© to the Authors, Directors, Actors, Producers of Lord of the Ring and The Hobbit.
-Rel♥
Genre: Adventure/Romance
Liberty Imperial
I am Liberty Imperial!
Rich?
Sophisticated?
Luxurious?
Hot?
Gorgeous?No! No! A big NO!
Hindi ako mayaman! Scholarship ang meron ako kaya nakakapag aral ako sa magandang paaralan na Northernwood University.
Ako na mismo ang sumusuporta sa pag aaral ko simula ng mamatay ang mga magulang ko noong 15 years old palang ako.
Naiwan ako sa pangangalaga ng Lolo at Lola ko ang mga magulang ni Mama. Pero nagdisesyon akong pumunta ng maynila at iwan muna pansamantala ang probinsya namin at sina Lola ng mag karoon ako ng pagkakataong makatanggap ng Scholarship mula sa may-ari ng Northernwood University.
Nagpapadala naman ng pera para sa monthly allowance ko ang lolo ko pero tinatanggihan ko yun dahil may napagkukunan naman ako ng allowance dito, bukod sa may Monthly allowance kaming nakukuhang mga scholars ng NWU ay ako narin ang nag pe presentang gumawa ng mga project ng mga classmates ko para naman may extra income ako.
Hanggang sa isang araw habang naglalakad kami ng kaibigan kong si Pia sa loob ng Library ay may nalaglag na libro mula sa dulong bahagi ng pinakahuling bookshelf ng library na to.
Agad naming pinuntahan yun para pulutin ng mapansin kong umiilaw ang librong yun.
Binuklat namin ang librong yun at sa isang iglap lang ay bigla kaming hinigop ng librong yun patungo sa kung saan man.
Inuluwa kami ng isang water fountain sa isang hindi pamilyar na lugar.
Luminga-linga kami ng kaibigan kong si Pia sa lugar na iyon.
Maya-maya pa ay hindi ko na narinig ang boses ni Pia kaya naman agad ko syang nilingon.
Muntikan na akong matumba ng nakita kong may nakatutok na isang matulis na bagay sa leeg ng kaibigan kong mamumutla na.
"Si-sino kayo?" Ang tanging nabanggit ko nalang bago ko naramdaman ang pagdaplis ng matulis na bagay na yun sa paanan ko na syang naging dahilan ng pag bagsak ko.
Nilingon ko ang parte ng lugar kung saan tumuloy ang bagay na 'yon at nakita ko ang puting pana.
Inilingon ko naman ang mukha ko sa gawi kung saan galing ang panang yun at nakita ko ang isang matikas na lalaking may hawak paring pana at nakahandang ipana ito ano mang oras sa kung sino mang magtatangka.
Unti-unting lumalabo ang paningin ko dala na rin siguro ng pagod at kaba.
At dito na nagsimula ang pakikibaka namin para mabuhay at intindihin kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng kapayapaan at pag-ibig.
"59 days nalang Lib, makakabalik na tayo sa lupa."
306 days na ang nakalipas simula ng mapunta kami dito.
At hindi ko alam kung gugustuhin ko pang umalis sa lugar na 'to.
Napatingin ako sa direksyon kung saan naka-upo si Legolas at nagmamasid sa paligid.
Kung tama nga ang iniisip namin ni Pia, marahil ay nakapasok kami sa mundong ito at inihatid dito dahil sa librong yun.
Ang dating pag hanga lang na pagtingin ko kay Legolas sa libro ay napalitan ng pagmamahal na ngayon ay totoo at walang halong biro.

YOU ARE READING
Wattpad Story Ideas
RandomIto'y mula sa aking mga kathang isip at nais kong ibahagi sa inyo. Good luck!✔ By the way, kung gusto mong kunin yung mga ideas dito, magpaalam ka muna sakin ha? alam mo namang Plagiarism is a crime? Good! truly yours: relynzz