Chapter 15
Lutang lang ako habang nagmamasid sa guro naming nagsasalita sa harap. Nakaka asar talaga si Cliff kahit kailan! Urgh!
"Diba last year, swine tayo? This year, lahat na. Mula poultry." Sabi ng teacher namin sa animals. Narinig ko naman ang mala manyakis na whistle ng mga lalaki kong kaklase.
"Class, listen! Umayos nga kayo!" Inis na sabi ng aming guro. Tila wala kasing nakikinig dito. Ako lang ata? Syempre joke! Ops! Bawal galitin ang dragona. Sus! Yari tayo niyan mga pre! Napaayos ng upo yung iba. Napatigil sa pagkukuto naman yung ibang mga babae. What the f? Yung mga lalake naman ngumingisi lang. Sa ganda ba naman kasi ng guro namin. Tss.
Maganda si Ms. Nadeth. Parang anghel na inihulog ng langit. Kaya lasug lasog yung mukha. Biro lang! Maganda talaga ito. Dyosa nga kung tawagin ng mga kaklase ko eh. Dalaga pa ito.
"Ma'am, ang ganda mo ngayong araw na ito." Sabi ng isa kong mayabang na kaklase sabay whistle ng mala manyakis. So siya yung sumipol kanina? Nagtawanan naman yung iba at nag apiran pa sila ng mga kasama niyang lalaki. Aish!
"Uh, thank you for that Mr. Mandipa! Di ka pa rin talaga nagbabago." Sarcastic na sabi ng aming guro at piningot sa tenga. Hahaha!
"Ah-aww! So-rry na ma'am!" Nahihirapang sabi ni Mandipa. Yan kasi eh! Hahaha!
"Next time, Mr. Mandipa wag kang sumipol ng ganun ah?" Nang aasar na sabi ni Ma'am. Napapahiyaw naman sa sakit si Mandipa dahil sa nilakasan pa ni ma'am ang pagpingot. Sabi sa inyo eh. Bawal galitin ang dragona.
Napuno ang room ng maingay na tawanan. Namumula kasi yung tenga ni Mandipa. Ang yabang kasi! Hahaha. Di ba siya na inform na kapatid ni Ms. Nadeth si Ma'am Corpuz which is yung terror naming adviser! Hahahah! Yeah right. Magkapatid nga sila ni Ms. Nadeth.
"Yan kasi ang napapala ng mga mayayabang eh." Bulong ni Jenisse na narinig naman namin. Napahalakhak nanaman kami.
Mabait si Ma'am Nadeth kaya nga walang nakikinig sa kanya eh! Pero kung ginalit mo siya, lagot ka!
"Uh-h, Good morning ma'am?" Napalingon kaming lahat sa bagong dating na estudyante.
"Yes?" Sabi ni ma'am at lumapit sa pintuan. Nakipag usap muna ito saglit. Dahil nga sa mababait kaming estudyante, nag ingay nanaman sila!
Kasalukuyang nag iingay ang aking mga kaklase. Yung iba may mga sariling mundo. Ang tagal naman ni ma'am makipag usap!
Napalingon ako sa aking katabi ng kalabitin ako nito.
"Az, wala kaming alam na nagtransfer pala si Jax dito. Wala siyang nababanggit sa akin dati nung bakasyon. I didn't know!" Paliwanag ni Kyla kahit wala naman akong tinatanong.
"Me too! Wala akong alam!" Taas kamay ni Jenisse. Tumango naman ako at seryosong bumaling sa harap. May pumasok kasi! At nakaka agaw pansin yung kagandahan niya!
"Okay class, Quiet!" Sigaw ni Ms. Nadeth. Tumahimik naman ang lahat at naghihintay sa sasabihin ni Ms. Nadeth.
"Diba may classmate kayong transferee? Dito siya sa animal production na enrolled kaya you have a new classmate. Mr. Buenaventura, come in and introduced yourself." Ngiting ngiting pumasok si Jax at nagpakilala. Pagkatapos magpakilala, dumiretso siya kila Mandipa at nakipag apiran pa. Wow? Close na sila agad? Mga mayayabang kasi! Wait? What? So, Animal Production siya?! What!
"Jax, congrats!" Bati ni Jenisse. Napalingon ito sa banda namin. Bat ba nagcocongrats itong bruhang to?
"For what?" Tanong nito. Ngumiti si Jenisse at nagkibit balikat. Problema nang babaeng to?
Di ako nakikinig sa itinuturo ni Ms. Nadeth. Pero yung mga kaklase ko todo kinig. Mabait na estudyante tong mga ito eh. Kaya ang ending? Ni isa walang laman yung notebook ko. Tamad akong magsulat eh!
"Class, mag fi-field tayo ngayon." Sabi ni Ms. Nadeth pagkatapos magdiscuss. Aish! Actual nanaman!
"Ms. Nadeth, wag naaa!" Paki usap ng mga ulol kong kaklase.
"Okay." Simpleng sagot ni Ms. Nadeth at nagcellphone na. Pustahan! Mag e-ML yan! Ang astig talaga ni ma'am! Hahaha
Oh right! Isang oras para sa lesson at isang oras din para sa pagchichismiss! Hahahaha! Alabyu Ms. Nadeth!
"Ms. Nadeth, una na kami sa canteen." Paalam ni Brhea. Mukhang wala namang narinig si Ms. Nadeth. Kaya lumapit si Brhea at tinapik sa braso.
"Ms., una na kami sa canteen. Maglulunch." Tumango ito ngunit may sinabi.
"Sige, pero wag kayong magpapakita o magpapahuli kay papa." Sabi nito habang naglalaro. Ay oo nga pala! Putekks! Ama niya pala yung principal namin dito. Ayaw na ayaw nun ng estudyanteng pakalat kalat pag kasalukuyan ang klase.
"Jax, maiwan ka na muna dito?" Tanong ni Jenisse kay Jax na abala sa pakikipag usap at tawanan sa grupo ni Mandipa. Nakahanap na ng tropa ang lolo niyo mga chong!
Tumango ito. At nakipagtawanan nanaman kila Mandipa. Aba naman?
"Ay teka?" Napatigil kami sa paglalakad ng magsalita si Brhea.
"Hoy babae! Tara! Balik tayo sa room." Sabi nito at hinila ako pabalik ng room. The heck? Ang layo nanamin sa room tas babalik? Anong problema nito?
"At bakit tayo babalik?" Tanong ni Kyla na nakasunod pala sa amin.
"Diba nga susunduin siya ni Insan mamaya? May lunch date sila!" Ay putikss! Nakalimutan ko! At tila ayaw ko na bumalik sa room.
"Hindiii! Tara na!" Sabi ko at hinila si Brhea pabalik ng canteen. Hinila naman ako nito ulit kaya ang ending naghihilahan kami dito sa gitna ng daan! Leche naman oh!
"Ano ba Brhea?!" Naiinis ko nang sigaw. Para kaming tangang naghihilahan dito.
Imbes na awatin kami nung dalawa eh nagtatawanan pa sila! Mga leche! Maubusan sana kayo ng hangin sa katawan! Mga busett!
"May lun---"
"WHAT'S GOING ON HERE?" Maowtoridad na sabi ng kung sino man. Natigilan at napalingon kami sa taong nagsalita na sana hindi nalang namin ginawa! Ay putanginamessss! Lupa! Lamunin na sana kami ng lupa ngayon! Bwisiit! Teleport!
"A--hh si--r," Di mabigkas bigkas ni Kyla ang dapat niyang sasabihin. Ano ba? Putanginamesss talaga! Naghihintay ako ng magsasalita ngunit ni isa walang gustong magsalita! Ang kaninang kapit na kapit na si Brhea bigla nalang akong binitawan at itinulak paharap! Ay mga putanginamesss! Ako pa ipapasubo! Ang babait talaga ng mga kaibigan ko eh! Mga leche!
"Ah si--r, pabalik na po kami ng room. May ipinakuha lang kasi si Ms. Na--" Ay shutangina! Sinong teacher ba sasabihin ko?! Lagot ako pag ginamit ko pangalan ni Ms. Nadeth!
"Ma'am Mendez, Sir!" Biglang sabat ni Jenisse. Uh? Sinong Ma'am Mendez? Teka? Apelyido nila yun ah?!
Kumunot naman ang noo ng principal namin na tila nag iisip kung meron bang Mendez na teacher sa school. Napapikit ako ng mariin at taimtim na nagdasal na sana palayasin na kami sa harap niya. Sheez!