1.2

7 0 0
                                    

Ms.Shellon,You had a text message from unknown number.

“Shellon si adingklay to baka gusto mong magreply”

………

“Oh?”

…………..

“So kelangan ko pang papangitin pangalan ko para magreply ka?”

…………….

Natawa ako ng konti, habang nagpapalit ng short.

…………….

“Wala akong sinabi. Hindi ako sigurado bukas”

…………….

“Bakit naman?”

“May iba kang gagawin?”

“Wala doon si  tazz”

*Sunod-sunod niyang reply.

“Please, isa-isa lang ang text. Very high school ang unlitext ee. Wala akong gagawin, nahihiya lang akong pumunta kasi baka ma out of place lang ako matagal ang tatlong taong di pagkikita. Kahit nung high school days tuwing summer lang tayo nagkikita dahil odiongan na ko nag-aral, minsan pa nga hindi (alam kong sasabihin mo na batch naman yun at nandoon ka naman) kahit pa. Wala din akong pakilam kong kasama si tazz o hindi. IDC.”

…………………..

“Wow very college. Nobelang nobela. Ee ano naman? Anim na taon tayong nagsama sa elementary days, gusto mo isama ko pa yung kinder days? Isa pa, birthday to ni Abet. Wag ka ngang kj. GRR.”

………………………

“Kdot. Panalo ka na. Wala akong sasakyan okay.”

……………………….

“Dadaanan ka namin ni rics. Happy?”

……………………….

“Okay. Okay.”

…………………………

“Wag mo kalimutan ipadlock yang panty mo. Blee!”

*Nangiti ako ng mabasa ang text na yun ni addy. Si Ericson? HELER?

…………………………

“Spell ASA. Sige na, kakain na kami ee J”

…………………………..

“A-S-A. haha. Sigee. See ya tom. 10’oclock”

Isa sa mga namiss ko ay ang makasabay sa pagkain si appa at si yaya nanay. Nagkwento si appa na maganda daw ang takbo ng mga negosyo namin. Madami siyang nakikilalang tao, kweninto ko din ang regalong trip to paris ni lola.

“Paris? Ang alam ko para sa lovers ang lugar na yun. Hm. My lover kaba?”

*Tanung bigla ni appa habang busy ako sa pagkikwento, namula ako at naghanap ng sagot sa isip ko.

“Pwede naman kitang isama dun appa no. You are my lover. Si yaya nanay din, diba yaya?”

“Malamig dun, baka di kayanin ng katawan ko.”

*Natawa kami pareho ni appa sa sagot ni yaya nanay.

“Well, I guess I am also not available at that time. Kaya ngayon palang maghanap ka na ng isasama sa paris anak, malungkot mag-isa dun. Di mo maeenjoy”

*Pang-aasar ni appa, nakitawa nadin si yaya nanay, kaya naman napuno na ng tawanan ang lamesa.

UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon