Forty-Three

36.8K 862 44
                                    

Arron

Hindi rin naman nagtagal si Gian. He only stayed for two days in the Philippines at matapos ay umalis na rin dahil mayroon pa daw siyang pasok which I'm greatful for. Kahit na nagtaas siya sa akin ng white flag ay hindi ko pa rin naalis ang inis ko sa kanya. I think he's an arrogant ass, but that's nothing personal. I just hate his guts and I know that the feeling is mutual.

Fourth day na ngayon ni Allie sa hospital. Lagi akong nasa room niya at hindi siya iniiwan. Umuuwi lang ako kapag tapos na ang visiting hours which is at exactly 10PM. I wish I could stay the whole night para masamahan siya dahil natatakot ako na baka may mangyari sa oras na wala ako sa tabi niya.

Nakasama ko si Frannie sa pagbantay kay Allie kahapon. The two cousins were amusing to watch dahil katulad namin ni Allie ay nagbabangayan din sila. Mas matindi pa doon.

"Gusto ko nang umalis ng hospital. I hate this place." reklamo ni Allie at napangisi na lang ako. Para kasi siyang bata. Mas madalas na siyang magreklamo tungkol sa mga simpleng bagay nitong nakaraang mga araw. Like how she hates it kapag palagi siyang chine-check ng nurse, she hates taking meds, she hates waking up in a hospital. At marami pa siyang kinaiinisan.

Nagiging moody din siya but her parents say normal lang daw iyon since naiinip na si Allie sa hospital. Mas moody nga daw siya dati, they said Allie is handling it better than before now that I am here to support her. Hindi ko alam kung pinapagaan lang nila ang pakiramdam ko but it worked anyway.

"The doctor says you can't leave yet." sagot ko naman dito.

Ako ang naiwan kay Allie ngayon. Her mother went to their shop dahil nagkaroon ng kaunting problema pero babalik rind aw siya kaagad. Her father is in his office dahil may inaasikaso siyang mga papeles. Si Robbie naman ay pumapasok kaya tuwing uwian lang siya nakakapunta. I don't know where Frannie is pero sigurado naman ako na pupunta rin iyon para bumisita kay Allie maya-maya.

"We're just wasting our time here, Arron. Did you forget? You still owe me a date." she frowned and I flicked the tip of her nose with my finger.

"Pinapagaling ka nila, that's not wasting time. Mas mahalaga ang kalusugan mo kaysa sa date natin, so stop saying crap, okay?"Ngumuso si Allie at parang gusto pang makipagtalo.

"Pero-" I gave her a pointed look and she shuts up.

Kinuha ko ang kamay niya at sinimulan paglaruan ito. I love playing with her fingers. Bukod sa malambot at makinis ay sobrang feminine kasi ang kamay niya. It's girly compared to my hand kaya nakakatuwang paglaruan.

"Naniniwala ka ba sa Heaven and Hell?" nagsimula na naman ito sa pagsasalita. Another thing about a patient Allie is she's really talkative kapag nagustuhan niya. Marami siyang ikinukwento sa akin at marami naman akong natututunan sa kanya.

I love watching her talk about things that she feels strongly about. Kapag kasi nagkukwento siya tungkol sa bagay na gusto niya ay ibang klase ang liwanag na lumalabas mula sa mga mata niya. The way her lips angles into an upware curve, it calms my heart whenever she smiles.

"Of course, I do." ngumiti si Allie.

"Then do you believe in reincarnation?"

"Reincarnation?" kumunot ang noo ko. I think I've heard of that before. Back when I was in highschool, hindi ko lang masigurado kung sa araling panlipunan subject o sa religion. How would I know? Hindi naman ako nakikinig sa klase even before I was in college.

Just like how Allie's eyes spark whenever she loves the topic, it glimmered as she started talking about whatever reincarnation is.

"I read it somewhere. I heard it first when I was in highschool. Most prominent siya sa Hinduism at Buddhism but some other religions believe in that philosophical concept as well."

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon