chapter 13 "Saluhin mo ito!"

14 1 0
                                    

        Kinabukasan, sinalubong ni Daya si Maui sa pag-uwi. Sinabi ni Daya na kinidnap ng mga vampire si Dugas at hindi niya alam ang dahilan ng mga ito kung bakit si Dugas ay nagawa nilang kidnapin.

          Walang ginawa ang mag-ama kundi mag-galagala tuwing gabi, si Maui ay naka-anyong tiktik at si Daya naman ay hati ang katawan para kung sakali ay tatlo silang naghahanap. Walang pakialam ang kalahati ng katawan ni Daya kung nakikita ito ng ibang tao.

          Isang gabi ay nakita ng kalahating katawan ni Daya si Ralph at sinundan niya ito. Dito na nalaman nila Maui at Daya kung saan ang hideout nila Ralph at agent Cola.

Daya: (tumawag sa cellphone) Dad nakita na ng half body ko ang hideout ng mga vampire.

Maui: (kinuha ang phone sa pwetan) Very good! Sige, text-text na lang para makasunod ako.

          Dahil sa nasa probinsya pa ang hideout nila ay nagawa nilang mag-anyong tao na lang muna at maghintay ng pagkakataon. Tinawagan ni Maui si aling Diane papunta sa probinsya para magdala ng isa pang bote ng langis pang-aswang. Bago pa man magdilim ay nakarating na agad si aling Diane at dala ang bote na pang-aswang.

          Pagsapit ng dilim narinig ng lahat ang isang malakas na alulong ng aso, umihip ang napaka-lamig na hangin sa buong kapaligiran, parang hudyat na magkakaroon ng isang malagim na digmaan.

Agent Cola: Nand’yan sila. Nand’yan sila sa labas.

Ralph: ihahanda ko lang ang ating mga kasama.

Agent Cola: (nagtaka) Teka paano tayo nagkaroon ng mga kasama?

Ralph: May sabungan d’yan sa kabilang ilog. Naisip ko na baka magamit natin sila balang araw.

Agent Cola: (nainis sa ginawa ni Ralph) Anyway… tandaan! dapat ay ingatan natin si Dugas.

Ralph: Aknowledge.

          Pumunta si Ralph sa ilalim ng silong ng bahay at pinag-gigising ang mga vampire na natutulog sa mga kabaong, may mga nakatagilid, nakadapa, nakabukaka, may tumutulo pa ang laway at isa naman ay nangungulangot pa.

          Sa labas naman, sila Maui. Daya at aling Diane lang. nagsimula ng magpahid ng langis si Daya, si Maui naman ay lumunok ng batong itim at si aling Diane naman ay may kinakabisado na libro. Ito kasi yung nakita niya nung pinasok niya ang kwarto ni Maui noon.

          Tumayo ang tatlo sa harapan ng hideout, sumigaw si Maui na lumabas kayong dalawa gamit ang isang megaphone, ang akala niya ay dalawa lang sila nagulat sila ng may nagsilabasan mula sa ilalim ng lupa.

Maui: (gamit megaphone) Lumabas kayo d’yan, lets get it on!

Aling Diane: (hindi natatakot) Tara na! game!

Daya: (napansin ang mga lumalabas sa lupa) Ha! Hindi sila nagdadalawa, may mga kasama sila.

Aling Diane: Ok lang ‘yan mga weak ‘yan!

          Nagsipaglusob ang mga nakakatakot na vampire mula sa lupa at lumaban ng sabayan ang buong pamilya. Si Maui ay nangangalmot, si Daya naman ay gamit ang dila at bituka pang-latigo sa mga vampire tapos ang kalahati niyang katawan ay nangangarate at nagulat sila kay aling Diane na gumagamit ng magic dahil ang libro pala na nakita niya ay libro ng mangkukulam.

         Hindi pa natatalo ng buong pamilya ang mga vampire na unang lumusob sa kanila dahil sa dami ng mga ‘to. Maya-maya ay nagpakita na sina Ralph at agent Cola. Hinarap ni agent Cola si Maui at si Ralph naman ay ang magkahating katawan ni Daya.

          

 Agent Cola: Tumabi kayo! Kami na ang tatapat sa mga ‘to!

Ralph: Oh aking Daya, kailangan kitang paslangin!  

Maui: (humarap kay Daya) Ang dami ko ng sugat baka hindi ko siya kayanin, pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para sa inyo ni Dugas. (lumingon kay agent Cola) Tapusin na natin ‘to!

Daya: Ralph, kung hindi ka na mababago kailangan na kitang tapusin!

        Nagsipaglayuan ang mga vampire sa paligid nila. Pagkalayo ng mga ekstrang vampire ay napansin nilang lima na nag-aabutan ng pera ang mga ‘to.

Aling Diane: Parang nagpupustahan pa ata ‘tong mga ‘to oh.

Maui: (binulungan si aling Diane) Mukhang nagkakatuwaan pa ang mga ‘to, Diane kunwari ay makikipusta ka tapos ay pumasok ka sa loob at pakawalan mo si Dugas. Huwag kang papahalata at mag-ingat ka!

        Umihip muna ang malakas na hangin at dumampi sa kanilang mga katawan, muling nagsipag-alulong ang mga aso at lumitaw ang liwanag ng buwan. nagpormahan muna ang apat.

        Bago magumpisa ang umaatikabong labanan ay naghiyawan na ang mga ekstrang vampire na kala mo ay nasa sabungan at sinisigaw ang kanilang pambatong manok.

        Unang lumusob sina agent Cola at Ralph. Tinapatan ni agent Cola si Maui at si Ralph naman ay si Daya. Naglabanan ang apat at puro hiyaw naman ang mga ekstrang vampire. Pinagkakarate ng kalahating katawan ni Daya si Ralph at hinahagisan ng “bitukang-lubid”         tapos hinahampas ng dila. Si Maui naman ay hindi makasabay sa lakas ni agent Cola dahil kanina pa ito nakikipaglaban, hanggang sa maihagis ni agent Cola sa makapal na puno si Maui at sa sobrang sakit ay nailuwal niya ang itim na bato.

Daya: (nakita ang ama) Daddy!

Ralph: Sosyal ah, Dadyy! Ako ang harapin mo!

Agent Cola: (nakita nag itim na bato) Ito siguro ang sikreto mo?!

Maui: (nawalan ng malay) Daya…

          Tipong kukunin na ni agent Cola ang itim na bato ng bigla siyang binatuhan ni aling Diane ng magic kasama si Dugas at tumilapon siya sa tabi. Kinuha ni aling Diane ang itim na bato at nagawang isubo pero niluwa niya dahil sa sobrang pait nito.

Aling Diane: (iniluwa ang bato) yak! Kadiri! (binigay kay Dugas) ang pait! Oh, ikaw nga shat mo!

Dugas: (nandiri din) Sige try ko ha! (niluwa) Yak, ang pait! Sayo na lang.

Aling Diane: Ayoko na ikaw na lang diba dream mo ‘yan? Chance mo na ‘yan!

          Maya-maya ay nakita nilang papalapit na si agent Cola.

Aling Diane: Ay nand’yan na siya, bilisan mo lunukin mo na…

Dugas: (pinilit lunukin) Yan na, anong sasabihin ko.

Aling Diane: (nag-isip) Bahalaka, kahit ano?

Dugas: Darna (may-umusok pero walang nangyari)

Aling Diane: (binatukan si Dugas) Tanga ka! Puting bato yun.

Dugas: (nasaktan) Aray a! edi ano?

Aling Diane: (ginising si Maui) Maui-Maroy, gumising ka. Ano ba yung sinasabi mo? Pagmagta-transform ka…

          Nawalan ng malay si Maroy sa pagkakabangga ng kanyang katawan at ulo sa makapal na puno. Sinabi lahat ni Dugas ang mga pangalan ng maligno at aswang pero walang nangyayari. Hanggang sa tinanong niya kung ano ba ang tawag sa kung anong klaseng aswang ba si Maui.

Dugas: anong klaseng aswang ba si Maui?

Aling Diane: Tiktik!

Dugas: TIKTIK pala siya, (biglang may lumabas na itim na usok sa paligid niya)

Aling Diane: ay tiktik lang pala ang sasabihin.

Dugas: (sabik na sabik) Ayan na magbabago na ang anyo ko…

Aling Diane: wag kang excited. (inubo dahil sa usok) patingin nga kung bagay. (natuwa) Ay bagay nga.

Dugas: (natuwa) Ikaw ah, sipsip ka, parang napi-feel ko na lumalakas ako at malabalbon ang kutis ko… parang bumbayin.

Aling Diane: Tara na, lumaban ka na sa vampire nay an.

Dugas: Tara, lerts get it on…

          Natalo ni Daya si Ralph sa pamamagitan ng pagbunot ng puso nito mula sa kanyang katawan, pagkatapos niyang manalo ay pinag-kaisa niya ang kanyang katawan dahil nakita niya na 5:00 na pala ng umaga. Hinarap ni Dugas si agent Cola, ang pag-asa lang nila ay ang liwanag ng araw dahil ang mga vampire ay takot sa liwanag.

Daya: (nakabalik sa pagiging tao) Ha. kailangan kong magbigay ng moral support kay Dugas my love.

Daya love Dugas (K33P TH3 CH@NG3 vol.2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat