Chapter 11: Video

158 3 0
                                    

Chapter Eleven


*Margaret's POV*


"Garet, ano bang nangyari? Bakit ka pinatawag? Sino yung lalaki kanina? Anong sabi sayo?" Nagtakip ako ng tenga dahil sa pagpapaulan ng tanong ng magaling kong bestfriend.


"Eris, please, hinay hinay sa pagbato ng tanong. Isa lang ako, isa! At hinde ko masasagot ng sabay sabay ang mga tanong mo. Isa lang ang bibig ko bes!" Sabi ko sabay irap.


"Okay okay, sorry. Ano bang nangyari?" Tanong niya.


"Ayun, pinatawag sa office. Muntik na akong iexpel." Simple kong sagot.


"ANO?!" Tinakpan ko agad ang bibig ng magaling kong bestfriend, napakainam mo bes. Ang sarap mong sakalin.


"Next question. Mamaya na violent reactions, please. Para mabilis ng matapos bago matapos ang lunch natin." Sabi ko.


"Bakit ka pinatawag?" Tanong niya ulit.


"Pinagusapan namin ang tungkol sa pagpunta ko kahapon sa isang ice cream parlor daw at nagsagawa ng kahihiyan sa kainan na iyon. Hello, emergency kaya kahapon!" Sabi ko pero sa totoo lang, kabadong kabado na ako. Nagsisinungaling na ako eh, malamang pag nalaman nila ang totoo, expel na ang abot ko.


"I believe in you, bes. Alam kong nagsasabi ka ng totoo." Sabi niya sabay tapik sa balikat ko. If only you knew, Eris. Heto ang dirty little secret namin ni Miguel.


"Sino yung lalaki?" Tanong niya.


"Siya yung may-ari ng Ice Cream Parlor." Sabi ko.


"Anong sabi sayo?" Tanong niya.


"Balak niya akong ipa-expel." Sabi ko.


"Naniniwala naman sayo si sir Pancho eh. Kami rin naman eh, alam kong sinungaling lang yung may-ari na iyon. Diba?" Sabi ni Eris sa akin. Tumango naman ako, naman eh! Lalo lang ako pinakaba!


Mabuti na lamang at dumating ang teacher namin sa sumunod na subject, hinde na rin nakapagtanong pa si Eris.


Uwian na. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Miguel pero biglang may humila sa akin at hinila ako palapit sa kanya.


"Wag mo ng tangkaing lumapit kay Miguel. Nagtatalo sila ni Michelle." Sabi niya. Isang irap lang ang sinagot ko sa kanya at nagpumiglas.


"Maniwala ka nga sakin! Nagtatalo sila dahil sayo, yun ang pagkakarinig ko." Sabi pa niya.


"Wala akong pake. Bitaw." Sabi ko pero hinde pa rin niya ako pinakawalan.


"Ano bang nangyari? Alam mo, nagpoprogress na ang plano natin, napag-aaway mo na sila." Saad pa niya.

Mr. Kiss StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon