Taong 1901
Mahimbing na natutulog sa kaniyang higaan ang isang binibini. Nananaginip siya tungkol sa lalaking hindi niya gaanong maaninag ang mukha. Lumapit sa kaniya ang lalaki at akmang magpapakilala na ito nang bigla siyang makarinig ng isang boses babae.
"Binibining Clara?" ingat na tugon ng tagapagsilbi na si Selya habang ginigising ang binibini mula sa kaniyang mahimbing na pagtulog. Nagitla at napamulat naman si Clara mula sa pagtawag na iyon. Kinabahan pa si Selya dahil mukhang nagulat niya ang binibini.
"Paumanhin po binibini, ngunit kanina pa po ako inuutusan ng inyong ina na gisingin kayo. May kailangan raw po kayong puntahan pagkatapos ng agahan." tugon nito at tila hindi makatingin sa binibini. Natawa na lamang si Clara sa hitsura niya.
"Selya, huwag kang matakot sa akin, hindi naman kita kakainin." tugon ni Clara habang tatawa-tawang nakatingin kay Selya.
"At tiyaka isa pa, ikaw ang gusto kong makasama sa lahat ng balak kong gawin. Bukas, nais ko sanang tayo'y magpunta kina aling Tasing." nakita naman niya ang pag-gaan ng hitsura ni Selya kung kaya't nakahinga na rin ito ng maluwag.
Palibhasa'y baguhan pa lamang ito kaya't hindi pa siya gaanong sanay, lalo na't siya'y nagsisilbi sa pamilyang hindi maipagkakaila ang kayamanan sa dahilang nabibilang ito sa pinakamatataas na posisyon sa lungsod.
Bumaba ng hagdan si Clara at nagtungo na sa kusina. Naabutan niya roon ang inang si Donya Leonora habang tinuturuan ang isang tagapagsilbi sa pagluto ng Adobo. Siya ang naglalagay ng mga sangkap sa pagluto habang tinatandaan at pinapanood naman siya ng mga tagapagsilbi. Lumapit si Clara sa kaniyang ina sabay yakap rito.
"Oh anak, buti naman at nagising ka na, malapit nang matapos ang iyong paboritong putahe. Maupo ka na muna roon at ipaghahanda kita mamaya." matamis na ngiti ang ipinamalas ng kaniyang ina sakanya.
Napangiti rin ang mga tagapagsilbing naroon dahil sa paglalambingan ng mag-ina. Para sa kanila, ibang-iba ang pamilya Reyes kumpara sa ibang mayayamang pamilya na nakilala nila. Si Binibining Clara Reyes ay isang dalagang hindi mapagmataas sa iba. Pantay ang kaniyang pagtingin sa kahit na sinuman. Maging ang ina niyang si Donya Leonora Reyes ay ganoon rin. Hindi siya katulad ng ibang donya na sobra kung mang-alipusta. Si Don Antonio Reyes naman na ama ni Clara at asawa ni Donya Leonora ay hindi pa masyadong pamilyar sa mga tagapagsilbi sapagkat kadalasan itong nasa ibang bansa para sa kaniyang tungkulin.
"Oo nga pala ina, saan po ba tayo magpupunta mamaya?" tanong ni Clara sabay subo sa kutsarang hawak niya.
"Iniimbitahan tayo ni Donya Catalina sa kanilang tahanan. Kaya't pagkatapos kumain ay ayusin mo na ang iyong sarili, tiyak na hinihintay ka na rin ng mapapangasawa mong si Ginoong Leo" tila kinikilig na saad ng kaniyang ina.
Nagbago naman ang reaksyon ni Clara sa sinabi ni Donya Leonora. Si Ginoong Leo Somera na kaniyang mapapangasawa ay kasalukuyang dalawapu't taong gulang. Anak siya ng kasalukuyang Gobernador-Heneral na si Don Elpidio at ni Donya Catalina. Matagal nang magkaibigan ang pamilya nila kung kaya't hindi na sila nagdalawang isip pang ipagkasundo ang mga anak. Magkababata rin sina Clara at Leo kaya't naniniwala silang mas titibay pa ang pagsasama nito. Sa kabilang banda, para kay Clara ay kaibigan lamang ang turing niya kay Leo. Hindi niya kailanman inisip na hihigit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila ngunit wala na siyang nagawa nang ipagkasundo silang dalawa. Inisip niya na lamang ang kapakanan ng kanilang pamilya.
Pagkatapos kumain ay nag-handa na si Clara sa kanilang pag-alis. Sumakay na sila ng kalesa patungo sa tahanan nina Donya Catalina.
Pagkarating ay pinapasok naman sila agad ng mga guwardiya at masayang sinalubong ng Donya.
BINABASA MO ANG
Flashed from the Past
Historical FictionAmanda Nicole R. Sarmiento, 19, isang estudyanteng tahimik, matalino, at masyadong adik sa kaniyang history subject. Isang bagay ang nakakapagpagulo sa kaniyang isipan, iyon ay kung totoo nga ba ang mga haka-hakang ang mga tao'y nabuhay na noon pa m...