Chapter 9- Jed's Secret

11 1 0
                                    

Rhie's POV

Mahina kong binuka yung mga mata ko. Una malabo pa ito pero kalaunan ay nagliwanag din ang aking paningin and I realize I'm inside someone's room. Mahina akong bumangon at nilibot ang paningin sa paligid.

Narealize ko na nass loob ako ng room ng lalake. Natigil ako nang maalala ko si Jed. Agad naman akong kumilos at tumayo na para hanapin siya sa labas nang may bagay na nakaagaw ng aking pansin. Napalingon ako rito. Ito ay isang picture frame na nakapatong sa mesa na tabi ng higaan.

Napakunot-noo ako at mahina iyong kinuha at pinakatitigan. Napailing ako sa nakita. It's Jed pero bata pa siya dito maybe highschool pero dalawa siya rito and I can hardly know asan siya rito.

Does he hava a twin brother? Asa'n na ito ngayon?

"Rhie,"

Medyo nagulat pa ako don at napalingon ako kay Jed na nakatayo lang malapit sa akin.

Para naman siyang natigil nang makita yung hawak ko.

Napatingin naman ako sa may dibdib niya.

"If you're worried about the bullet, here it is," sabi niya pa. Natigil ako nang makita yung hawak niya.

Bala...

Pano'ng??

Napatingin ako sa mukha niya. I can still remember the blood dripping fron his wound.

He just smiled.

"Mabuti't gising ka na,"

Tulala pa din ako nang lumapit siya sa akin at kinuha yung picture frame na hawak ko.

"Rhie,.......    I want to tell you a secret," natigil naman ako do'n, nilingon ko siya na ngayon ay nakaupo na pala sa higaan niya habang nakatingin sa litrato at hinihimas-himas pa niya iyon ng left forefinger niya.

"I have a twin brother but he died.."

Napatitig naman ako sa kanya. Bumakas yung lungkot sa mga mata niya.

"He died because of the same ability that saved me from the bullet yesterday,"

Napakunot-noo ako, di ko siya gaanong maintindihan.

"I have extraordinary strength,"

O____O

"Kaya di gaanong dumiin yung bala sa akin," nang sabihin niya iyon naalala ko nong apakan niya sa ulo yung lalake.

"What do you mean by he died because of that same ability?,"

"My brother, he's so kind and he's perfect in everything..... While me, I am always compared to him, he's smart, talented and all I can ever do was play sport. He's my parent's favorite because of that, because he's their ideal son. We graduated in highschool, he's a valedictorian and I am nothing... I love him, he loves me but on the day of our graduation I'm overcomed by jealousy.... He was delivering his speech that time when I broke the stage that killed him and six other people....." Natigil naman ako do'n sa sinabi niya.

For the first time, I saw myself on someone. I know he was hurt at sinisisi din niya yung sarili niya but I felt my heart hurt for the past is about to hunt me again.

Umanghang agad yung mga mata ko and I don't want him to see me cry. This time tumingin na siya sa labas ng bintana.

Napaatras ako ng kunti at tumakbo, nakita ko naman yung CR niya. Do'n ako pumasok and locked the door ta's naupo ako sa isang tabi at do'n na umiyak.

Hindi mo ba nakikita? Halimaw yang anak mo!

Mas mabuti pang patayin mo na lang siya bago siya pa ang makapatay.

Dinukmo ko yung mukha ko sa may hita ko habang akap ang mga ito.

"R-rhie!!,"

"Buksan mo to," katok ng katok si Jed habang tinatawag ako pero ayaw ko munang magpakita sa kanya ng ganito. Dapat kinomfort ko siya kanina di ba? I know he's in pain but it looks like siya ang magcocomfort sa akin.

So we're almost the same pala. Yung lalakeng pinapangarap ko.

Di dapat ganito, dapat maging matatag ako. Kailangan kong tumayo para sa kanya.

Umayos ako ng upo at huminga ng malalim tas pinunasan ko yung luha ko at mahinang tumayo habang pinapatatag ang sarili.

"Rhie, buksan mo naman to--," di niya na natapos ang sasabihin dahil binuksan ko na yung pinto.

"Rhie," mahina niyang sambit habang bakas ang pag-aalala sa mukha.

Pilit naman akong ngumiti.

"Okey lang ako,:)"

Napatitig lang siya sa akin habang nakakunot-noo. Nagulat ako nang hilahin niya ako at inakap.

"Ano ka ba? Di mo naman kailangang umiyak mag-isa. Andito naman ako,"
Napaiyak tuloy ako sa ginawa at sa sinabi niyang iyon. Kapag may pinagdadaanan ka talaga, bumababaw yung luha mo. I felt comforted dahil sa ginawa niya. I feel safe here in his arms but I know I can't forever be here kaya di ako dapat masanay.

======

Umaga na pala nang magising ako. Kumain muna ako at sabi ni Jed mamamasyal muna daw kami.

Di daw siya papasok sa trabaho, di naman ako papayag sana pero mapilit eh. Sabi niya , he also needs time to relax.

Naglalakad kami ngayon sa may park habang kumakain ng ice cream. Wala pang nagsasalita sa amin. Naghahanap naman kami ng mauupoan. Dito nga pala sa park nato may rentahanan ng bike at yung trisikad, ano ba tawag non, basta tricycle siya pero instead na motor bike ang gamit. Ahehe. May mga nagsiskate naman ay skate board. Nakakatuwa namang pagmasdan, nakalilibang sa mata.

"Tabi ka nga!," Napalingon ako do'n sa isang lalake na maganda ang damit mga nasa below 20 ata ang edad niya na binangga yung matandang babae na may dala-dalang mga supot. Napakunot-noo ako. Hindi ko nagustohan ang ginawa niya. Sakto namang sa direksyon ko siya papunta.  Tinanggal ko yung eyeglasses ko, napatingin naman siya sa akin.

Help her.

Napahinto naman siya at agad bumalik don sa matanda at tinulongan itong pulotin yung mga nahulog na gamit nito.

"Sorry po la,"

Mahina lang akong napangiti.

"Rhie..."

"Rhie!,"

"Uh?-" napalingon ako kay Jed na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Kanina pa kita tinatawag," napatingin siya don sa matanda at lalake.

"May problema ba?,"

"Uh, wala.. ano nga ba yung sasabihin mo??,"

"Sabi ko, dito tayo maupo," sabi niya habang tinuturo yung dalawang duyan na magkatabi.

"Sige," dali-dali ko namang sinuot yung eyeglasses ko. Di ko pala nasuot ulit.

Naupo naman kaming dalawa. Ang sarap naman ng hangin dito. Nakakagaan ng loob.

Kumakain lang kami pareho ng ice cream.

"Nga pala, di ba may sasabihin ka sa akin?,"

Natigil naman ako don.

"Huh?,"

"You know after my friend's party?," Natigil naman ako at biglang kinabahan. Oo nga pala, about the hypnotism and all. I almost forgot about telling him.

"Uh sa susunod na lang. "

"Okey, 😊," sabi niya. Ngumiti na lang ako. Pano kung malaman niya na.

Sabi nila wala dawng sikretong di nabubunyag. Anong gagawin ko?

<End of Chapter 9>

SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon