"Kirsten!!! "Ano ka bang bata ka, anung oras na, kahit kailan talaga napakabagal mong kumilos!"
Nangingibabaw ang tinig ng tiyahin ni Kirsten isang Huwebes ng umaga sa apat na sulok ng maliit nilang silid. Sa timbre ng boses nito, ultimo mga katabi nilang silid sa employees quarter ay magigising ng wala sa oras dahil sa lakas ng pag-sigaw nito samantalang dalwang hakbang lang ang layo nito sa kamang hinihigaan ni Kirsten. Four thirty pa lang ay gising na ito para mag-handa ng almusal bago pumasok sa trabaho mamayang alas sais.
"Eto talagang si Tita Cristelle ang aga aga nakuuu. As if naman hindi ako nag-alarm at magigising haist". Pag silip ni Kirsten sa alarm ng cp nya, mayron pa siya halos isang oras sana para matulog pero dahil alam nyang hindi siya titigilan ng Tita niya ay bumangon na siya sa higaan. Dumerecho sya sa pandalawahang mesa kung saan ay may pandesal at kape na nakahanda na para sa kanya.
Si Kirsten Delavin, 17 years old. Kaka-graduate nya lang ng high school noong isang taon pero pinili nya munang tulungan ang tiyahin sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa resort na pinagta trabahuhan din nito sa isang exclusive island resort sa Masbate. Nagkataon na bakasyon at nangailangan ng reliever sa isang staff ng resort at habang bakasyon, naisipan niyang mag-trabaho para makatulong sa mga gastusin nila sa bahay. Hindi man nagsasalita ang Tita niya, ramdam nya na nahihirapan na rin ito. Ilang taon na din simula ng inako nito mag-isa ang pag-papaaral sa kanya simula ng tumigil ang kanyang ina sa pagpapadala ng pera na sa di malamang dahilan ay hindi na rin nagparamdam may limang taon na ang nakakaraan. Gustuhin man niyang mag-college agad dahil may mga alok naman na scholarship sa kaniya bilang nagtapos syang valedictorian, mas pinili nya na mag-trabaho muna at kumita ng pera para maalalayan ang tiyahin sa mga gastusin nila. Unti-unti din siyang nag-iipon ng pera na iiwan niya sa Tiyahin nya para bago mag-aral sa Maynila ay may suporta pa din ito sa panggastos.
At dumating na nga yung araw ng nalalapit nilang pag-hihiwalay pansmantala ng ma-grant ang scholarship nya sa isang prestihiyosong eskwelahan sa Maynila. Nakapasa siya sa entrance exam sa tatlong eskwelahan na pinag-aplayan nya at ang huli nga na napili nya ang syang nag-offer ng full scholarship agad para sa kursong Accountancy na napili niya. Isang linggo mula ngayon ay kailangan niyang lumuwas ng Maynila upag magpasa ng mga requirements sa school at makapag-enroll na din. Nagpaalam na din siya sa trabaho na mag-leave ngayong araw ngunit hindi siya pinayagan dahil sa dami ng mga customers na naka-check in sa resort dahil peak season. Hindi lamang mga turista ang nagbabakasyon, ultimo mga balikbayan at bakasyonista ay dagsa din sa resort kaya kulang na kulang sila sa tao. Ipinaalam na lang siya ng kaniyang Tiyahin sa kanilang boss upang payagan siyang pumasok sa pang gabi na shift para maasikaso niya ang mga dokumentong kailangan niyang kunin sa eskwelahan. Kaya eto at minamadali na siya ng Tita Cristell nya upang hindi sya gabihin sa pagbalik sa isla.
"'Oh huwag mo kalimutan ang mga bilin ko ha, pag galing mo sa eskwelahan mo, dumaan ka sa bahay at mag-empake na ng mga damit na dadalhin mo pa-Maynila" inabot nito ang susi ng bahay kay Kirsten. "Dalhan mo din ako ng ilang piraso ng damit at panloob dahil mukhang di na naman ako papayagang mag-day off ni Maam Ivy ngayong linggo sa dami ng nag-pabook ngayong weekend".
"Opo Tita, hindi ko kakalimutan lahat ng bilin mo" nakangiti na may halong pang-asar ni Kirsten.
"Hayan ka na naman tapos pag-dating mo dito kulang kulang na naman, nako kukurutin talaga kita sa singit na bata ka pag nagkataon"
Hindi na sumagot pa si Kirsten at bigla na lang niyakap niya ang Tiyahin mula sa likuran nito.
"Thank you Tita. Salamat sa lahat ng tulong at suporta mo sa akin" hinigpitan pang lalo ang yakap sa tiyahin. "Basta promise ko sayo, pagagaangin ko din ang buhay mo..basta kapit ka lang ha?"
YOU ARE READING
Uncertain (A KissTon Fan Fiction)
RomanceNang nakipag-hiwalay kay Anthony ang girlfriend nya for five years, he shut himself down inside a different world kung saan pinili niyang isipin na lang ang sarili. He hated her pero mas galit sya sa sarili dahil inisip niyang hindi niya naibigay an...