Nomination

3K 64 19
                                    

Hi guys sorry sorry talaga kung ang tagal kong mag update this week, busy kasi sa training sa trabaho ang hirap pa naman ng account kaya kailangan mag effort hehehe ito na po ang chapter 32 anong mangyayari ngayon inamin na ni Mhean sa sarili niya ang totoong nararamdaman niya kay Zac na ang feeling niya ay tanging kaibigan lang ang tingin sa kanya.

Picture of Brent Dela Cruz on the right=====>>>>>

Song is Dapat ka Bang Mahalin by Angeline Quinto

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER THIRTY TWO

Mary Anne's POV

Ngayong naamin ko na sa sarili kong may gusto nga talaga ako sa kauna unahang kaibigan ko, now what? Kailangan ko bang gayahin ang mga nababasa at napapanood kong story na lalayo ako sa taong nagugustuhan ko para pilitin kong makalimutan siya, gulong gulo ang isip ko pagkagising ko pa lang ng umagang iyon, kung puwede nga lang hindi na dumating ang umaga ngunit malabo naman mangyari iyon kaya ito no choice ako at papasok na naman sa school which means na magkikita na naman kami ni Zac lalo na't kaming dalawa lang naman ang magkaclose ngayon.

"Kainis ka naman kasi." asar kong sinabi sa puso ko, kasi naman napakasaway ng pusong ito, maiinlove lang doon pa sa taong hindi ko puwedeng mahalin dahil alam kong malabong may patutunguhan ang nararamdaman ko doon.

Naku naman mukhang talagang inlove na talaga ako kasi naman parang nakikita ko ang papalapit na nakangiti na si Zac sa akin. 

"Hays ang guwapo niya talaga, ang ganda ng ngiti, at ang amo amo ng mata." hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin dito pero bakit ganoon bakit hindi pa ito nawawala, don't tell me si Zac talaga ang nakikita ko at hindi ilusyong dala nang nagdadalaga kong isip.

PANIC MODE!

"Mhean relax baka mahalata ka niya." kausap ko sa sarili lalo na't papalapit na ng papalapit si Zac at isang ideya ang pumasok sa isip ko kasabay ng pag-ilaw ng bumbilya na nasa taas ng bahay na kinatatayuan ko.

"Hoy Mhean bakit ka tumatakbo?!" sigaw sa akin ni Zac mukhang hindi nito inaasahan ang gagawin ko which game me an advantage para makalayo dito.

 Hindi ako lumilingon kahit na nga ba patuloy ang pagtawag ng pangalan ko ng binata, natatakot akong baka bigla ko na lang masabi dito ang nararamdaman ko and then what? Lalayuan niya ako mabrobrokenhearted ako kahit nga wala pang something between us, hindi ko pa talaga kaya siyang harapin pero agad din akong napatigil na nonsense din dahil magkaklase nga pala kami kaya kahit anong iwas ko ay magkakasama at magkakasama pa din kami.

Nasa ganoon akong isipan ng bigla akong huminto at ilang minuto lang ay nakita ko na ang hinihingal na binata na basang basa ng pawis.

"May...sa...yad....ka....ta....laga...alam mo ba iyon?" naiiritang sinabi nito habang habol habol ang hininga nito.

"Sorry." mahina kong bulong, ni hindi ko nga alam kung umabot iyon sa pandinig ng binata na matapos mahabol ang paghinga ay hinawakan na ako sa kamay at nagpatuloy na kaming maglakad.

Habang hatak hatak ako nito sa kamay ay nagkaroon naman ako ng pagkakataon na matitigan ko ito nang maigi sa likod.

"Ang lapad ng likod ni Zac, ano kayang feeling na idantay ko ang pisngi ko sa likod nito." sa isip isip ko at namula naman ang mukha sa iniisip kong iyon at kung malaman lang ng Mommy ko ang iniisip ko ay malamang atakihin iyon sa puso.

Magugustuhan mo rin ang

          

Sa wakas nakarating na kami sa campus katulad nang inaasahan ay agad na naman dinumog ito nang humahanga naming mga classmates at schoolmates.

Wala akong nagawa kung hindi manatili sa isang tabi habang nakatingin dito.

"Ang dami na niyang mga fans." nagulat ako nang may biglang nagsalita sa kanan ko ngunit mas nagulat ako nang makita ko ang nakangising mukha ni Nadine.

"What do you want Nadine?" malamig kong tanong dito, dahil wala ako sa mood na makipag-away ngayong araw na ito.

"Well wala naman akong kailangan, ipinaparealize ko lang sayo kung gaano kalaki ang kaibahan ninyo ni Zac, si Zac ay may future na maging pinakasikat na esduyante sa school samantalang ikaw ay habangbuhay na magiging irrelevant sa school na ito at kung hindi pa dahil kay Zac ay hindi ka papansinin nang kahit na sino." sapul na sapul ako sa mga sinabi nito dahil alam ko na naman iyon kahit hindi pa nito sabihin.

 Naiwan naman ako na patuloy na nakatingin kay Zac na abalang abala sa mga taong nakapalibot dito.

Patuloy na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ni Nadine sa akin habang naglalakad ako palayo sa lugar na iyon, at habang abala ang mga tao kay Zac ay isang tao naman ang tahimik na naglalakad papasok nang school.

Kitang kita ko kung gaano ito kahirap maglakad dala nang injury nito sa paa kaya naman ng bumagsak ito ay dali dalia kong lumapit para alalayan ang binata.

"Hindi ko kailangan nang tulong mo!" asik ni Brent sa akin ngunit hindi ko iniwanan ito hanggang makaupo ito sa isang available na bench.

"You're welcome." nakangiti ko pa ding sinabi dito kahit na nga ba hindi naman talaga ito nagpasalamat sa akin at paalis na sana ako nang marinig kong nagsalita ito.

"Wait hindi ba ikaw ang girlfriend ni Zac?" nakakunot noong tanong nito sa akin, at muli nakaramdam na naman ako ng lungkot sa dibdib ko.

"I guess..." ang tanging nasabi ko na lang and I was about to leave nang marinig ko ang mahinang pagmumura ni Brent at nakita kong natumba na naman ito dahil mukhang tinangka nitong pigilan ako.

"Ano ba naman yan Brent, huwag kang basta basta kikilos." napapailing na lang ako sa lalaking ito parang hindi marunong makinig.

"Kasi naman bigla bigla kang aalis, bakit may problema ka ba?" nagulat ako sa nakikita kong concern sa mga mata nito habang nakatingin sa akin, hindi ko iniexpect na makikita ko iyon sa binata dahil imagine isa siya sa mga sikat na estudyante ng school na to tapos pinag-aaksayahan niya nang panahon ang nobody na tulad ko.

"Wala ito may iniisip lang ako tara na nga hatid na kita sa klase mo." alok ko dito at agad naman nitong pinatong ang braso nito sa balikat ko at mababali ata ang braso ko habang inaalayan ito sobra naman kasing bigat nitong si Brent ngunit wala kasubuan na kaya no choice ako kung hindi ihatid ito sa klase nito.

"Well dito na ako maraming salamat sa tulong Mhean." nakangiti nitong sinabi at hindi ako makapaniwala na natatandaan pa din nito ang pangalan ko ngunit mas nagulat ako nang bigla itong yumuko at hinalikan ako sa kanang pisngi ko.

Naiwan akong tulala habang sinusundan ang papalayong imahe ni Brent habang hawak hawak ang parte ng pisngi kong hinalikan niya.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang naglalakad patungo sa unang klase namin at nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

"Bulaga!" 

"Ay tatalong kabayong nadapa!' gulat na gulat kong sigaw at bigla naman nag-init ang ulo ko nang makita ko ang natatawang reaksyon ni Zac.

"Ano ba naman Zac bakit ka ba nanggugulat?" asar pa din ako dito habang patuloy lang ito sa pagsunod sa akin.

"Eh kasi naman parang wala ka sa sariling naglalakad diyan at bakit mo nga pala ako iniwan?' nakataas pa ang kilay nito nang tinanong sa akin ang bagay na iyon.

"Ah wala may iniisip lang kasi ako kanina at kaya kita iniwan kasi nakita kong abalang abala ka sa mga fans mo." sagot ko dito.

Hinawakan ni Zac ang kamay ko stopping me from moving forward at pinaharap ako nito sa kanya, kaya naman nakatitig ako sa kulay brown na mga mata nito.

Titig na titig ako sa mga mata nito habang hinihintay kong magpatuloy ito sa pagsasalita.

"Alam mo naman Mhean na kahit ilang libong fans pa ang lumapit sa akin, ay hinding hindi kita ipagpapalit sa mga iyon." nakangiti nitong sinabi sa akin at nagpatuloy naman ito sa paglalakad habang napako ako sa kinatatayuan ko.

"Pero bakit Zac?" mahina kong tanong dito, habang nakatitig sa likod ng binata.

"Sorry anong sinabi mo ulit?" tanong nito sa akin.

"Ahh wala kalimutan mo na iyon, tara na baka malate pa tayo." natatawa kong aya dito, sabay kapit sa braso ng binata.

Oo muli ay natakot na naman akong magtanong dito, natatakot akong malaman ko ang katotohanan na kahit kailang ay walang pag-asa na makita ako nito hindi bilang isang kaibigan lang kung hindi bilang isang babae na mamahalin nito.

"Ano nga palang balak mo sa nalalapit na University week?" tanong sa akin nito.

"Uhmmm wala naman dahil hindi naman tayo required na pumunta sa buong linggo na iyon, ikaw anong plano mo?" balik tanong ko dito.

"Uhm gusto ko sanang...." sagot nito ngunit naputol iyon nang marinig naming ang morning announcement ng school.

"Good morning Xavieran!" malakas na bati nang announcer nang linggo iyon, every week kasi nagpapalit ng announcer ay Xavieran ang tawag sa amin dahil nga sa Xavier University kami nag-aaral.

"Dahil sa nangyaring gulo noong nakaraang taon ay minabuti nang huwag nang ituloy ang Ms. Xavier University para na din sa kaligtasan nang lahat so instead magkakaroon tayo nang Mr. Xavier University 2014 and here are the candidates na napili ninyo sa nakaraang survey."

Louie Bernabe

Frank Robles

Kaguya Nakamura

Jordan Mcguire

Anthony Lim

Francis Bautista

Edmond Magbanua

Ethan Smith

Brent Dela Cruz

and..........

Zachary Belmonte

Kitang kita ko ang pag-iling ni Zac pagkatapos marinig ang announcement nang umagang iyon dahil kapag nanalo si Zac dito ay malamang sa malamang ay wala nang magawa ang pagpapanggap naming dalawa which only means na hindi na niya ako kakailanganin.

The Nerd Idol (Rated PG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon