Kabanata 3

29 2 0
                                    


A/n: I dedicate this chapter to IceTaeberry thankyou for your comments siszt! Sana abangan mo pa ang susunod na kabanata hihi. Muwah :*


______________________________________


Kael's POV


Tumatakbo ako ngayon patungo sa lugar kung saan ang hangganan. Hindi ko alam pero parang nay nagtulak sa akin na pumunta duon. Paggising ko parang may iba sa aking pakiramdam. Parang sinasabi ng aking puso na...




Kailangan ko syang puntahan duon


"Whoo!!!" Ani ko nang makarating ako sa lugar. Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa aking noo at inilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong makitang iba sa lugar na'to kundi ang mga puno, bangin at ang lupa na nasa unahan ng bangin.

Pero... bakit nay nararamdaman akong presensya ng isang tao? Haaay ano ba itong iniisip ko! -_- Tinignan ko nalang ang kabilang lupa na inaasam-asam kong puntahan ngunit sa kasamaang palad ay imposible kong marating dahil tulay lang ang maaaring daan patungo sa lugar na'yon. Hayst.

"Binibini?" Pagtawag ko sa isang taong hindi ko naman kilala at hindi ko pa nakikita.

"Alam mo bang matagal na kitang hinihintay? Magpakita kana sa'kin Binibini" Nababaliw ba yata ako. Ang bigat ng aking nararamdaman.

"Gusto kong malaman mo na may nararamdaman akong kakaiba at alam kong para iyon sa isang tao" sabi ko pa. Nilalabas ko lang ang saloobin ko sa hangin. Wala naman sigurong problema iyon.



"Hindi kita kilala, hindi pa din kita nakita ngunit bakit pakiramdam ko nasasaktan ako sa tuwing nakatingin sa buwan?" Sa buwan kaya sya nakatira? Haay ano ba itong iniisip ko! -_-

"Pangako kung sino ka man, hahanapin kita kahit saan mang parte ng mundo, Mahal ko" Bumuntong hininga ako kasabay ng pag ihip ng malamig na hangin na tila sinasabayan ang aking damdamin. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ako nagmamahal sa taong hindi ko kilala? Bakit sa ganitong paraan pa ako umibig?


Hay nako sayo Kael Alonso -_-


******


Zee's POV

"Hoy! Anong emote yan? Kay aga-aga nakabusangot ka! 'Nong problema dyan?" Inirapan ko si Kate na sumusulpot nalang sa harap ko at parang nakasinghot ng rugby -_-

"Tigil-tigilan mo 'ko sa pang bebwesit mo Kate! Wala ako sa mood kaya pwede ba lumayas ka muna sa harapan ko!" Mataray na sabi ko sakanya pero nginitian lang ako nito at inaasar asar. Minsan talaga naiisip kong pede ko ba syang sapakin? Kahit isang beses lang! =_=

"Eeehh ang bad mo talaga! Alam ko yang mukha mong yan habang nakatingin ng masama sakin Zee! Malamang pinatay mo na ako sa isip mo" Kadiri! Nagpout pa ang bruha kala mo naman cute -_-

"Beshywaaaaaaps!!" Tinakpan ko ang tenga ko at sinamaan ng tingin si Mikey na ang lakas tumili! Pambira talagang bakla to oh! Umupo sya sa harapan ko kasama si Darryl na nakasimangot.

"Problema mo?" Tanong ko kay Darryl. Tumayo ito at lumipat ng upo sa tabi ko at parang batang humarap sakin. Isa din tong nakasinghot ng rugby eh -_-

"Zee!! Ni rape nanaman ako ni Mikey! Ang aga-aga pumunta sa amin at binaboy na naman ako!!!" Naiiyak na sabi nito habang nakayakap sa sarili. Napailing nalang ako habang natatawa. Si Mikey kasi may pagnanasa kay Darryl at lage itong nakakandong kay Darryl kaya sinasabi na naman ni Darryl na nirape sya ni Mikey haha.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEARTBEATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon