Chapter 12 - Shedding Tears

3.4K 123 23
                                    


Nakaka-stress na talaga pag malapit na yung midterms! Halos kabi-kabila na yung mga lessons namin pati na yung mga projects at activities na pinapagawa. Yung tipong pagkakadating namin sa umaga puro yun na agad yung aatupagin namin. Ang hassle talaga pag ganito.

"Uy Meg! Paano yung report natin sa Marketing?" tanong ko kay Megan na nasa tabi ko habang nagba-balance ako ng Balance Sheet activity namin. Kainis! Dapat kase equal yung assets sa liabilities at owner's equity! Ba't kulang ng P2900?!

"Okay na. Pinagawa ko na dun kay Rea!" sagot naman niya na ang tinutukoy ay yung isa pa naming groupmate. Paglingon ko ay saktong na-balance niya na at naglalagay na siya ng double rule.

"Yes! Balance na din sa wakas!" naisigaw pa niya. Napanguso na lang ako. Mas magaling talaga sa akin si Megan. Buti pa siya tapos na samantalang ako hindi magkaintindihan dito.

"Go Wends! Kaya mo yan!" pagchi-cheer niya pa sa akin. Napasapo na lang ako sa noo ko. Argh! Mas lalo akong napi-pressure! Tapos hindi pa ako kumakain. Lunch kase namin ngayon at next subject namin ang Accounting kaya sobrang stress kami sa paggawa nung activity.

"Tulungan na kita, gusto mo?" offer ni Megan sa akin pero umiling lang ako. Kailangan ko 'tong matutunan all by myself. Paano na lang ako sa midterms at finals kung lagi akong aasa sa tulong ng kaibigan ko?

"Sure ka? Sige, punta muna ako sa canteen ha, Wends? Ibibili na din kita ng snacks" sagot ni Meg bago tumayo sa upuan at naglakad palabas ng classroom namin.

Ganito talaga yung normal scenario namin pag exams week. Pag nilibot ang tingin sa buong room, halos lahat busy. Siguro konting porsyento lang sa amin yung pa-chill chill lang. Yung mga yon ata yung ayaw maka-graduate kaya walang pakealam sa marka.

Busy na ulit ako sa pagpindot sa calculator ko nang bigla na lang may naglagay ng Nova chips sa desk ko. Agad akong ngumiti at tumunghay para magpasalamat kay Meg. Ang bilis niya naman atang makabalik?

"Thank y–"

Pero mali pala ako. Hindi pala si Meg yung nagpatong ng Nova sa desk ko. Napahigpit ang kapit ko sa ballpen ko nang makita ko kung sinong nakatayo sa harap ng desk ko ngayon at nakatingin sa akin.

Wow. After almost 8 months, ngayon lang niya ulit ako nilapitan.

"Kumain ka muna Wendy. Masama magpalipas ng gutom" sabi ni Travis habang nakatingin pa rin sa akin. Grabe. Parang gusto kong matawa. Anong ginagawa niya? At sa tingin niya ba nakakabusog na yung Nova chips?

Ibinaba ko na ang tingin ko at muling ibinalik ang focus sa ginagawa. I set aside the snack he gave. Bahala siya dyan.

"Hindi ako gutom. Sayo na yan" I answered dryly. Ba't ba niya ako kinakausap pa? Diba nga wala na siyang pakialam sa akin? Sa nararamdaman ko? After all those months, bakit bigla-bigla na lang siyang lalapit sa akin? Parang nung isang araw lang hindi niya ako pinapansin.

Naramdaman kong hindi siya umalis sa pwesto niya. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagpindot sa calculator ko at sa pagko-compute ng amount ng fixed asset na nasa balance sheet ko.

I continued. Not minding him, his presence and the fact that he approached me first.

I continued. I tried to.

But damn.

Hindi na ako makapag-focus. Paano ko nga naman ba magagawang magpatuloy sa ginagawa ko kung ramdam ko yung tingin niya sa akin?

Hindi na ako nakatiis. Agad kong dinampot ang binigay niya pati na rin ang mga gamit ko. Tumayo na ako saka ko siya diretsong  tinitigan sa mga mata. Napansin ko rin na tinitingnan na kami ng ilang mga kaklase namin at may nahagip pa nga ang mata ko na nagbubulungan. Tsk. Ayoko ng ganito.

That Guy Named Eros (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon