•[18] WATTPAD-IBIG•

129 23 7
                                    

"WATTPAD-IBIG"
*SPOKEN WORD POETRY*

Ang sarap talaga ma-inlove noh?,

Di ko maintindihan tong nararamdaman ko,

Ang daming bakit at paano,

Nakakatawa ngang isipin na na-inlove ako sa karakter na hindi naman TOTOO,

Na nabaliw ako sa mga katagang nilimbag lang sa libro,

Na kinilig ako at halos di na mapawi ang mga ngite,

Parang babaeng bigla-bigla na lang mapapatili,

Yung bigla na lang ako mananapak ng katabi?,

Yung kapag di nakabasa hindi mapakali,

Hayyyyyy.....

Ang wattpad ay aking kaibigan,

Parati niya kong kinukwentuhan,

Iba-ibang genre o kahit ano pa yan,

Pero di ako nagbabasa ng SPG ha!?,
Sorry painosente lang,😅

Siya din ang nag bigay daan at dahilan,

Kung bakit ang PAG-IBIG ay aking NATAGPUAN,

Ang babybabe ng buhay ko,

Ang binibini ng buhay ko,

Ang Darling ng buhay ko,

Ang Wifey ng buhay ko,

At ang BUHAY ko....

-
-
-
-
-
-
Natagpuan kitang nakaupo't mag-isa,
May hawak na libro't tutok na tutok sa pagbabasa,
Pangite-ngite ka pa at tila abot tenga ang saya,
Tapos ilang saglit lang maluha luha kana,

Pinagmasdan kita't tila inoobserbahan,
Ang ganda mo talaga kahit saang anggulo tingnan,
Sa ngite mo pa lang ay nakuha mo na ako,
Di mo pa man ako tinitingnan pero ba't....kinikilig ako!,

Lumapit ako't umupo sa tabi mo,
Pero parang di mo man lang naramdaman ang presensya ko,
Bigla tuloy akong napanguso't napakunot ang noo,
Di mo man lang kasi napansin ang pagpapapansin ko,

Nakangite ka pa rin at ang tingin ay nasa libro,
Nakakahiya man, pero pinagseselosan ko yang hawak mo,

Sana nga ako na lang yang libro,

Para na SAKIN lang ang nga MATA mo,

At dahil di ko parin matinag ang mahal ko,
Magbabasa na lang din ako,
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag,
Sabay deretso bukas at nagtungo sa WATTPAD APP,

Hmmmmmm.....

-
-
-
-
-
-
Mahal ko ?
Ano kayang magandang basahin,
He's into her na lang kaya ulit?
Yung magmamala Deib Lohr ako sa kulit,
Yung kahit habulin man ako ng puso ay puso mo parin ang hahabulin ko,
Yung ikaw ang BABYBABE ko,d^__^b

Maganda rin yung I LOVE YOU SINCE 1892,
Yung kay Ginoong Juanito Alfonso,
Kaya Binibini ko ,
aking ipinapangako sayo,
Na gaya niya...handa akong maging maginoo't irespeto ka ng todo,

Mag Hell University na lang kaya ako?
Tulad niyang binabasa mo,
Pero imbes na ako yung SUPREMO,
Ikaw na lang mahal ko,
Kasi handa naman akong SUNDIN ka ano man ang I-UTOS mo,
Handa akong maging ALIPIN ng PAGMAMAHAL mo,
Dahil noon pa lang BINIHAG mo na ko,

Darling ko... 😊

Pero pwede rin yung Charm Academy diba?
Yung punong-puno ng charm pero wala pa ring tatalo sa charm mo,😍
Mukang Yelo nga talaga ako , at Apoy ka,
Kasi TINUNAW mo ko,😳

Mag Project Loki na lang kaya ako?
Yung magpapaka Detective ako ng Buhay mo!,
Yung hahanapin ko ang puso mo,
Di mo man ako bigyan ng clues kung papano?,
Maso-solve at maso-solve ko pa rin yan kahit saan mo yan itago,😍

Mahal ko !
Gusto mo ba sabay na lang tayo magbasa para masaya?
Yung sabay tayo ngingite at tatawa?
Yung pareho tayong kikiligin sa mga linyang nakakadala?
Yung iiyak tayo pareho kasi namatay yung bida?

Yung sasabunutan mo ko sa buhok kapag nabugbog yung mahal mong karakter,
Yung makikita ko ng malapitan ang mga reaksyon mo kapag nabibitter,
Yung sabay nating babasahin bawat salita't kabanata,
Hanggang sa matapos o magwakas ang binabasa,

Ang saya ko mahal ko,
Hindi ko alam na sa pagbabasa ko nito'y mas lalo akong napalapit sayo,
Mas lalo nating nakilala ang isa't isa,
Mas lalo TAYONG naging ISA,

Mas lalo kitang minahal ng sobra,
Kaya't di na kita pakakawalan pa,
Bubusugin kita ng pagmamahal ko,

SALAMAT SA LIBRO...

"Sa wakas nahanap ko na,

Salamat dumating ka,

Hindi man ako magaling na akda,

Hayaan mong buuin natin ang ISTORYA nating DALAWA"

-ICE❄

PS:Sana magustuhan niyo ,😊❄hehe
PSS:Para sa lahat ng WATTPADER 😊❄

By ICElikeEYES



Ice's Spoken Word Poetry(Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon