Kabanata 19

1.6K 34 10
                                    

"Can I sit here with you?"

Tiningnan ko ang taong nagmamay-ari ng boses na iyon. Napakunot naman ang noo ko ng makitang si Ianthe iyon habang may dala-dalang tray na puno ng pagkain.

This is the first time that me and Ianthe got near to each other since the day that we talked. Hindi kasi kami nagkaroon ng oras para mag usap noong mga araw na dumaan dahil sa pagkabusy sa mga proyektong malapit na ang deadlines. But of course, nakikita ko pa rin siya palagi na kasama ang nobyo niya na nagpapangiwi pa rin sa'kin.

Ibinaling ko ang atensyon ko sa pagkain ko at binalewala lang ang kaniyang sagot.

"Himala yata at hindi kayo magkasama ng lalaki mo." Ani ko na parang walang pakialam.

Umupo naman siya sa harapan ko at ngumiti na parang baliw. "He got busy, eh."

I snorted. Tsk, I'm disappointed again.

"As you can see," tinuro ko ang mga librong nakalatag sa mesa katabi ng kinakain ko. "I'm busy, too. Sinabi ko na sa'yo diba? I'm not a friend for convenience, Ianthe. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay 'yong lalapit lang sa'kin kapag wala na silang magawa or may kailangan lang 'tas parang isang basura na lang akong isasantabi."

Napanganga naman si Ianthe sa inakto ko. "Wow ha! I would never do that, Moira. You are my bestfriend—"

"Not anymore." Pagpuputol ko sakaniya.

"What?" Kumunot ang noo niya.

Napangisi ako. Akala niya siguro ay dahil nag-uusap na kami ay okay na ang lahat. Well, she got it all wrong.

"We're bestfriend. Noon. You should understand that, Ianthe." I chuckled.

She paled. "What about the things that we've talked together at your house? I thought that it's really okay between us."

Tamang-tama naman na tapos na akong kumain kaya inayos ko na ang baunan ko at inilagay ito sa bag. Pagkatapos kong maayos ang gamit ko'y binalingan ko na siya.

"There is no 'us', Ianthe." I smirked. "Everything was over between us."

"But—"

"It doesn't mean that we're okay when we just talked. I never said that we're 'okay', I didn't say that we're okay, Ianthe."

Nakita ko na parang nawalan na siya ng gana para kumain. "P-pero, bakit mo ako niyakap..."

"Oh," I pretended that I'm thinking. "Namiss ko lang siguro ang presensya mo. But that doesn't mean that we are totally okay and our relationship will be back again as it was, Ianthe. Everything has to be new. Hindi mo pa talaga ako masyadong kilala kahit noon pa. We need to start over again if we want to have each others trusts again. Iyong may mas tiwala tayo sa isa't-isa. I don't want to rush things, Ianthe. Friendship is like love, too. Dapat paghirapan muna ang lahat bago ito tumama sa amga tamang kinalalagyan nito."

Binigyan ko siya ng isang totoong ngiti bago siya iniwang nakatulala roon at hindi maigalaw ang pagkain.

Our first friendship wasn't strong enough. It hurt us both. We both need to renew our friendship with each other.

Pumasok na ako sa klase ko. Tiningnan ko ang paligid and as expected, Sir Leña was the only person inside the room.

"Good afternoon, sir." Bati ko dito.

Fall Into Places (Into Trilogy #1)Where stories live. Discover now