[Hi!!! I will cut this chapter into two parts, masyado kasing mahaba eh, 'di keri sa time!:D I'll publish the second part ASAP, i promise! Bale 4 more UDs before the epilogue pa, and I will publish the first chap of my new story too kasabay nung second part, sana isupport nyo rin un..^^ Spread this sana! Hihi!:)) THANK YOU SO MUCH! ps, pambawi ko 'to for all the pain na naramdaman niyo sa past UDs. mwah!^^ :D]
VICE'S POV
Napagdesisyunan ko munang pumunta sa chapel pagtapos iabot sa akin ni Ms. Z ang kahon na 'to. Ngayon, nandito ako, nakaupo sa pinaka harap na upuan. Hindi ko alam kung anong mga salita ang sasabihin ko sa kaharap ko ngayon, ang Diyos.
May karapatan pa ba akong humingi ng bagong pagkakataon? Hindi naman ako mabait, hindi naman ako santo, sino ba ako para pagbigyan niya, 'diba?
Pero naniniwala akong naiintindihan niya ako, napapakinggan. Hindi naman siguro mali kung humingi ako ng tulong mula sakanya na tumagal pa si Karylle. Hindi lang naman din 'yun para sa akin e, kung di para na rin kay Karylle mismo. Ang bait bait na tao ng girlfriend ko. Lord, marami pa po siyang pangarap.
At gusto ko pong tuparin pa niya ang mga 'yun kasama ako.
Naramdaman ko ang luha kong nagsimula na namang tumulo kaya binuksan ko na yung kahon. Sa loob, may tatlo pang maliliit na kahon na hugis puso at sa ilalim ng tatlong kahong 'yun, may isang notebook. Pamilyar 'to sa akin ah.
Kinuha ko yung unang heart box na may nakasulat na "Open this when you miss me:)". Namimiss ko naman siya talaga kaya binuksan ko. Sa ilalim nung takip, may nakasulat na "14 Memories ♥" at sa loob, may mga litrato rin.
Bakit mo naman ako ginaganto Kurbaaaa.
Kinuha ko ang unang litrato. Nababaliw na yata ako, kasi habang umiiyak, napangiti ako sa nakita ko. Ito yung first daysary namin. Same day na binili namin yung "notebook" namin na sabi niya, pagsusulatan niya ng "bucketlist" namin. First daysary, first selfie together.
"So namimiss mo'ko, huh? Clingy mo talaga!:p Hi Pogi, let me take you back to this memory, our first day as a couple. :)"
Ang galing talagang mag-isip ni Kurba dahil sobrang effective nitong ideang 'to. Bumalik na naman sa utak ko ang lahat nang nangyari sa araw na 'yun.
FLASHBACK
Unang araw nila as a couple ngayon, they had their first date, first holding hands [Remember, sa chapter 3? XD hehe^^] and now, inaya naman ni Karylle si Vice na magdinner sa bahay niya. First dinner as a couple. Si Vice naman siyempre ay pumayag. Pagdating sa bahay ni K, dumeretso agad sila sa dining area. Pinaupo niya si Vice sa isa sa mga upuan doon at umalis kaya naman nagtaka si Vice.
Bumalik si Karylle nang may hawak na paperbag kaya naman nagulat si Vice. Inabot sakanya ni Karylle ito.
Vice: K? Ano 'to? S-sorry ako walang---
Karylle: Happy first daysary, Vice!!! --- Excited niyang sabi at niyakap si Vice from the back. Picture muna! --- Sabi niya at tinapat ang phone niya sakanila ni Vice at ngumiti nang malaki. Buksan mo yan. --- She said with a sweet smile.
Vice: Araw-araw talaga magcecelebrate tayo, Kurba? Hehe! --- He said shyly.
Karylle: Hindi naman Pogi, ngayong first day lang grabe ka naman! Hahaha! Buksan mo na 'yaaan!
Binuksan naman ni Vice ang paper bag at nakita ang isang notebook na simple lang.
Vice: Para san 'to K? Para sa jokes ko? Hahahaha!
Karylle: Nope! Diyan natin isusulat lahat ng pangarap natin, lahat ng plans natin and basta, lahat! Whatever we want to remember or to write. Ayos ba?
Napa-ngiti naman si Vice. Napangiti siya nang maisip na seryosong seryoso talaga si Karylle sakanya. Wala na siyang ibang nagawa kundi yakapin ang nobya.
Pagkatapos kumain ay dumeretso na muna sila sa kwarto ni Karylle. Umupo sila sa couch at sinimulan na ang pagsusulat sa notebook nila ng mga gusto nilang gawin together.
Karylle: I would love to ride a zipline with you! Kaya mo? --- Tumatawang sabi ni Karylle.
Vice: Oo? Sige lang, isulat mo lang diyan! --- Pagmamayabang ni Vice.
Karylle: I sense a hint of hesitation there..Kaya mo ba talaga?
Vice: Kakayanin. --- Sabi niya at nag thumbs up pa. Kakayanin para sa'yo. --- Sabi niya at inakbayan si Karylle.
- END OF FLASHBACK -
Kinuha ko naman ang susunod na litrato. Picture ito ng kamay naming mahigpit na magkahawak. Ito kasi yung una naming pag dedate sa labas talaga, as in exposed, since after 'to nung interview ko sa The Buzz telling everyone that we're together.
"Hi, Let me take you back to this memory, the day when finally, we can start doing whatever we want to do, in whatever place we'd like to do it! Ito yung date natin after telling the people na tayo na. Have a date in a public place, check!"
FLASHBACK
Pagkapark ng sasakyan sa parking ng Greenbelt, bumaba kaagad si Vice at pinuntahan si Karylle sa passenger's seat para pagbuksan ng pinto.
Vice: Oh, saan mo gusto kumain? --- Sabi niya at tinaas taas pa ang kilay sa sobrang excitement. Dali! Kahit saan diyan! Kahit sa may pinakamaraming tao! Hehehe!
Karylle: Hindi ako nasanay na pwede nating gawin 'to. I'm so happy! --- Sabi niya at sumakay na sa elevator. After eating, maglibot-libot pa tayo ha! --- Sabi ni Karylle at lumapit kay Vice at sumandal sakanya. Bigla namang bumukas ang elevator at agad agad na humiwalay si Karylle sa pagkakasandal kay Vice.
Vice: Ayyyy. --- Sabi ni Vice nang humiwalay si Karylle nang pagbukas ng elevator, marami palang tao. Gulat na gulat ang mga ito nang makitang sina Vice at Karylle ang kaharap nila kaya naman nagmamadaling lumabas ang dalawa.
Karylle: Wait, what? --- Natatawang sabi ni Karylle nang makita na wala pa pala sila sa floor ng mall at nasa upper level lang ng parking. Nagpanic naman tayo masyado! Hahahaha! 'Diba nga pwede na?! Hahaha!
Vice: Bwahahhaa! Nasanay lang, Kurba! Sorry! --- Umiiling habang tumatawang sabi ni Vice. Halika na nga dito! --- Hinila naman niya si Karylle papunta sakanya at mahigpit na hinawakan ang mga kamay nito, at pagtapos ay pinindot na ulit ang elevator.