Sumunod na ako gaya nang sabi niya sa cafeteria. Sus! wala naman akong ibang choice kundi sundin siya. Siya naman gagastos ng lahat ng babayaran namin dun kaya gora bells nako!
Gaya ng dating gawi ginawa kuna ang evening rituals ko, tsaka humiga na sa kama. Sabi naman kasi ni 'Sir' Archer na dapat maaga padaw ako sa manok magising, para makapaghanda pa kami. 6:00 am kasi flight naman papuntang boracay kaya ganun.
***
Gaya ng sinabi ko ka gabi maaga pa kong nagising sa manok. 3:00 am na kaya bumangon nako para maligo. Pagkatapos kung maligo agad naman akong nag bihis para pumunta na sa boracay, ay tsaka bumili pa kaya ako nang bagong damit noh. Para dito diba may nanalo na.
Bigla naman akong nakarinig ng katok galing sa pinto ko.
"Jean naghihintay na si Sir sayo sa baba kakain na daw kayo"sabi naman ni nanay coring.
Kaya tumayo na lola niyo at pumunta na dining. Pagkadating ko dun, nakita ko naman si alam niyo na kung sino basta yung baliw kahapon. Wow! uwian na may nanalo na bongga nang suot ah may pa leather jacket pang nalalaman, cool mo pre!
Tumingin naman siya sa'kin."Alam kung gwapo ako, kaya wag muna akong titigan baka malusaw pako, kain na" agad nyang sabat.
Di ako inform may malakas na hangin pala na napadpad dito. Di tuloy ako naka paghanda nang jacket lamig na kasi.
'May bagyo pala sa bahay ah!' hina kung sabi.
"May sinasabi ka?" tanong nya agad. Wow! , talas naman talaga ng pandinig nito pre kung to ohh!
"Wala po sir, baka langaw lang po yun na malapit sa ilong ahh---- este sa tenga nyo" agad kung sabi, sabay tayo at bow sa kanya.
Kumain nalang kami, nakalimutan ko wala palang 'kami', sakit.
Ohh sya mga pre, pagkatapos naming kumain agad naman siyang tumayo tsaka ako sunod nalang sa kanya.
Pumunta siya sa taas kaya ako tong si tanga sunod na sa kanya at kinuha na rin ang bag ko sa taas.
Pumunta na kami sa garahe, at dun namin nadatnan si mang berto na naghahanda na para ihatid kami sa airport. Kahit excited ako noh! Di ko pinapahalata kay sir baka di ako isama nito. Kaya relax lang jean, inhale ahhhhhh!, exhale ahhhhh.Sumakay na kami ng sasakyan. Almost 30 mins lang ang byahe galing dito samin papuntang airport at dahil wala pang traffic ngayon.
5:45 am na nakarating na kami dun sa airport, as usual pagkadating namin dun nakita kuna si bess na nakagiti palagi naman ata yang nakangiti baka baliw na yan.
"As always ganda natin ngayon bess ah!" sabay lapit ko sa kanya.
Agad naman niya akong niyakap.
"Bess, excited nako" may pa talon talon pang nalalaman ang babaeng to ah.
"Edi, ikaw na" agad kung sabi.
"For all passengers please go to your respective airplane cause where gonna going now to boracay"sabi ng nagsasalita sa speaker kaya agad naman kaming pumunta na sa eroplano namin.
Pansin ko lang bakit wala pa si alexander?. Pero bakit ko ba siya hinahanap?. Ay sus bahala na nga.
Sumakay na kami ng eroplano, kasabay ko parin si bess na pumunta sa eroplano at plano ko na magkatabi kami ng upuan dun noh! siya lang naman close ko dun.
Pagkasakay namin sa eroplano, nabigla naman ako nang makita si aaaa-lexander na nakaupo na sa bakanteng upuan. Di narin ako nabigla, mayaman naman sila diba. Kaya nilang bilhin kahit anong gusto niya. At kaya niyang bilhin din tong eroplano gaya Ni archer, kaya wag na kayong mag duda.
Uupo na sana kami, pero ito nanaman po tayo hinatak nanaman ang dalawang kamay ko juicecolored naman oh!
Agad ko namang tinignan ko sino ang dalawang ugok na humatak sa dalawang maganda kong kamay.Haist! Ang dalawang gago nanaman pala.
"Share with my seat, that's your first task remember" sabi ng ugok na si Alexander.
"No! Share with me cause I'm your boss" puna naman ng ugok ko pang amo.
Kaya naman di na mapigilan ng powers ng lola niyo, at ito na umusok na ilong ng lola niyo.
"Kalma lang Bess" puna naman ni lalisa.
"Di'ko na kaya bess sasabog nako" agad kong sabi.
Nakita ko naman na lumaki ang mata ng dalawang ugok kaya chance ko na tong ipalabas ang mga hinanakit ko sa kanila.
"HOI! KAYONG DALAWAMG UGOK, TIGILAN NIYO NA AKO NAKAKASAKIT NA KAYO NG BANGS KO AH. KAPAG DI KAYO TUMIGIL AKO TALAGA ANG PAPATAY SA INYO, KUKUNIN KO ANG MGA MATA NIYO GAMIT ANG ICE PICK. PAGKATAPOS ISASAHOG KO SA GINATAANG MONGGO ANG DALAWA NIYONG MGA MATA AT I SASARSA KO ANG DUGO NIYO SA LECHE FLAN. KAYA TUMIGIL NA KAYO MALIWANAG?" Bulyaw ko sa kanila, halos mawalan na ako ng hangin sa lahat ng sinasabi ko. Di naman sila sumagot, kita ko naman sa mukha nila na nasa state of being shock sila.
"SAGOT!" sigaw ko. Halos lahat naman nang tao dito ay napatingin samin.
"Oo" mahina nilang sabi. Kaya agad naman akong umupo katabi si bess. Di rin siya tumitingin sakin baka natatakot. Kaya natulog nalang ako.
***
Hi readers pasenya kung natagalan,pero ayan na. Hope you'll like it.
BINABASA MO ANG
MY AMO IS MASUNGIT
FanfictionI'm a KASAMBAHAY Gangsters series.... Taglishh~~~ pero ma's maraming tagalog.