Chapter 13:

967 18 0
                                    

TEXTMATE"
(hu u?)
Written by: Dabz Mallari



Pagkatapos ng libing ng ina ni Cindy, hinikayat sya ng kanyang Tiya Lerma na tumira sa bahay nito. Subalit tumanggi si Cindy.


"Ikaw lang naman ang ina-alala ko iha, ayoko na lagi kitang nakikitang umiiyak, makakatulong sayo kahit pansamantala lang, na bahay ka muna tumira"


"Salamat tiya, pero ayoko po malayo sa ala-ala ng aking inay, maaaring ngayon 
masakit pa dito-sabay turo sakanyang puso, "pero alam ko na, darating 
ang panahon, kusa kong matanggap ang pagkawala nya, mananatili lang ako dito sa bahay Tiya sana, maunawaan nyo po ako"

"Sige ako, nalang ang lilipat, papa-upahan ko nalang ang bahay ko. Para
makatulong sa pag-aaral mo sa susunod na buwan"

"Salamat tiya., titigil nalang ako Tiya, ayoko na mahirapan din kayo 
dahil sa akin"

"Sinabi ko na sayo na hindi ka pabigat sa akin, kung kinakailangan na 
ulit-ulitin ko sa yo na hindi ka pabigat sa akin gagawin ko, hindi mo ba
akong pinagkakatiwalaan iha?"

"Hindi naman po sa ganon Tiya, feeling ko kasi, pwer-wisyo ako sayo, sa 
susunod na buwan ang pasukan sigurado kailangan ng pera, saan tayo 
kukuha?ayoko naman na lagi umaasa sa inyo, gusto ko lang tumayo sa 
sarili kong paa, na walang inaabalang ibang tao,"

Niyakap nya ang pamangkin nito, 


"Hindi ako ibang tao,Tiya mo ako, nag-iisa rin ako sa buhay, kaya sa 
pagkawala ng iyong ina, masakit din para sa akin, tayo nalang ang 
natitira na magkapamilya, ituturing kita na anak ko, wala man ako nun, 
pero gagampanan ko ang pagiging ina sa iyo, tandaan mo, na andito ako
para sayo, tulad na pangarap ng iyong inay na makapgtapos ka sisikapin
ko din yun, basta magtulungan lang tayong dalawa iha.. tungkol sa pera, 
my natira pa sa sa mga naging ambag ng iyong inay, yun ang gagamitin mo
sa pag-aaral mo sa susunod na buwan. kakayanin natin to, basta 
pagkatiwalaan mo lang si Tiya ok?"

"Ok po Tiya, maraming salamat, pangako nyo Tiya na hindi nyo din ako 
iiwan?"

"Hindi iha, hindi, tanging kamatayan lang din ang makakapaghiwalay sa 
atin, alam ko na natatakot ka muling mapag-isa, pero lagi mong 
tatandaan, na hindi natin hawak ang ating buhay, pwede bukas oh minuto 
lang ang lumipas maaaring kunin sa atin ang ating hiram na buhay, kaya 
lagi kang maging handa, sa kahit ano man na dumating sa buhay mo. 
sisiguraduhin ko nasa maayos kanang kalagayan pag ako ang nawala"

Niyakap nya ng buong higpit ang kanyang Tiya.
"Maraming salamat Mama"


Napangiti naman ang kanyang Tiya sa huling turan nito.


"Mahal kita Cinderella, katulad ng iyong ina'y, hindi ko ipagdadamot ang
mga ala-ala nya, gagawa tayo ng sarili natin ala-ala, oh sya, 
magpahinga kana, aalis lang ako sandali, kukunin ko lang ang mga gamit 
ko sa bahay, babalik din ako kaagad"

"Tutulungan ko na po kayo mama,"

"Huwag na magpahinga kana"

"Plsssss... Sasama ako mama"

"ikaw talagang bata ka, oh sige na nga, tara na.."
at ginusot nito ang buhok nya.

Samantala..

Lalong naging malungkutin si Raven, pagtuloy parin nyang sinusubukan 
tawagan si Cindy, ngunit lagi itong bigo.
Hindi na halos sya lumalabas sa kanyang silid, kapag oras ng pagkain 
saka lang sya lumalabas. Naputol ang pag-iisip nito kay Cinderella ng my
kumatok sa kanyang pinto.

"Come in"


"Kumusta iho"


"Ayos lang grand ma"


"Ito pala ng listahan ng mga universitie's dito, pumili ka kung saan mo
gusto."


"Kayo nalang ho ang bahala"-malamig nitong tugon. 


"Something wrong?"


"Nothing, i just want to be alone"


"Ok i'll go now"

Hinayaan nalang ng matanda si Raven na mapag-isa.

Mabilis na lumioas ang araw unti -unti ng nagiging masigla si 
Cinderella, paminsan-minsan, ngumingiti na ito. Magka sama na sila ng 
kanyang bago ina na si Mama Lerma sa kanilang tahanan.

Hanggang sa sumapit na ang pasukan. Magkasama ang mag-tiya na bumili ng 
school supplies nya, at bagong uniform nito.

TEXTMATE ( HU U? )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon