Hapo ko naman ang dibdib ko sa kadahilanang kanina pa niya ako sinusubukang suntukin at sipain. May iilang beses na natatamaan ako kaya hindi ko mapigilang mapangiwi dahil sa ramdam na ramdam ko ang pagkamuhi niya saakin.
"Tol,time first muna."
"Where's my rolex?"
"Ha?"
"You stole it last night." Kalmado niya pa ring tugon. Hala. Bisto na kaagad ako. Paano niya naman nalaman na ako yun aber? Eh nakatakip nga yung mukha ko.
"Rolex mo mukha mo! Anong akala mo saakin,walang pera? Huy! Mahirap nga kami pero hindi ako magnanakaw! Nakakasakit ka na ng damdamin ah!" Sigaw ko sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin saka tumalikod. Bumuntong hininga na lang ako dahil sa pagod ng bigla na lang siyang humarap ulit saakin. Oh my abs!
"Why are you here,then?" Napatingin naman ako sa kanya,hindi niya pa ba alam?
"Dito rin pad ko." Nakita ko namang natigilan siya.
"Sleep in the couch." Balewala niyang tugon saka nagbihis ng damit. Nasabi ko na bang walang suot na pang itaas ang lalaking to? Tiba-tiba ako sa abs kanina bes. Lihim ko na lamang pinagalitan ang sarili ko dahil sa kaharutang taglay ko. Pero teka nga? Ano nga yung sinabi niya? Ako raw matutulog sa couch?
Dun naman ako napatingin sa kabuuan ng kwarto. Sa disenyo palang,mahahalata mo ng pangmayaman talaga. Kompleto na rin ang mga gamit rito. May ref,tv,mesa,couch,gamit pang luto, isang malaking higaan at iba pa. Binalingan ko ulit ang couch,okay na rin naman kahit papaano,magkakasya rin naman ako dito kaya hindi na muna ako magrereklamo.
Patakbo akong sumalampak sa couch dahil sa pagod. Kanina pa nga ako naglalakad mahanap lang tong pad nato tapos pagdating ko rito,bigla-bigla na lang aatake tong engot na to? Ayos rin ah. Napalingon naman ako sa direksyon niya. Mayaman pala tong isang to,akalain mo yun,may laptop at cellphone siya? Ako nga wala ni isa,yung cellphone ko naman nasira na nung nakaraang buwan sayang rin yung cherry mobile ko no!
"Quit staring." Inis niyang baling saakin. Pinangunutan ko lang siya ng noo saka naghanap ng pwedeng magawa. Yung tv! Dali-dali akong tumayo saka kinuha ang remote na nasa mesa. In-on ko na ang tv at ganoon nalang ang pagkagulat ko nung makitang porn ang naka play. Napalingon ulit ako sa kanya at nginisihan niya lang ako,yung ngising pangdemonyo ba. Nakakairita na ha.
Hindi naman ako ignorante o ano kasi parte rin naman yan ng pagkalalaki kahit na papaano pero yung ugali lang talaga-grrr! Inis ko namang inilipat yun tapos nanood ng minions. Tawa kang ako ng tawa dahil sa mga katangahang pinaggagagawa nung mga nakadilaw na maliliit kahit na kanina pa ako sinisita nitong kasama ko. Manigas siya diyan!
🔱🔱♋🔱🔱
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinapa ko naman ang gilid ng bibig ko para tingnan kung may laway bang tumulo. Wala naman ah,kaya tumayo na ako at uminom ng tubig. Bat parang napagod yata ako sa pagtulog?
Napatingin naman ako sa oras. 6:35 na pala.
Paglingon ko sa mesa ay wala ni isang niluto ang nandoon. Tiningnan ko yung kasama ako at napasimangot na lang ako nung makitang may kinakain na siya. Nag-order siguro to. At dahil wala naman akong pera para mag order ay padabog akong naglakad patungo sa ref. Mas lalo naman akong napasimangot ng malamang mga tubig,energy drinks at itlog lang ang naririto.
"Itlog na nga lang." Bulong ko sa sarili ko. Binilisan ko na ang kilos ko at sinimulan na ring magluto ng itlog. Nabuhayan naman ako ng loob ng makitang may konting laman pa ang rice cooker. Mabuti nalang at tinirhan niya pa ako.
Nang maluto na ang itlog ay kaagad ko na itong hinain at nagsimula na ring kumain. Masarap pa rin naman kahit papaano,pero nakakaumay na kasi. Mag-iisang linggo ko na atang puro itlog ang ulam. Wala rin naman akong pera pambi-humingi kaya ako ng pang grocery dito sa kasama ko? Talino mo talaga Sed,sulitin mo na kasi parang mayaman naman yang kasama mo.
Naputol ang pagmuni-muni ko ng may biglang kumatok,muntik pa nga akong mabulunan mabuti nalang at may tubig kaya dali-dali ko itong ininom.
Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad saakin ang medyo may kaedaran ng lalaki na may dalang malaking kahon.
"Ikaw ba si Sed?" Isang tango lang ang isinagot ko sa kanya. Ngumiti siya ng tipid saka ibinigay saakin ang kahon. Tinanggap ko naman ito saka pumasok sa loob. Mamaya ko na lang muna yun bubuksan,kakain na muna ako.
Dali-dali kong tinapos ang pagkain ko at hinugasan ang ginamit kong pinggan bago umupo sa couch kaharap ang box na ibinigay kanina. Balot na balot ito ng duct tape kaya malabong mabuksan ito kung walang-
Mabuti na lang talaga at mabilis ang reflexes ko dahil kung hindi ay mamatay talaga ako ng wala sa oras. Akalain mo yun? Bigla-bigla na lang ibabato ang swiss knife na may maliit na matulis na kutsilyo sa direksyon ko?
Imbes na magpasalamat ay sinamaan ko lang ito ng tingin ng lakaran niya ako papalayo at lumabas ng pad. Nagkibit balikat nalang ako at sinimulan ng buksan ang box na sa harapan ko. Unang-unang bumungad saakin ay ang isang envelope. Inilagay ko muna ito sa gilid at napunta naman ang atensyon ko sa uniporme namin.
Napangiwi na lamang ako dahil sa ikli ng saya. Maganda naman ang disenyo nito,white na long sleeve,black na blazer at black na saya pero ang ikli eh! Mas lalo naman akong napangiwi dahil ang mga pinadalang damit nila ay puro dress,tatlo o apat ng ata ang t-shirt dun at dalawang pantalon. Mabuti nalang talaga at may isang desenteng sapatos pa silang ibinigay kasi apat roon ay heels! Anak ng tokwa!
Inilagay ko muna iyon sa gilid at tiningnan ang nasa pinaka ibaba ng kahon. Isa itong maliit na pouch, ano kaya ang laman nito? Ganoon na lamang ang pagkagukat ko nung malamang isa itong mamahaling kwintas.
Bakit naman sila magbibigay ng ganito?
♤♤♤