Aika's POV
riiiiinggg, riiiiiinggggg, riiiiiingggg
"Whooooaaaa!" Nag inat ako bago ko sagutin ang phone ko. No'Aga aga naman sino ba naman tong tawag ng tawag?!' -.-
"Hello?!" Sagot ko sa phone ko.
"Hey Aika! It's me." Masaya nyang sabi sa kabilang linya.
Napabangon ako bigla ng marining ko ang boses na yun. Hindi ako pwedeng magkamali. She's back!
"ATE ANNA?!" Gulat kong sabi sa kabilang linya.
"Yes, It's me. And I'm so happy to be back! Hahaha."
"Kailan ka pa nakabalik?!"
"Just now baby. Kakauwi ko lang dito sa bahay."
"Really? Hindi ka manlang nagsabi para napaghandaan namin nila Max."
"Hahaha, it's ok. Anyway, punta kayo dito later. Tinawagan ko na din sila. Magpapahanda ako ng foods kay Manang."
"Suuurreeee!" Excited kong sagot.
"Ok, so see you later? I gotta sleep muna. Medyo pagod pa ko sa byahe. I missed you Aika."
"I missed you too Ate Anna. Get some rest muna. See you later, bye."
Ate Anna is my friend, she's a Filipino but an American citizen. She's 17 years old while I'm 15. Umuuwi sya dito sa Philippines every June to celebrate her birthday.
After the call, bumaba na ko sa kusina para maghilamos at magtoothbrush. It's so early, pero hindi na kasi ako inaantok. Nagprepare na ko, kasi may pasok pa ko sa school.
Anyway, I'm Aika Gozon, an only child, turning 16 sa August, I'm in my 3rd year in high school at St. Martin National High School and single!
Kakagaling ko lang sa almost 2 years relationship na iningatan ko pero wala eh. Anyway, mag-aaral nalang muna ko.
"Aga mo naman nak?" Si mom habang nagluluto palang ng breakfast.
"Aga ko po nagising eh." Sagot ko.
"Kain ka na muna, maluluto na to oh."
"No thanks Mom, sa school nalang ako kakain." hindi ko na inintay pa ang sasabihin nya at umalis na ko. Rude? Hindi lang talaga ko close sa parents ko. Kasi they're so strict especially in terms of my studies but never kong nakita sa kanila na naappreciate nila yung mga achievements ko sa school.
*School
"Good morning Aika! Aga mo naman?" Bati sakin ni manong guard habang todo maka ngiti.
"Good morning din po. Maaga po akong nagising kanina eh." Pilit na ngiting sagot ko.
"Ah sige, mag-aaral ka mabuti." sabi nya pa. Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya bago tuluyang umalis.
Habang naglalakad ako papasok, may natanaw akong lalaki sa di kalayuan na parang may inaabangan. Hindi ko nalang sya pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad ng...
"A-aika?" Nauutal na tawag nya sa pangalan ko. Hindi ko sya kilala at parang ngayon ko lang talaga sya nakita. But still I manage to smile to him.
"Hi. ^^ Good morning." Bati ko sa kanya.
"P-para sayo!" Sabay abot nya ng isang pirasong red rose sakin at dali daling tumakbo paalis. 'Weird.'
Tiningnan ko yung rose ng may makita akong letter na nakatali sa tanggay nun.
'Hi beautiful.' Yun lang ang nakalagay. In fairness mukang fresh pa yung flower.