XXV.

3 0 0
                                    

Sachi

"WHERE THE FUCK DID YOU TOOK HER?!" Ano ba yan?! Bakit may nasigaw?!

"Dyan lang." Is that Chellyn? Ang sakit ng ulo ko gosh!

"Sa ano... Sa haws." I can hear Nika's faded voice

"What the hell is haws?!" Kilala ko to... hindi ko matandaan kung sino

"Club." Si Raven ba yun?

"DID YOU JUST—?! OH FUCK!"

"Pare, Walang nangyaring masama sa kanya." Teka? Si Kyle ba yun?!

"WALA?! THEN EXPLAIN TO ME WHY ON EARTH DID SHE FAINTED WHEN I SAW HER?!" Ang ingay naman netong gagong to! Sino ba to?! Unti unti kong minulat yung mata ko, nandito ako sa familiar na kwarto, binubuo ng mga kulay itim, puti, at abo ang paligid. Aaah! Nasa kwarto ako ni— sino nga ba yun?

"Hindi namin alam. Buti nga dumating ka..." I heard Alyssa's voice. Bumangon ako sa pagkakahiga at nakita ko sila Kyle, Nika, Chellyn, Alyssa, at Raven na nakayuko habang nakapilang pinapagalitan ng isang gago, I mean, hindi kilalang enerhiya, bagamat isa itong multo? Engkanto? Hindi ko alam, basta.

"Hello, guys! Ano nangyayari?" Bati ko sa kanila ng makita ko sila, sabay sabay naman silang nag-angat ng ulo at para bang magic na mga kaninang nakasimangot ay biglang lumawak ang ngiti. Mga ansya ansya.

"Ay, shet!" Pagtayong pagtayo ko sa kama ay hindi kinaya ng tuhod ko at muntikan na ko matumba, salamat na lang talaga at sinalo ako nitong lalaking nakarobe.

"C-Careful." Sabi ng isang hindi kilalang enerhiya, hindi ako nagpasalamat o tumingin man lang sa kanya, bagkus ay pinilit kong tumayo ng tuwid at kontrolin ang paa ko na makapaglakad ng maayos papunta sa mga kaibigan ko.

"May naririnig ba kayong something? Like, careful?" Tanong ko sa mga friends ko, hindi ko alam kung anong nakakatawa pero tumatawa sila. Ansya-ansya talaga eh.

"Hey, Sachi."

"Omayghad! Narinig ko na naman! May masamang kaluluwa bang naninirahan dito?!" Tumakbo ako papalapit sa kanila at yumakap kay Raven, haunted house na ba ito?!

"Ay teh, matagal nang may masamang kaluluwang nakatira dito, ngayon mo lang nalaman?" Sabat ni Chellyn, seryoso ang mukha.

"Are you guys fucking with me?!"

"Hala te! Fuckboy ata! Gusto makipag fuck satin! Omayghad eeeew!" Narinig kong tumawa si Kyle sa sinabi ko, wala namang nakakatawa ah?

"Stop this bullshit at once."

"Ayaw talaga tumigiiiil! Nababaliw na ba ko? May naririnig talaga akong nagsasalita eh!" Kumapit na rin ako sa braso ni Alyssa, alam kong matapang sya pagdating sa mga multo at engkanto eh.

"Ate, naririnig din namin. Ang creepy!" Niyakap kami ni Nika, kaming apat kapit kapit.

"Tss!" Nakarinig ako ng kasa ng baril, napatayo ako ng tuwid bigla, and so my friends.

"Guys, I'm so sorry pero mahal ko pa buhay ko, I'm out!"

"Tatawag ako ng pari para mapabless na itong bahay na to!"

"Kyle! Tara tumakas na tayo!" Nagsitakbuhan ang tatlo at hinatak na rin ni Chellyn si Kyle palabas ng kwarto

"TEKAAAA!!! WAIT LAAAANG!!" Susundan ko sana sila at tumakbo na ko palabas ng pinto nang bigla itong kusang nagsara ng mag-isa nya.

"OH MY GHAD! AYOKO NA PUTANGINA!" Kinakalabog ko ang pinto, nakaramdam ako ng kaba at takot, at awa sa sarili ko, ayoko mamatay sa ganitong paraan

"Will you stop your bullshit?!" Lumapit yung masamang enerhiya palapit sakin

Magugustuhan mo rin ang

          

"LORD, UTANG NA LOOB!" Mas nilakasan koa ang kalabog sa pinto, para bang sa pag kalabog ko ng pinto ay mabubuksan ko ito

"Aren't you going to stop?!" Wala akong naririnig, wala akong naririnig, wala akong naririnig

"LORD! PLEAAAASE!!" Kinapa ko na ang doorknob pero wala! Ilang beses kong pinihit pero ayaw bumukas ng pinto, patalon talon na ko. Natataranta na ko, feeling ko anytime maiihi ako sa salawal ko.

"I SAID STOP!" Sa isang iglap nasa harapan ko na yung masamang elemento

"PUTANGINAAAAAAAAAAAAAAA!!" Pakiramdam ko yung puso ko nakalipad ng sobrang taas tapos biglang bumagsak, yung pakiramdam na para kang nasa isang roller coaster ride.

"I'm not in the mood for jokes." Nararamdaman ko pa rin yung nginig ng buong katawan ko. Tensed na tensed ako. Never pa ko nagulat at natakot sa buong buhay ko ng ganun.

"Look, I'm sorry." Oooh, tangina! Totoo pala talaga yung kapag nakakita ka na ng masamang elemento sa mismong harapan mo, maninigas ka na lang at walang boses na lumalabas sa bibig mo

"I'm sorry I walked out on you. I'm sorry that I ignored you. Sorry." Yumuko sya, kung sino man tong masamang espiritu na to






"Hey, aren't you going to say something?" Wala akong tinitignan, I was just looking around the spacious room, ganda ng interior. Kinapa ko yung doorknob sa likod ko at tinignan kung nakabukas na ba, pinihit ko ito at sa wakas hindi na sya nakalock. Lumabas ako ng kwarto nang hindi alam ang nararamdaman.

Ewan ko ba, kung kanina natatakot ako dahil sa galit sa leon, ngayon hindi ko na alam. Bumaba ako papuntang kusina at kumuha ng isang basong tubig. Naupo muna ako saglit para mag-isip. Gustong gusto ko na magkaayos na kami, ilang beses ko sya sinuyo at ilang beses nya rin ako dinedma. Taas din naman ng pride, gusto siya yung hinahabol, palibhasa prinsipe, palibhasa nakukuha lahat ng gusto, tsk. At ang tanga ko rin naman kasi, eto na nga oh! Nagsosorry na! Nilapitan na ko para magkaayos kami pero anong ginawa ko?! Ugh! Mapride din ako, pero alam kong mali yung ginawa ko dahil mas hahaba yung away, mas lalaki yung gap between the two of us. Ang tanga tanga ko as fuck!

I stared at the wall full of knives for a moment, pinagmamasdan ko lang yung bawat kutsilyo, may malaki, may maliit, may design yung iba, yung iba plain, may itak, may bread knife, iba iba yung mga kutsilyo, napapaisip tuloy ako, sa lahat ng pwedeng collection bakit kutsilyo? Alam kong hindi ito pang aesthetic purposes lang para sa interior ng kusina, pero— come to think of it, nakapunta ako ng kusina ng hindi naliligaw?! Wow. Paano nangyari yun?

Tumayo ako sa pagkakaupo at nilagay na sa lababo yung basong ininuman ko, sakto namang napatingin ako sa sahig and I found something new. Wala ito nung mga panahong dito pa ko nagsstay, umupo ako para hawakan kung ano ang nasa lapag, isa syang rose petal, kulay rosas, nung hinawakan ko para sana kunin ay hindi ko makuha. Hindi sya totoo, para syang 3d painting na idinrawing lang sa sahig.

Shit.

Rose drawing.

What the fuck is going on?!

It creeps me out.

Tumayo na ko dahil sa pagkagulat sa naalala, tinignan ko yung ibang parte ng sahig kung saan pa may ganoong painting, sa hindi kalayuan may isa na namang rose petal, nilapitan ko ito at mayroon na naman akong nakitang rose petal, sinundan ko ito hanggang sa huminto ako sa tapat ng isang pinto.

Dugdug. Dugdug.

Kinabahan ako bigla. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko ng hinawakan ko ang doorknob, iniisip ko na sana walang tao sa loob. Pakiramdam ko mahihimatay ako sa sobrang kaba. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang kwarto na pinanggalingan ko kanina, nakita ko si Kaiser nakaupo sa kama nya, nakayuko sya habang magkakapit ang dalawang kamay, para syang nagdarasal o frustrated. Napalunok ako at pinilit na kumalma. Dahan dahan ko syang nilapitan, at nang mga ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ay tinawag ko sya.

KismetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon