Hi! First time ko gumawa ng story at magpost ng story sa wattpad. So sana magustuhan niyo. :))
---------------
KEVINS POV
Ang ganda mo talaga.
Kaya mo rin kaya ako mahalin?
Kaya mo rin kayang mahalin yung isang tulad ko?
Hays. Makapag log out na nga!!! Naprapraning nanaman ako!!
Chaka, frist day of school bukas. Makikita ko na ulit si Shane.
Yung babaeng matagal ko ng mahal pero hindi niya alam.....
Eto nanaman akooo!!!!!!!! Maka tulog na nga!!!! Maaga pa bukas!
Onga pala, ako si Kevin Francisco. 15yrs old. 3rd year high school sa AGS. 8yrs ko narin minamahal si Shane ng hindi niya alam. Simple lang ako. Matangkad, payat. Mayaman? Oo pero wala ko paki kung mayaman ako. Hahahaha,
[the next day]
* WAKE UP!!!!! WAAAAAAKE UPPPP!!!!*
Ang ingaaaaay!!!!! Ang weird ng alarm ok no? Sa phone lang kasi eh. Hahaha.
First day of school naa. 5:10am palang. Magready na ako!! Excited na talaga ko pumasok! Haha.
Natapos ako maligo, mag ayos at kumain after 30mins. Mabagal ba? Parang hindi naman.
*beeep beeep!!!*
Ayan na yung service! Haay kaexcite!
" Ma alis na po ako!" Sabi ko kay mama. Nag madali na ko kaya hindi ko na siya pinuntahan sa kwarto niya,
"Sige nak! Ingat ka! " Narinig kong sabi niya habang nagaayos pa ko saglit.
5mins lang ang biyahe pag sumabay ako sa service pero pag tinamad ako sumabay, 15mins para makadating. Kaya minsan nala-late.
Nakadating na ko ng school after 5mins. Hinanap ko sila Ranz, Erick, Yves, at Michael. Sakto pagpasok ko ng gate, andun sila. Ang aga nila ah. Sa bagay, hindi naman sila lagi late, lalo na si Michael,
Pumunta kami malapit sa guidance. Andun kasi nakapost mga sections. Hindi ko muna siya hinanap. Ewan ko ba. Tinitignan ko naman kasi picture niya sa gallery ng phone ko ng pasimple. Hahahaha.
" Uy ano section natin? " tanung ni Ranz. Ay atat? Andami daming tao eh.
" Kaklase kita, Ranz at Kevin. " sabi ni Michael. Siya nalang daw kasi titingin eh. " III - P tayo. " habol niya.
" Eh sila Yves at Erick? " Tanung ko.
"III - T sila. " Sabi ni Michael. Sayang silang dalawa. Nalate kasi sila eh. Sabi kasi namin sabay sabay na. Eh eto namang dalawa napasaya sa bakasyon kaya ayun.
" Pano ba yan pre. Napahiwalay kayo. Hahahaha. Kita nalang maya ah?" sabi ni Ranz. Pra talaga ktong bata.
Papunta na kami ng classroom ng biglang.....
*BOOOOGSH!*
"uy sorry! Hindi kita nakita eh! Sorry! " sabi ko sa babaeng nabangga ko. Tanga rin kasi eg, masyadong nagmamadalii.
Hindi ko makita yung muka niya. Nung natapos ko siyang tulungan kunin mga libro niyaa.
" Okay lang! " Sabi niya.
Tekaaa.... Familliar boses niyaa....
Si...
Shane..
" Oh i-i-ikaw pa-la Sha-ne. " sabi ko ng nauutal. Bat ako nauutal?! Wag ka nga magpahalata!!!
" Uy Kevin! Ikaw pala. Kala ko naman kung sino. Haha. Okay lang nu!" Sabi niya ng hinihingal. Takbo yata kasi ng takbo.
" Sorry ulit ah! Anyway ano section mo?" Bat ko tinanung? Sana kakalase kita....
' III-P. Ikaw?" Ano daw III P? III P SIYA?! Yooooon!!!!!!!!
" III P rin! Haha. Naks naman. May maasar na ulit ako. " Ansaya ko lang. Oo inaasar ko siya. ang liit ba naman kasi eh. Haha. Pikon pa. Hahahaha.
" Haha. Ay nako. Tumigil ka nga diyan! Osiya, mauna na ko punta pa ko canteen eh. Sige! Byee!!!"
sabi niya. Sayang. Yayain ko sana siya sumabay na sakin. Makikita ko pa naman siya maya eh.
Shane POV
*BOOGSH!*
Araaaaaaaaaaay!!!! Sino ba to! Hindi tumitingin sa daanan! >.<
" Uy sorry! Hindi kita nakita! " BULAG KA?! AISH! -____________- Aga aga nababadtrip ako!!!!! -_____-"
Umupo ako para makuha ko yung mga libro ko na nahulog. tinulungan niya naman ako.
" Okay lang! "
Habang tinutulungan niya ko... Teka... Kilala ko tong gantong kamay ah..
Tumngin ako...
Si.. Sii..
Ke.. Kevin..
" Oh i-i-ikaw pa-la Sha-ne. "
Bat siya nauutal? O.o Hindi ako pwede mag pahalatang may gusto ko sakaniyaa.... Kaya mo yan Shane.
" Uy Kevin! Ikaw pala. Kala ko naman kung sino. Haha. Okay lang nu! " Sabi ko. Halata ba? Parang hindi naman eh. Thank you God. <3
" Sorry ulit ah! Anyway, ano section mo? " tanung niya. Section mo daw Shane. Sumagot kaaa. Pero wait. Tatanungin ko ba kung ano din section niya? Pero, baka matulad nanaman datii... Nabigo lang ako dahil hindi ko siya kakalase... BAHALA NA!!!!!
" III-P. Ikaw? " Sana kakalase kita...
" III P rin! Naks naman. May maasar na ulit ako. HAHA. "
Nainlove ako sa pang aasar niya sakin kahit pikon ako. Ewan ko ba. Everytime siguro napipikon ako, nilalambing niya ko. Para kami ba pag nilambing niya ko... Sana hindi nalang parang. Sana totoo. sana kaya ko sabihin sakaniya... Sanaa..
Onga pala! Magkikita pa kami nila Kate!!! Lagot na naman ako sakanila! -_________-
" Haha. ay na ko! Tumigil ka nga diyan! Osiya, mauna na ako. Punta pa ko sa canteen eh. Sige!"
" Sigi ingat ka baka madapa ka! Haha!"
Narinig kong sabi niya habang tumatakbo ako. Syempre kiniliig ako. Nakangiti akong natakbo. Haaaay. :"""">
Onga pala!!! Ako si Shane De Guzman! 14 yrs old. Medyo maliit. Maganda daw. Hahahaha. 3rd yr higschool at 8yrs ng mahal si Kevin. Ewan ko ba. Andami naman iba diyan. Pero siya padin eh. Hindi ako maka move on sakaniya kahit alam ko walang chance para mahalin niya rin yung tulad ko. AH basta! Ako si Shane! ^___^
" Uy Shane!" Sabi ni Kat. Ayun. andito lang naman pala sila. Hanap pa ko ng hanap. -.-
Sila nga pala mga kaibigan ko, Si Kat, Kate, Carla. :) Mababait yan. Parang kapatid turing ko saknila since wala kong kapatid na babae.
" Andito lang pala kayo! Naghanap pa ko! Haha"
" Oh ano na? Ano section mo? " Tanung ni Kate. P ako. Kakalase ko si Kevin. Masaya na ko dun. :"> Luundeeh.
" III - P. Uy kakalase ko si Kevin.. " May sisigaw nanaman isa sakanila, promise.
" Buti pa si Kevin naalala!!!!!! Hindi man lang muna kami tinanung!! " Told ya. Sinigawan nanaman ako ni Carla. -_________-" Matampuhin kasi eh!!!
"Carla talaga! Haha. Alam ko naman III - P Kayo eh! " Sabi ko ng nakangiti.
Ako: ^____________________^
Sila: -___________________-
" BUTI ALAM MO!!" Sabay sabay sila. Nako namaaan! -__________-
Papunta na kami sa classroom. Pag pasok namin upo agad. Mga meron yata to eh! Ang tahimik! Hindi ako sanay! Aish. After 3mins. Dumating na adviser namin.
" Goodmorning Ms. Marquez." Bati naman kay Ms. Yung maganda na mabait namin adviser. <33
" Goodmorning. You may sitdown. "
This school year wiill be awesome! Srsly!!! Cool adviser + Cool classmater + Best friends + Kevin = AWESOMENESS! :bd Hahaha
" So we will arrange your sits. Hindi na alphabetical since kilala na naman kayo ng mga teachers niyo this school year. 2 or 3 lang yata new teacher niyo so kaya na nila yan. Hahaha. " Told you our adviser is awesome. :bd
Pero sana, katabi ko siya...
" De Guzman, dun ka sa 2nd row. Sa upuan ni Reyes. Reyes alis ka muna diyan. " Wow una kagad ako.
" Okay po. " sabi ni Jonathan.
Pumunta na ko kung san nakaupo si Jonathan. Umupo narin ako. Katabi ko window. So pwede ako mag daydream. Hahahaha.
" Valdez sa tabi ka ni Ranz. Dun sa may vacant." Nako magiingay to! Lagi nag aaway tong dalawang to eh! Ewan ko ba. Si Katrina naman may gusto diyan eh inaaway niya pa! Hahaha.
" De Vera sa tabi ni Mendoza. " Nakita kong nag blush si Kate at ngumiti. ANONG MERON?!
" YES MS!" sabi ni Michael. YUNG TOTOO. MAY SOMETHING BA SAKANILA?! KATE LAGOT KA SAKIN. -___-
Si Jonathan at Kevin nalang hindi napapaupo. May vacant sit pa sa tabi ko.. Sana siya katabi ko. Sana.. Sana...
" Francisco. "
Please.. Sa tabi ko. Please....
" Yes ms?" Tanung niya...
Please.. Please...