PERFECT LOVE STORY // 7
"Hey Miss, ikaw si Erin, right?"
No. Left.
Ay loka. Wait. Ano sasabihin ko?
Teka. Ba't ko iniisip kung anong sasabihin ko?
"Ah. Oo. Ba't alam mo -- "
"Oh my gosh, I knew it! You're the one who wrote that article na na-feature sa Blaze last month di'ba? Yung about popular students? Well I've had this research kasi about you since I really liked your article, and nalaman kong you're a friend of Jake?"
Oh. Friend? Hell yeah.
"Uhm.. yeah. Dati. Matagal ko na nga rin syang di nakita eh."
"Great! Tagarito ka ba? Bagong-lipat kasi kami. I think he'd be glad to see you. Actually natanong ko siya tungkol sa'yo, but busy siya that time so di ko siya masyadong nainterview. And-- oh wait sorry. I'm blabbering. Gan'to lang talaga ako pag excited eh. I'm Kath nga pala, Jake's --"
"Ate Erin!"
Gosh. Thank you sooo much Kaii. You're a lifesaver.
"Uh, Kath, I need to go na kasi. Sige, nice meeting you. Pakisabi kay Jake 'hi'.
"Ah tek--"
I didn't give her the chance to say anything. Tumakbo na kasi ako ng bonggang-bongga papunta kay Kaii na ililibre ko talaga ngayon for saving me kanina. Haaaaaaay. Nice meeting her talaga eh noh? Nag-hi pa'ko. AMPLASTIK ko grabe.
"Oh my God Kaii sobraaaang thank you! Maraming salamat talaga kasi-- eh? Umiiyak ka?"
"Ate ~ "
"Teka, bakit?"
"Di ko na siya nahabol."
"Ha? Sino?"
"Si Jan."
"Teka lang. Yung bestfriend mo?"
"Na mahal ko."
"Eh.. di'ba matagal na dapat umalis yun? Nung isang isang isang araw pa?"
"Eh hayaan mo na yung time frame ate. Di masyadong magaling dyan si otor. Basta galing akong NAIA kaninang madaling-araw."
"Ay nakikieksena ka Kaii? Oh kamusta naman?"
"Di ko nga kasi siya nahabol. T_T "
Ayun. Lumakas na yung iyak. So I decided na kaladkarin siya papasok sa Starbecks, (coffee shop na bading yung may-ari :D) para ipagpatuloy ang drama session namin.
"So. Ano na?"
"Hay ate. Ansakit lang grabe. Kasi nga nagpahatid pa'ko kay mama kanina mga 2 am papuntang NAIA para habulin si Jan kasi nga narealize ko na kahit aalis siya eh kelangan ko pa rin sabihin ang feelings ko para sa ikagagaan ng loob ko. Eh kaso..."
"Eh kaso ano?"
"Barko ate! Barko yung sinakyan nya papuntang Cebu! T_T "
Awwwts. Saket </3.
Yun ang heartbreak.