CHAPTER THIRTY: The Proposal

62 4 0
                                    


Alvaro's POV

"I love you, AJ baby!" Bulong ko kay Aj habang nakaulo siya sa dibdib ko. Hinalik- halikan ko ulo niya. Ang bango niya talaga.
Nandito kami ngayon sa harap ng Beach sa Tambak, kung saan naka-park yung sports car ko sa tabing dagat habang nakatingin kami pareho sa papalubog na araw. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, magkasama kami and our body collided to each other.

"I love you too very much, Alvaro." Nakatingala siya sakin. Kahit buo kong pangalan ang inuusal niya ay masarap parin niyon pakinggan. Hindi ko na siya kinukwestyon kung bakit ayaw niya ng endearment, hindi naman yun mahalaga. Ang mahalaga lang naman is mahal ko siya ng sobra sobra. At hinayaan niya kong mahalin siya. I think, wala na kong hihilingin pa cause siya lang ay enough na sakin.

Muli ko siyang kinabig palapit sa dibdib ko, bagay na hindi naman siya pumalag. Ngunit may pilyang ngiti ang gumuhit sa labi niya."Baka may balak kang kung ano ha, wag mo nang ituloy. Papayagan lang kita kapag nakasal na tayo." Kitam alam niya eh! Sa sobrang intense ng sitwasyon namin, alam kong nakakaramdam rin siya ng bagay na gusto kong ihiling sa kaniya. To make love with her. But I can wait.

Hinugot ko yung box ng singsing sa bulsa ng shorts ko. " AJ, will you marry me?" Kinakabahan yet cool kong tanong. Pocha! Ngayon lang ako biglang kinabahan. Nakakakaba pala talagang magpropose.

"Kung seryoso ka, Alvaro. Yes, I will marry you. Cause I want to spend my life with you alone." Walang patumpik-tumpik niyang sagot.

Sa sobra kong saya ay parang timang akong napatalon mula sa sasakyan pababa. Then, isinuot ko sa kaniya ang singsing na pinamana pa ni Mama. Tapos binuhat ko siya at isinayaw sa hangin.

"Thank you, baby. Di mo alam kung gaano mo 'ko pinasaya." Naluha pa ako habang sinasabe sa kaniya ang katagang 'yon. Hindi ako ganito kasaya noong magpropose ako kay Mayeth. Ni hindi nga ako noon, umiyak. Pero ngayon kay AJ, sa simpleng OO niya'y labis na niya akong pinaligaya. Hindi na talaga ako makapaghintay na makasama siya habang buhay. Naiisip ko palang na makakasama ko siya saking pagtulog at mabubungaran sa aking paggising ay nagpapasatisfy na 'yon sakin.

" Sssh." Pinahid niya luha ko sa mata. " Nakita ko kung gaano mo 'ko kamahal, Alvaro. Walang sinumang babae ang hindi mainlove sa atensiyong ipinagkaloob mo sakin. Walang babae na di maiinggit dahil sa sobra mong pagmamahal sakin. Kaya marapat lang na suklian ko ng walang katapusang pagmamahal iyon. I love you." Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Naramdaman ko nalang ang mga labi ni AJ na inaangkin ang labi ko. This is the best feeling ever!

"So, kailan ang kasal?" Bungad-tanong ni Gold pagkarating ko sa bahay kinagabihan. Nagtext na pala sa kaniya si AJ na engaged na kami.

"After three months pinsan." Nakangiti kong sagot.

"Bakit after three months pa? What if isabay niyo nalang samin ni Jiff, next month? Kasi magpapa-civil wedding kami this coming March 8."
Nakakagulat naman 'tong pinsan ko.

"Nagpaplano na pala kayong magpakasal ni Jiff? Naunahan niyo yata ako." Bulong ko. Ngunit narinig pala niya.

"Ang hina mo kasi pinsan. Haha! Anyway, bukas rito pupunta sa bahay ang parents niya para mapag-usapan ang kasal. Ikaw, kailan mo hihingin ang kamay ni AJ kay Tita Adela?"

"Kung bukas ang sa inyo, e di the next day na 'ko mamanhikan kay AJ. Kailangan ko kasing dalhin si Tito Vince at syempre kayo para may supporters naman ako." Nakangiti kong sagot.

"Okay. So, sige pinsan mauna na ko sayong matulog ha? Maaga pa akong gigising bukas para makapagprepare."

"Sige. Mamaya pa 'ko."
Pagkapasok ni Goldie sa kwarto niya ay lumabas akong bahay at tumambay sa duyan na nasa Gazebo. Itetext ko pa kasi si AJ kung nakatulog na siya.

-Hindi pa. Hinintay ko pa ang text mo. Tawag ka nga para marinig ko boses mo bago ako matulog.- reply niya.

Agad kong idinayal ang numero niya. Atat na rin akong marinig ang boses niyang napakalambing.

"Alvaro..." Fuck! Swabe talaga ng boses niya.

"Yes, baby? Hindi ka pa natutulog?" Tanong ko.

"Hindi pa. Iniisip kasi kita." Naglalambing ang boses na sagot niya.

"Iniisip din kita. I Love you." Sincere kong wika.

"I love you too, Alvaro ko. Sana kahit anong mangyari hindi ka magbabago sakin."

"Ofcource, hinding hindi ako magbabago baby because you are my true love."

"Thanks Alvaro. O siya matulog ka na ha? Ngayong narinig ko ang boses mo ay matutulog na rin ako."

"Pupunta ako diyan sa bahay mo, tatabi ako sayo para makatulog ako ng mahimbing," biro ko. Pero kung pumayag siya e di ok? Hehe.

"Wag na. Baka gusto mong ipatokhang ni Mama?" Ganting biro niya.

"Okay lang. Basta ba, makatabi lang kita."

"Loko-loko ka talaga. Sige na, babye na. Pupunta rin naman ako bukas diyan sa pamamanhikan ni Best."

"Hintayin mo 'ko diyan bukas s'inyo, susunduin kita. At wag kang umalis ha, hangga't di pa 'ko dumarating." Bilin pa niya.

"Yes, major!" Loko din 'tong gf ko. Kakagigil.
😁

_______________________________
A/N: Thank you for reading.

-AgentLoree-

The Arrogant Texmate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon