Chapter 3: Know me

22 0 0
                                    

Clark's POV

Napakabwisit talaga ng buhay.Ba't pa kasi naghire ang parents ko ng napakawalang kwentang yaya.Ayan dahil sa kabobohan,nasunog yung bahay namin.By the way,ako si Clark Lean Lofranco,age 17.I'm turning 18 this Saturday, soon to be a Grade 12 student.

At dito kami ngayun tumira sa isang subdivision(Agnes Hometown).Parang familiar yung last name eh.Nag-aayos na kami sa bago naming pamamahay.
Maganda naman yung house.It suits us.

"Anak,hindi ka pa rin ba magsasalita?"sabi ng dad ko.

"Hindi naman talaga namin kasalanan yun eh.Ang sabi kasi nya marunong..."

Hindi nya natapos ang sinabi nya kasi bigla akong nainis.

"Oo na dad.Paulit-ulit eh.Kasi nga diba dad busy kayo na hindi nyo nga man lang inayos yung pag tanong dun sa napakawalang kwentang yaya."sabi ko.

"Wala ka talagang respeto!Ano ba tong ginagawa namin diba para rin naman ito sa inyong magkakapatid.Eh ikaw,hindi mo nga lng magawang sunduin si Caitlyn sa school,sarili mo lng iniisip mo!"

"Eh dyan naman ako nagmana sayo eh!"

Hindi ko na kayang magsalita pa kahit na naririnig ko pa rin syang nagscold sa akin while paalis ako sa bahay.Bigla na ring tumulo yung mga luha ko.Dahil ba totoo yung mga sinasabi ni dad sa akin? Alam ko namang mahal nya kami at ginagawa nya ang lahat para sa amin,pero ang hindi ko lng maitindihan,ba't nambabae pa sya?....

1 year ago...
*bell rings
"Okay class,dismiss."
Pauwi na sana ako kaso may babaeng nadapa sa harap ko hindi ko lang sya pinansin kaya naglakad na ako palayo sa kanya kahit alam kung pinagtatawanan na sya ng ibang tao.When I was on my way home,nakita ko yung kotse ng dad ko na nakapark malapit sa school ko.Ang akala ko sinusundo nya ako kaso may mali akong nakita.May kahalik syang ibang babae.Bigla namang nadurog ang kaluluwa ko at nawala sa sarili ko.Hindi ko inexpect na magagawa ni dad yun.Patuloy nalang akong naglakad pauwi binabaon ang mga luha.

......

Yun yung pinakamasakit na nakita ko sa buong buhay ko.Hanggang ngayon tinatago ko parin kay mama yung nakita ko kay dad 1 year ago.Hindi ko kayang sabihin dahil alam kung masasaktan rin si mom.Pero dapat rin naman nyang malaman yon kaso hindi pa ako handa.Umalis ako sa bahay at pumunta sa cafè para i kalma yung sarili ko.Matagal na rin akong hindi nakapaglaro.I was once a gamer.Hindi ko na nga rin alam ba't napakacold ko sa ibang tao siguro dahil kay dad at yung past ko.

Pagkatapos kung maglaro bumalik na ako sa subdi.Nakita ko na namang may kausap na babae si dad.Kapitbahay siguro.Hindi ko masyadong nakita yung mukha kase nasa likod lng nila ako tumitingin pero nasa malayu pa rin ako.Nagulat ako nang biglang pinapasok sa loob ng bahay namin ni dad yung babae.At last, nakita ko rin yung mukha nya.Ba't pamilyar yung mukha nya?At parang magka edad lng naman kami.Kamukha nya yung babaeng nadapa sa harap ko 1 year ago at yung kabangga ko rin sa mall.After 45 minutes,hindi ko alam bakit ang tagal lumabas nung babaeng yun.Hindi ko na natigilan ang sarili ko kaya pumasok na rin ako baka kung ano pa ang nangyari.Pagpasok ko sa loob nakita ko yung babae na naglalaro kasama yung kapatid ko.Sino ba sya?At bakit sya pinapasok ng dad ko?
Bigla namang nag abot yung mga mata namin.Hindi ko alam pero ba't parang kilala ko sya pero hindi naman talaga?weird.

"Pa,sino toh?Bago na naman ba tung yaya para kay Caitlyn?Wag mo sabihing gusto mo na namang masunog yung..."

Hindi nya pinatapos yung sasabihin ko dahil bigla syang nagsalita.

"Sya ang anak ng owner sa subdi nito.Ka schoolmate mo nga yan eh."

Awss kaya pala pamilyar.

"Eh ano naman?Ba't nagpapasok ka ng taong hindi natin kilala?"

"Tumahimik ka.Humingi lng ako ng pabor sa kanya."

Wow! Sa lahat ba naman ng tao ba't sya pa at babae pa ha!Sumusobra na yung pagkawomanizer nya.Buti hindi ako nagmana dun.

Bigla namang tumayo yung babae.

"Pasensya na tito,kaso may gagawin pa ako eh.Sige po."at umalis na sya.Wait?Tama ba yung narining ko?Tito?!

"Anong pabor?"

"Na samahan lang yung kapatid mo at pasayahin ito."

Sarcasm on point.Bakit?Hindi ko na ba kayang pasayahin yung sarili kong kapatid?

"Kuya Clark,I enjoyed being with her.I want to know her more."nakita ko naman yung malaking ngiti nya na nayung ko lang ulit nakita.

Hindi ko na lang sila pinansin.Pumunta na ako sa room ko para mag-ayos ng mga gamit ko.Naisip ko bigla,ba't hindi ko man lang kayang pasayahin yung ibang tao lalo na yung kapatid ko.Anong klaseng tao ba talaga ako? Bakit....

4 years ago...

"Ano ba talaga tayo,Clark?"

"Anong ano?"

"Hindi mo ba talaga nakikita ang lahat,Clark?2 years na tayung nagsama pero wala pa ring nakasulat sa ating mga palad kung ano tayung dalawa."

"Hindi ba sapat yung pagmamahal ko sayo?Isn't that enough to prove us...we?"

"Mahal mo ba talaga ako?Ba't parang wala lng sayo ang lahat?Ang manhid mo naman Clark.Wala ka talagang alam.Ang alam mo lang mahal mo ako at sinasabi mo lng iyon."

"Ano bang gusto mong gawin ko?Bilhan ka nga tsokolate tas teddy bears kagaya ng iba dyan?huh?anong gusto mo?"

"Simple lang naman,Clark.I just want you to spend more time with me.Puro kalokohan nlng yung mga gingawa mo.Tambay nang tambay ka lng nman sa cafè tapos kung ano-ano pang gawing excuse sa akin?oh akala mo hindi ko alam?Alam ko ang lahat,Clark!"

"Clare...."

"Ayaw ko na.Ang lalandi namn natin.Ang bata pa natin eh.Nakilala at minahal kita sa maling panahon,Clark.Taposin nlng natin tung kalokohan na gingawa natin."

.........

Yon rin ba ang dahilan kung ba't bigla akong nagbago?I know we were so young back then at kung ano-ano pang gawing mga bagay na immature.Pero naging isang malaking parte rin naman sya sa buhay ko.Siya yung naging unang kaibigan ko after akong mahiwalay sa tropa ko Sa States.Nagstay at nag-aral kasi kami dun since pre school until 8th grade tapos nagmove- in kami sa Pilipinas which is my father's country. Ang Mom ko kase ay half American.Madali rin naman akong natutong mag Tagalog.At dun when i got to transfer to a new school,Clare was the one I met first.Minahal ko rin naman sya.Simula nung iniwan nya ako,ayaw ko nang makipag-usap sa iba.

Soleil's POV

"Pa,sino toh?Bago na naman ba tung yaya para kay Caitlyn.Wag mo sabihin gusto mo na namang masunog yung..."

"Sya ang anak ng owner sa subdi nito.Ka schoolmate mo nga yan eh."

"Eh ano naman?Ba't nagpapasok ka ng taong hindi natin kilala?"

"Tumahimik ka.Huminingi lng ako ng pabor sa kanya."

Tumaas yung mga balahibo dahil ngayun lang ako nakakakita ng ganyang Clark.Kaya ayun bigla akong natakot sa itsura nya at baka mag-aaway na naman sila ng dad nya.Kaya...

"Pasensya na tito kaso may gagawin pa ako eh,sige po."excuse ko.

Nag-nod nalang si tito tapos naramdaman kung tinitigan ako ni Clark na parang papatayin nya ako waaahh!...

.....

Wheew!At last,nakalabas na ako,uuwi na nga lang.Nakakatakot talaga si Clark.Bakit ba ang lalim nga galit nya sa dad nya?At one main thing...hindi nya pala ako kilala?Eh kase nga diba hanggang stalk lang ako.Yan kase ang slow mo naman,Soleil.Pero ayaw ko namang dumdamoves hekhek.Pero hindi nya ba talaga ako kilala?Hindi man lng nya ba ako nakita kahit minsan sa school?...huhuhu my hearteu.



And that's Chapter 3,guys!Stay tune for more.*wink(○゚ε゚○)

A Selcouth LoveWhere stories live. Discover now