Chapter 4
"Hijo I'm happy to see you every morning, sana dito ka muna mag stay habang hindi pa kami umaalis ng Papa mo." Bungad ni Divina kay Dennis.
Inabutan nya ang kanyag Mama na nagbabasa ng newspapaer sa may living room.
"Don't worry Ma, yan din ang plan ko. I want to spend time with you, sana sina kuya rin mag stay muna sila dito ng mga bata." sabay halik sa pisngi ng kanyang ina.
"Dennis! ano ba namang perfume ang ginamit mo amoy babae ka." pinandidilatan nito ang anak.
Kung alam lamang ng kanyang Mama na nagpakalunod sya sa kandungan ni Michelle kagabi ay lalo itong magagalit.
"May nabangga akong babae kanina Ma, nabasag ang perfume nyang hawak." palusot ni Dennis sa ina sabay tayo nito para umakyat sa kanyang kwarto.
"Just make sure na naghahanap ka na ng matinong babae to be your wife or else kami ng Papa mo ang maghahanap." may halong pagbabanta ang boses ni Divina.
Napabuntong hininga si Dennis, talagang isisingit ng kanyang Mama ang topic na iniiwasan nya.
"Yes Mama, actually I already found her." Habang sinasabi nya ito ay naglalaro sa isipan nya ang tigresang babae kanina.
Nanlaki ang mga mata ni Divina ng marinig ang sinabi ng anak. "Really hijo?"
"Huhmm, kaya just relax hwag ninyong masyadong isipin ang tungkol sa pag-aasawa ko. I'm worried for you Mama."
"We'll talk later after ng breakfast, mag shower ka muna ayoko yang perfume mo." pagtataboy nito sa anak.
Sinundan ng kakaibang tingin ni Divina ang papalayong anak.
"Sweetheart, ano ang ibig sabihin ng ngiti na yan." tanong ni Francis sa asawa.
"Bakit ang aga mong gumising? Saturday ngayon don't tell me na pupunta ka pa rin sa opisina mo." malambing nitong sabi.
"No, ipapasyal ko ang mga apo natin mamaya. Parang narinig ko si Dennis, nandito ba sya?." muling tanong ni Francis.
"Yes, he just went upstairs and I have a good news, may ipapakilala na raw sa atin ang bunso mo." excited sa pagkukwento ang ginang.
"Siguraduhin lang nya na matinong babae yun." sabi ni Francis.
"That's what I've told him a while ago."
"Kailan daw nya ipapakilala sa atin? Sana bago tayo umalis."
"Kausapin mo mamaya para makapag set na tayo ng schedule."
Tumango si Francis bilang pag-sang ayon sa sinabi ng asawa.
_________________________________________
"Gerardo, saan kaya nagpunta ang anak mo?" nag-aalala ang si Eliza para kay Emer.
"Hayaan mo sya natuto syang umalis matuto rin syang bumalik." may pinalidad sa bawat salitang binitawan ni Mr. Ignacio.
Pagkarinig ni Eliza sa sinabi ng asawa ay napahagulgol na sya, bilang ina napakasakit para sa kanya na hindi alam ang kalagayan ng bunsong anak.
BINABASA MO ANG
Playful Heart
RomanceLahat tayo ay nangarap na ang makakasama natin habang buhay ay ang taong mahal natin at mahal rin tayo. Sa sitwasyon nina Dennis at Emer ay kinakailangan lamang nilang pakisamahan ang isa't isa para sa kanilang pansariling layunin.