NANG mahimbing nang natutulog ang asawa, maingat na bumangon si Jade. Nagpunta siya sa bathroom para tingnan kung bakit masakit ang isa niyang braso-may pasa pala siya roon!
Pero wala siyang natandaan na hinawakan siya doon ni Lyndon nang mahigpit. Nakagat niya ang ibabang labi.
Alam niyang hindi masamang tao si Lyndon. Biktima rin ito noon kaya nabulagan sa loob ng maraming taon.
At ngayon, wala siyang ibang nararamdaman kundi ang kagustuhan na tulungan ito. Kung sana may magagawa siya.
Pero wala siyang ideya kung paano kundi manatili sa tabi nito.
Mukhang hindi lang ang tatay niya at si Jojo ang ipauubaya niya ang kapalaran sa kamay ng Diyos.
Kahit ang relasyon niya kay Lyndon.
Magulo ang isip niya. Sa dami ng rebelasyon ng asawa. Hindi na niya alam kung ano ba ang ugat ng problema:
Si Tatiana ba?
Ang nakaraan ni Lyndon kaya galit na galit ito sa mahihirap?
Ang lolo nito na ano mang oras baka ipatapon din siya pabalik ng Fabella?
God, parang mababaliw siya.
"Anong ginagawa mo dito?" maigting ang tinig ni Lyndon. Paglingon niya dito, para itong nagalit. Nilapitan siya at maingat na hinawakan sa mga bisig. Hinigit siya palapit. Pinahiran ang luha niya.
Umiiyak pala siya kaya ito naiinis.
"Damn it. Mula nang makilala mo ako, mukhang napapadalas ang pag iyak mo. Hindi 'yon ang ipinangako ko sa tatay mo, sweetheart." Niyakap siya nito sandali para muling pakawalan. Segundo siyang kinintalan ng halik sa noo. Pinahid na mabuti ang luha niya. Nagagalit ito sa sarili. "At lilinawin ko na sa 'yo ngayon pa lang-wala kang dapat alalahanin. 'Yong nakita mong baliw na Lyndon kanina? Malakas na uli 'yon para ipaglaban ka. Sorry kung sumama ang loob mo. Sabihin mo nga," nanghilakbot itong bigla. "Nasaktan ba kita? May tinitingnan ka kanina. Saan?" inililis nito ang manggas ng pantulog niya pero inawat niya agad.
"Wala." Buntonghininga niya. "Iniisip ko lang kung totoo 'yong sinabi mo na isasama mo ako kahit saan ka pumunta?"
Sandaling parang tumigil ito sa paghinga.
"Nope," hinagkan siya nito sa noo, matagal. "Hindi ka para doon, my wife. Nabigla lang ako kanina. Nasabi ko 'yon out of frustration. Napakasama talaga ng araw ko. At hindi na rin kita pipilitin na makibagay sa mundo ko. Marami doong mga naka maskarang tao. At habang ipinakikita mo sa kanila kung sino ka talaga, malilito ka sa dami ng mukha nila. There is only one thing that never change in business world-gain and profits.
Uubusin lang niyon ang energy mo. At gaya ng sabi ni Lolo, we have more than enough to live our lives comfortably kahit hindi na kami magtrabaho. Pinag isipan ko na rin 'yon. At sa tingin ko, matatag na ang mga negosyo para iwan ko na sa mga susunod na linggo. Konting panahon na lang. Babalik tayo sa Fabella kung doon mo gusto."
"Huwag," tinatagan niya ang sarili. Para kay Lyndon, ayaw niyang maging mahina. Gusto niyang matutong lumaban sa lahat ng magiging problema sa pagitan nila. Tao man o sitwasyon o kahit ang mga multo sa nakaraan nito. "Gusto ko ring patunayan sa 'yo na kaya kong mag adapt sa mundo mo. Alam kong dito ka masaya at hindi sa Fabella."
"Maraming langit sa lupa. Natutunan ko 'yon sa 'yo. Noong naglalakad tayo sa initan, sa ilalim ng manggahan at sinabi mong bakit mo gugustuhin sa mundong hindi rin ako naging masaya-tama ka. Iba ang naramdaman ko sa Fabella nang maranasan kong sumakay ng kabayo, maligo sa ilog kasama si Craig, makisali sa patubig sa palayan at marami pang iba. I never had a close friend since I was a child. Naging bugnutin ako noon mula nang mangyari ang trahedya sa pamilya ko. With you, the feeling was priceless, my wife. Hindi 'yon kayang bayaran ng pera. Sa mundo ko, hindi siguro tayo aabot ng 75 years old at maaga tayong mamatay. Pero sa Fabella, konting development lang sa lugar na 'yon, puede 'yong maging paraiso. In fact, it was already a piece of heaven dahil kasama kita roon. Babalik tayo doon. I promise you that."
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
RomanceGenre: Romance Comedy with Mature Content Promdi pero palaban. Nang makilala ni Jade ang masungit, matapobre, walang puso at mayabang na si Lyndon Santiago, hindi siya nagpatalo dito. Nagpaalam agad siya pagkatapos ng tatlong araw kahit pa nangako i...