Para sa Taong Nalilito

6 0 0
                                    


Para sa Taong Nalilito.

Gusto ko lang naman malaman mo na hindi ako manghuhula.
Ayokong pangunahan ang kung anu man ang nararamdaman mo.
Pero sana lang ipaalam mo sakin.
Kung nalilito ka, pwede bang wag mo na ako idamay.

Wag mong sabihin sakin na mahal mo pa ako,kung iba naman sa pinapakita mo.
Wag mung sabihing hayaan muna kita,habang ako naghihintay sayo na maging sigurado ka ulit.
Wag mo nako paasahin pa,kase kung ikaw di ka sigurado, ako sigurado ako sa nararamdaman ko sayo.

Ayoko naman kumapit pa kung binibitawan mu nako.
Paulit ulit nalang.
Nakakapagod.
Hihintayin na naman ba kitang maging sigurado ka ulit?

Wag kang matakot na magpakatotoo.
Wag mo akong bigyan ng maling pag asa.
Kung di ka na sigurado sakin,pwede bang bitawan mu nalang ako.
Dahil masakit na.
Wag mong antayin na dumating yung time na ako naman ang malito,
Pag nangyare yun,asahan mu hinding hindi na ulit ako magiging sigurado pa.



Para Sa Lahat ng Makakarelate.Where stories live. Discover now