Shoot 63 "Joint Quest"

61.4K 3K 443
                                    

"Hindi mo alam ang makakasagupa mo doon, Majesty, mag-iingat ka," Paalala sa akin ni Katana bago pa man ako makaalos mg BWU. Hindi ko nga alam kung bakit halos lahat ng estudyante ng BWU ay nandito, aalis lang naman kami ni Darkshadow para sa quest.

"Kung magpaalam ka naman ay parang sasabak ako sa gyera sa totoong buhay. Babalik din naman ako." Natatawa kong sabi.

"Be careful, Majesty." Sabi sa akin ni Lucky bago pa kami makaalis.

"Saan kayo magkikita-kita niyan?" Tanong ni Thatjerk sa akin. Ang tinutukoy niya ay yung iba pang representatives.

"Sa mismong port na sa bayan ng Talima para less hassle." Sabi ko sa kanya. Maayos naman kami nila Charm at maging ni-FurePhoenix. Naayos namin ang mga alitan sa pamamagitan ng meet up. Mas nakilala namin ang isa't-isa and somehow, nag-enjoy naman kami sa company ng bawat isa.

"Bring home the glory!" Sigaw nung isang player na level 28 at nginitian ko ito.

Pumito na si Darkshadow sa kanyang whistle at dumating ang kanyang mount na isang itim na kabayo. It's pathetic that everyone here at BWU considered us as their King and Queen. We are just regular players. Hindi ko kailangan nang ganoong klaseng titulo.

Sumakay na si Darkshadow at inalalayan niya ako para makasakay na rin ako. Nagpaalam ako kanila Katana sa huling pagkakataon bago paandarin ni Darkshadow ang kabayo.

Malamig na simoy ng hangin ang sumasampal sa aking mukha. Kinakailangan ko pang ayusin ang pagkakapusod ng aking buhok upang hindi ito hanginin.

"Next week, ga-graduate ka na," sabi ko kay Darkshadow. Sadly it's his last year at Northford University. "Ga-graduate ka pa bilang Cumlaude. Nakaka-proud ka."

"Bakit parang ang lungkot ng boses mo na ga-graduate na ako?" Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Darkshadow.

"Ibig sabihin kasi nito, hindi na kita makikita sa university. Hindi natin magagawa yung mga ginagawa ng couples na nasa college. We can't go to watch movies afterclass, hindi tayo makakatambay sa library kapag vacant, hindi natin magagawa na manuod ng mga kung ano-anong events sa school." Paliwanag ko. Pangarap ko pa naman gawin iyon.

"I still have a week, pwede naman natin gawin iyon." Sabi ni Raydin. "Hindi pwedeng hindi matupad 'yang mga gusto mong mangyari." He said. Bumaling ako sa kanya but he just planted a kiss on my cheeks.

"Tsansing ka pa." Sabi ko sa kanya pero nginitian niya lang ako.

Mas binilisan ni Raydin ang pagpapatakbo upang makarating kami sa bayan ng Talima nang sakto sa oras.

***

Pagkarating namin sa bayan ng Talima, masyadong busy ang buong lugar dahil isa ito sa mga sentro ng kalakalan dahil malapit sa dagat.

Pagkarating namin sa lugar ay agad kong ni-chat si Jace. Nasa friend list ko si Jace dito sa game kung kaya pwede ko siyang maka-chat kahit taga-ibang school siya. Honestly, lahat ng representatives ay in-add kong friend.

Majesty: Saan na kayo?

CoolJace: malapit na kami but sina Charm ay nasa pub malapit sa port. Puntahan ninyo na lang.

Majesty: okay-okay.

CoolJace: bespren, ang pangit mo.

Majesty: Nagsalita ang gwapo. Kahiya naman.

CoolJace: talaga naman!

School War OnlineWhere stories live. Discover now