5th #TBWCGA

650 19 2
                                    

Madaling araw umalis ang team para pumunta sa liblib na lugar ng Bangad, isa sa mga barangay dito sa Sta. Maria na napili ng team na pagdausan ng medical mission.

Dala-dala ko ang duffel bag ko, ang bag kung saan naroon ang mga paints at brushes, at ang DSLR ko. Nakakainis nga dahil sa sobrang antok ko pa, naiwan ko yung limang 16 by 20 inch canvases na dala ko. Iyon sana ang regalo ko sa limang barangay na pupuntahan namin. My plan is I'm going to paint for them. Pero palyado ang plano ko.

Sobrang antok pa ako dahil dalawang oras lang ang tulog ko. Dinamdam ko masyado ang mga sinabi sa akin ni Attorney resulta ng pag-iyak ko buong gabi. I know he's really disappointed but why would he have to say that?

Pagkalabas ko ng van ay napatingin ako sa paligid. Then I realize I am really so far away from Manila. Malayo sa realidad ng buhay dito sa Bangad. The kids are so thin. They don't have proper clothes, same as the adults. Pero napangiti ako nang makitang masayang naglalaro ang mga bata. Ang mga katandaan naman ay ipinapakita ang mga ngiti sa kanilang labi.

Nillabas ko kaagad ang DSLR ko, tinaas ko muna ang aviator na suot ko at agarang kinuhanan sila ng litrato.

Ni-check ko ang litrato at tinago na agad ang DSLR nang magsimulang magbatian ang team sa mga tao dito.

"Ma'am, tulungan na kita," nagulat ako dahil biglang lumapit sa akin si Kuya Larry, na kanina lang ay nasa tabi ni Attorney, dala dala ang gamit nito. Napatingin siya ng bahagya sa mata ko kaya binalik ko sa ayos ang aviator ko.

I am wearing an aviator because my eyes are swollen due to crying. Nakita pa tuloy ni Kuya!

"Salamat po, Kuya." 'Di ko na rin nagawang ayawan dahil sa antok.

Nagkaroon ng pagpapakilala sa bawat isa. Maging ako at si Attorney ay napakilala bilang bagong recruits.

Nag-umpisa rin agad ang check-ups at iilang programa ng medical mission. Si Attorney ay may sariling kubo para sa mga taong nangangailangan pangjudisyal.

Si Daddy ay nasa tabi lang ni Mommy lagi. Madalas ay nag-iikot para tumulong sa iba.

Ako ang kasama ni Kuya Tupe sa pamimigay ng relief goods at kaunting mga damit at tsinelas. Ang daming nagsasabi sa aking ikinagagalak nila akong makilala dahil sa sobrang bait sa kanila ni Mommy. Taon taon ginagawa ni Mommy ang medical mission at siguro'y nakarating na rin dito ang team noong mga nakaraang taon.

"Gale," kakatapos ko lang kausapin ang isang kababayan dahil naikwento niya kung paano gumaling ang anak niya dahil kay Mommy nang dumating si Dad, may tray siyang dala na may plato ng kakanin at tubig.

"Dalhin mo ito kay Isaac sa kanyang kubo. Everyone is busy." aniya.

"So am I, Dad! Ikaw ang magbigay niyan kung gusto mo!"

Gusto kong sabihin pero hindi ko masabi. Tumango na lang ako at kinuha na lang iyon. Nagpaalam ako saglit kay Kuya Tupe at pumanhik na agad sa kubo ni Attorney.

Dahil nakabukas naman ang kawayang pinto ay pumasok lang ako. Ayan na naman ang tingin niya at ang pagtaas ng kanyang kilay bilang pagtatanong.

"It's my Dad again." Tanging sinabi kong alam kong sapat na dahilan tungkol dito.

Nang makalapit ako ay bahagyang nagtagal ang tingin niya sa mata ko. Kanina ko pa tinanggal ang aviator ko kaya expose na ang mga mugtong mata ko kanina pa. Napaiwas ako ng tingin.

"Thank you." aniya at tumango ako.

Lumabas na agad ako at bumalik sa pwesto namin nina Kuya Tupe.

Nang magtanghali ay natapos kami sa pamimigay ng goods at ang pwesto nina Mommy na lang ang dinagsa.

The Boy Who Can't Give AttentionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon