Chapter 15 : Rainbow's End
Sophia's Point of View
So kinabukasan, lumabas kami para I-meet 'yung dalawang lalaki. Sina Liam. Si Jhoanna ay nag check-in nalang din muna sa hotel kung saan din kami nag check-in. Wala pinapaayos pa n'ya 'yung mansyon n'ya. Hindi nga kami makapaniwala sa nalaman namin sa kanya kahapon. Nandito na ulit kami sa Auckland City.
"Wow guys you're here already?" Hindi kami makapaniwala na nandun na sila sa labas pagkalabas palang namin.
"Syempre kami pa."
"Tara na tara na! Excited na ako Whoo-hoo!"
Natawa kami kay Kevin na excited pa sa excited. Tapos naunang maglakad at sumunod naman kami.
"So pa'no 'yan Kianna? 'Yung mga staff natin?" tumingin ako kay Kianna na naglalakad katabi ko.
"Nadisappoint ako ng sobra sa kanila. Marami pa tayong natitira sa iba't ibang bansa at sila na ang bahalang pumunta sa Pilipinas." Sagot n'ya sakin.
"Good to hear."
"Alam n'yo may naisip akong magandang puntahan." Tumigil si Liam at humarap sa amin.
"Saan?"
****
"What the..."--Kevin.
Anak ka ng nanay mo. Parang gusto kong himatayin sa mga nakita kong rides dito sa Rainbow's End. And yes this is the largest theme park here in New Zealand.
"Anong gusto n'yong sakyan?"sarap batukan ni Liam.
"Papatayin mo ba kami ng maaga?" Tanong ko na ikinatawa n'ya.
"Minsan lang naman 'to right, Kevin?"
"Kaya nga mukang masaya. Ano tara?"
"Game!" Nagulat ako sa pagsang-ayon ni Kianna.
Seryoso?
"Oh ikaw?" Tumingin sila sa akin.
****
"Kainis pag tayo tumalsik dito sinasabi ko sa inyo." Nanginginig na tuloy ang boses ko. Kinakabahan na kasi ako kahit hindi pa nagsisimula. Alam nyo kung sa'n kami nakasakay?
Sa Stratosfear Ride. At kahit tingnan mo palang, masusuka ka na. So ayun naghintay kami na mapuno lahat ng upuan. Paikot kasi 'to eh. Katabi ko si Kianna at Liam. At konting segundo lang ang lumipas,
"Ayan na umaandar na." Agad akong nag sign of the cross. Mabagal palang s'ya. "Ahhhh... Baba na tayo."
Natawa sila sa akin.
"Wala nang bawian nakasakay na tayo." natatawang sabi ni Kevin.
"Lagot sakin ang nag-aya ditong sumakay pagkatapos." banta ko.
Natawa si Kianna kasi s'ya 'yung nagrequest.
"Ayan na lumalakas na---waah bababa na!"
Palakas nang palakas ang swing nitong sinasakyan namin. Hanggang sa...
"Waaah mommy!" Sigaw ko sa tuwing tataas kami tas biglang bababa then sa kabila naman.
Pakinig na pakinig ko ang sigawan ng mga tao.
"Waaah ayoko na!" Napatakip na ako nang muka pero waepek. Naliliyo na ako.
"Waaaaaah!" Sigaw naming lahat.
"Ah! Liam ayoko na---aaah ayoko na talaga."halos maiyak ako nang mapunta kami sa taas then biglang mags-swing sa kabila at ganun din ang taas.
"Haha ang saya kaya!"
BINABASA MO ANG
Black Butterfly
ActionIn a not peaceful life, Linx Leinel wants to get revenge to the Main Villain because of what he is doing to ruin his and his brother's existence. Hindi lang naman s'ya ang gustong gumanti dahil maging ang kanyang mga kaibigan ay ganoon rin ang hanga...