Chapter 4

9 5 0
                                    


Chapter 4

Nagising si Kendrick sa bangungot pero hindi pala isang katotohanan ang nakaharap sa kanya ngayon na si Archae na walang saplot or silang dalawa napatingin siya sa orasan mga alas onse pa lamang. Kaya agad itobg bumangon at nagbihis unang una ginulo niya ang buhok niya na halatang may hang over pa at halong problema.

Napatingin si Kendrick kay Archae na natutulog sa mukha nito na halatang inosente kaya inaatake siya ng konsensiya niya sa ginawa nila.
Paano kung may mabuo?
Paano na? Paano siya?
Paano 'yung magiging anak namin na alam kong hindi niya pa kaya.

Mga katanungan mula sa isipan ni Kendrick. Kinuha niya ang phone niya at nag dial mula sa magaling na judge. Buti nalang unti lang ang nainom ni Kendrick at nakokontrol pa nito ang diwa niya.

Parating na ang judge kaya binihisan ni Kendrick si Archae nahihirapan pa ito dahil mabigat at malikot si Archae matulog. Nag text sa kaniya ang judge na maari na silang pumunta. Kung saan nandoon ang judge binitbit niya si Archae at mamaya na ito gisingin. Kinakabahan si Kendrick dahil hindi niya kaya ang nangyayari nagpapanic pa ito kahit papaano.

Nakaayos na rin ang papeles nila na ikakasal sila. Dahan dahan inalog ni Kendrick si Archae para magising ang bilis ng tibok ng puso niya kapag ang lapit niya kay Archae naalala niya ang mga nangyari sa kanila kaya umiling ito at pinagpatuloy gisingin. Napaungol ng marahan si Archae dahil sa pagising inaakala ni Kendrick na magugulat ito pero hindi. Nakangiti pa ito

"N-nasaan na tayo?" Halatang lasing parin si Archae dahil kaunting oras lamang ang tulog niya na hindi nakakabawi ng lakas.

"A-aray" angal nito napatingin si Kendrick kung saan masakit. Napalunok siya dahil sa puson nito ang masakit.

"M-masakit ba?" Kabang tanong ni Kendrick kay Archae tumango ito at tumawa.

"Its okay! Kaya ko 'to! Ang sarap nga eh!" Namula ng bahagya si Kendrick at bumaba ng sasakyan huminga siya ng malalim dahil halos hindi siya makahinga sa bilis ng tibok ng puso niya. Binuksan niya ang kabilang pinto para makalabas si Archae.

Nakaakbay si Archae kay Kendrick dahil inaalalayan nito papasok sa office. Nakarating narin sila sa harap ng judge walang ideya si Archae kaya sumagot nalang ito at pumirma.

"You may now kiss the bride" napalunok muli si Kendrick at marahan hinalikan si Archae na tinanggap din nito o kaya tinugon.

Pauwi na sila para ihatid si Archae sa kanila kaso nanlalabo ang paningin niya dahil naalala niya uminom siya ng pabg patulog dahil hindi siya makatulog kanina sa nangyari sa kanila. Pagewang gewang ang sasakyan nina Kendrick at Archae habang si Archae nakatulog dahil sa kalasingan. Ng makontrol ni Kendrick ang diwa niya agad niyang iniwas iyon malapit sa bangin.

Nakita niya na babangga ito sa puno kaya napatingin siya kay Archae na natutulog na walang kaalam alam. Tinaggal niya agad ang seatbelt at niyakap si Archae para maprotektahan.

***

"Doc! Nasaan ang anak ko!" Nag papanic na tanong ng Magulang ni Kendrick nadatnan nila na nakataklob ang puting tela kay Kendrick naghagulgol sa iyak ang magulang ni Kendrick. Sabi ng doktor naging sanhi daw ng pagkamatay na nabangga ito sa puno na malapit sa resto.

Kaya agad naagapan ang katawan ni Archae na humihinga pa samantala si Kendrick at punong puno ng saksak mula sa nabasag na salamin mabuti nalang sa likod lahat tumama hindi sa harap kundi patay narin si Archae.

"Maam nakita po namin ito sa sasakyan na mukhang mahalaga" kinuha iyon ng nanay ni kendrick binasa niya ito at halos magulat siya ng makita niyang kasal na si Kendrick kay Archae halos mapatakip ng bibig ang nanay nito at lalong naghagulgol alam niya na siguro kung ano nangyari.

"H-hon? A-anong nakasulat?" Tanong ng Dad ni Kendrick

"K-kasal na ang a-anak natin kay Archae Domingo. At may magkakaroon sila ng anak" pinatahan naman ng Dad ni Kendrick ang Asawa nito.

----

"Balaeh" tawag ng nanay ni Kendrick napatingin naman ang magulang ni Archae sa kanila na nakakunot ang noo.

"A-anong balaeh?" Napatingin muna Ang nanay ni Kendrick kay Archae na nakabalot ang ulo bunga ng pag ka comatose.

"Kasal na ang anak namin sa anak mo. Ang anak ko ay kasama sa aksidente na sinalba ang anak mo" malamig na pagsasalita nito sa harapan ng ina ni Archae.

"H-ha" naluluha na tugon nito

"B-bat diko alam?" Napatingin ang ina ni Archae kay Archae.

"Baka may nangyari sa anak natin kaya pinanindigan ng Anak kong si Kendrick ang mabubuo sa kanila. A-and... Mukhang... *sob* h-hindi niya na matutupad ang p-pangarap niya" humagulgol ang nanay ni Kendrick sa harapan ng magulang ni Archae.

"B-balaeh w-wala akong alam sa nangyari" halos paumanhin sa boses nito tumango na lamang ang sagot ng ina ni Kendrick.

"W-walang may kasalanan.... Nangyari na... Kaso ang sakit mawalan ng anak" nag iyakan na silang lahat dahil hindi na nila kaya ang nangyayari.
Si Kendrick na binawian ng buhay At si Archae na comatose na buntis.

ISANG taon nakalipas hindi parin nagigising si Archae nanganak narin ito at napag pasyahan ng mga magulang ni Ken na ilalayo muna ito kay Archae dahil baka hindi kayanin ang mga pangyayari at kamuhian o maging trauma.

Kaya napag usalan nilang snga magulang ni Ken ang mag aalaga sa anak ni Archae. At kailangan kapag nagising si Archae dapat normal lang sa kaniya ang mga pangyayari na huwag ipapaalala dahil masakit ang mga trahedya. Nag aaral pa naman ito si Archae baka maapektuhan ang pag aaral kaya hanggang sa maari kailangan muna nilang itago.

Sumang ayon ang magulang ni Archae para sa ikakabuti ng kanilang anak at apo. Pinapangako rin daw ng magulang ni Ken na ibabalik nila ang anak ni Archae kapag nasa tamang edad na nito baka mga 23.

Kaso ng mag 22 na si Archae namatay na ang magulang ni Archae kaya hindi man lang nasabi ang sikretong natago ng ilang taon kaya nag trabaho nalang ito para makaangat sa pag hihirap.
Hindi man lang nalaman ni Archae na may anak siya at patay na ang asawa niya.

End of Flashback

I have a Daughter?Where stories live. Discover now