64: goodbye at me?

427 8 0
                                    

Sa sobrang pagod ko nakatulog pala ako, nagising tuloy ako ng madaling araw at hindi na makatulog sa kakaisip kung anong mangyayari ngayong araw.

Yun na ang desisyon ko, magtratrabaho ako para sa kambal at para din Kay Paul. Para kahit papaano sa laki ng utang ko makabawi ako.

Uuwi na din si Paul ngayon, pupunta na syang baguio dahil sa resort nila, sa business nila kaya kailangan nyang pumunta. Maiiwan kami ng maid dito at ako magtratrabaho din, for my lovely children, sa mga blessings Kong anak.

Tumayo ako at sumilip sa bintana, tinignan ko lang ang mga butuin, oo may bituin pa dahil 3:00am pa ng madaling araw, at madilim pa. Naalala ko ang kambal, ang magiging kinabukasan nila at ang magiging pangarap nila sa buhay, lahat yun pagpapagudin ko para lang sa kanila, sila na ata ang buhay ko dahil kapag nawala sila ano pang saysay ng buhay ko diba?

Pagbaba ng tingin ko nakapansin ako ng isang lalake na halatang kakaalis lang, nakasobrelo sya at familiar sya sakin pati ang palalakad nya, nakajacket sya dahil malamig lalo Nat madaling araw.

Tama ba nakikita ko? Si ace? Anong ginagawa nya jan?

"Ace! " napatigil sya sa paglalakad at tinignan ako mula sa taas, sa 3rd floor. Pero anong ginagawa nya jan gantong oras?

Kumaway sya at ngumiti, ewan pero may ibig sabihin ang ngiting yun. Bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko yun, ewan pero.. Hindi ko talaga maintindihan.

"Bakit gising ka pa" halos mapatalon ako sa gulat nung may nagsalita sa likuran ko.

Nawala tuloy tingin ko Kay ace.

"Ha?.. E di na kasi ako makatulog nung magising ako" sabi ko, sinilip ko uli si ace ng pasimple pero nawala na sya. At bilis nya dahil saglit lang naman ang sagot ko Kay Paul nawala na sya agad.

Biglang lumapit Sakin si Paul at tinabihan ako.

"Sabagay maganda naman ang view dito kapag ganitong oras" sabi nya habang nakatingin sa langit. Tinignan ko lang sya, kagabi pa yung away namin pero may lungkot pa din sa mga Mata nya.

"Sigurado ka na ba? " natigilan ako.

"Sorry Paul, pero kailangan ko to e"

"Yeah I understand. Wag kang magsorry, tatanggapin ko din naman dahil wala akong karapatan para pigilan ka" bat ganyan sya kabait? Nakakainis! Sa sobrang bait nya feeling ko naiinsulto ko na yung kabaitan nya.

"Paul, magiingat ka mamaya ha? Di kita makikita sa pagalis mo kasi aalis na ko" malungkot Kong sabi.

"It's okay, basta lagi kang magiingat at wag mo ng hayaan pang masaktan uli ang puso mo" sabi nya habang nakatingin lang sa langit at ako habang nakatitig sa mga Mata nya. Ang gwapo nya talaga kahit sang anggulo, ngayon ko lang napansin dahil hindi ko naman alam na may feelings na pala sya saken. "Mamahalin pa kita habang buhay kaya gusto ko paguwi ko buo pa ang puso mo para saken" pagkasabi nya nun bigla syang tumingin sakin at nakangiti. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil feeling ko napansin nya yung pagtitih ko sa kanya.

The Girl Who Wanted To Marry Me (editing) Where stories live. Discover now