BINABASA MO ANG
Status: Self-sufficient
ChickLitNOW PUBLISHED! AVAILABLE IN PRECIOUS PAGES BOOKSTORES! ***This is chick literature with a tad of romance*** ***Unedited*** I do not like calling myself "single." May stigma kasi ang pagiging single. Kapag sinabing single ka, automatic nang dapat kan...