Nakaupo si Venoch sampung metro mula kina Cjay, Erryel, at Daniel na ngayon ay napapalibutan ng napakaraming taong nasa ilalalim ng impluwensya ng kapangyarihan niya...
"Napakahusay ng barrier na ginawa nila pero sa tingin ko ay hindi na magtatagal ito." Sa isip ni Venoch
"Erryel, ayos ka lang ba?" Tanong ni Cjay dahil napansin niya na nagsisimula ng maghabol ng hininga ang kasama
"Ayos lang ako pero kailangan nating umasa na makagawa tayo ng paraan para talunin siya at tapusin ito sa susunod na isang oras." Sagot ni Erryel
Tumayo naman si Venoch at naglakad ng ilang hakbang papalapit sa kanila bago nagsalita...
"Alam kong hindi na rin magtatagal pa ang baluting 'yan at alam niyo naman sigurong hindi pabor sa inyo ang ginagawa niyong pagpapatagal ng labang ito?"
"Tsk" reaksyon nina Cjay at Daniel
Tumawa muna ng malakas si Venoch bago itinuloy ang pagsasalita...
"Nakikita niyo ba ang mga taong ito? Habang tumatagal lalong nag-uumapaw sa kanila ang masamang enerhiya. Lalong lumalakas ang kapangyarihan ko dahil na rin sa takot, lungkot, at mga negatibong bagay na nasa loob nila."
"Tumahimik ka." Bulong ni Erryel
"Kung mas lalo pang tatagal ay siguradong hindi niyo na sila maliligtas." Pang-iinis ni Venoch
"Maliligtas pa sila!" Sigaw ni Erryel
"Erryel, sinasadya nya lang na inisin tayo." Paalala ni Daniel
"At kung suswertihin ako baka isa pa sa mga taong ito ay isang Elementalist." Dugtong ni Venoch
Doon ay nagulat na rin sina Cjay at Daniel sa narinig. Huminahon si Erryel at nag-isip ng mabuti...
"Nakonsidera na namin ito nina Karla at Master Nok. Ang mga elementalist ay mga taong ipinanganak na may likas na talento para lumikha at kumontrol ng isa o higit pa sa apoy, tubig, hangin, kidlat, at lupa. Isa sa isang milyon lamang ang pinapanganak na ganoon at ang pag-asang magising sila sa talento na iyon sa pamamagitan ng spiritual awakening ay napakadalang...Maliban na lamang sa mga ganitong sitwasyon."
"May sapat pa naman kaming lakas ni Cjay para labanan siya. Pwede nating subukan..." Suhestiyon ni Daniel
"Pero kapag natalo tayo..." Reaksyon ni Cjay sa narinig
"Hindi! Kailangan nating maghintay at magtiwala. Darating sila. Isusugal ko ang lahat sa susunod na isang oras!" Pahayag ni Erryel
- - - - -
Biglang napadilat si Miko mula sa pagkakahimbing at agad niyang naalala na naroroon pa rin sila sa bahay kung saan nila natagpuan ang batang ngayon ay katabi nila ni Lean na natutulog...
"Lean..." Pag-gising ni Miko sa kaibigan
Biglaan ding nagising si Lean dahil na rin sa hindi naman nila binalak na makatulog kundi lamang dahil sa pagod at kalungkutang naramdaman.
"Anong oras na?" Tanong ni Lean sabay tayo at silip sa bintana kung saan nakita pa rin niya ang mga taong wala sa sarili at nakatulala.
"Dalawang oras tayo nakatulog." Sagot ni Miko matapos tumingin sa orasan
"Tsk, kailangan na natin magmadali. Sa ikinikilos ng mga taong ito mukhang hindi pa tapos ang misyon." Sabi ni Lean
"Kailangan na nating pumunta sa plaza, kaso lang..." Sagot ni Miko sabay tingin sa natutulog na si Claudette.
"Iwan na muna natin siya, mas mabuting..." Sabi ni Lean na naputol dahil nakita niyang nagsisimula ng magising ang bata
Pagkamulat ng bata ay tinignan sila nito ng mabuti sa mukha at muli itong nagsimulang maluha...
"Si mama..." bulong ng bata sabay hikbi
"Tsk. Problema 'to." Sa isip ni Lean Sinubukan muli ni Miko na patahanin ang bata pagkatapos ay tinanong ito...
"Nasan ang papa mo?"
"Magka-away sila ni mama." Sagot ni Claudette
"Pero alam mo ba kung nasan siya?" Sunod na tanong ni Miko
"Dun namin siya pinupuntahan sa bahay niya sa dulo nitong siyudad." Marahan at mahinang sagot ng bata
Nagkatinginan sina Miko at Lean dahil nabatid na nila ang kailangan at marapat nilang gawin...
"Pupunta tayo sa papa mo." Sabi ni Miko ng may ngiti
"P-pero magagalit si mama..." Sagot ni Claudette
Sumabat si Lean at sinabing "Delikado dito, kailangan natin makapunta sa papa mo."
"Maraming salbahe sa labas." Sabi ng bata
"'Wag ka mag-alala, kaming bahala." Sabi ni Miko
Dahan-dahang tumango ang bata sa kanilang dalawa. Tumayo naman si Miko at idinikit ang kanang kamao sa kaliwa niyang palad at sinabi...
"Ayos, ngayon ang problema na lang ay paano natin lalampasan ang mga taong nasa labas!"
"May plano na ako, sakto nga lang at madadaanan muna natin ang plaza papunta sa papa niya." Sagot ni Lean
"Sigurado ka ba dyan Lean?" Tanong ni Miko
"...Kaso nga lang mas mainam kung maiiwasan pa rin natin ang makipaglaban hanggang maihatid natin siya. Pero kailangan muna natin makasiguro sa lagay ng misyon at nina Erryel." Sagot ni Lean
- - - - -
Kasabay naman ng mga sandaling iyon ay napasok na ni Karla ang loob ng gusali kung nasaan sina Dr. Mujin...
"Dalawang oras din ang inabot pero nagawa kong humukay ng lagusan sa ilalim ng hindi napapansin." Sa isip ni Karla
Nakatayo si Karla ngayon sa gitna ng isang madilim na pasilyo sa underground floor ng gusali...
"Hindi ko inasahan ito pero sa disenyo ng lugar na ito, siguradong may ilan pang palapag pababa mula dito. Aakyat na lang ba ako para kumprotahin ang mga tao sa taas?"
Iyon ang tanong na naglalaro sa isipan ni Karla na kanya ring nasagot makalipas ang ilang segundo ng malalim na pag-iisip...
"Hindi. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na ito. Kailangan kong malaman kung anong meron dito."
- - - - -
Sa itaas namang palapag ng gusali kung nasaan si Dr. Mujin at ang pito pang mga mayayaman at maimpluwensyang tao sa underground society...
"Aba, san ka pupunta Doktor?" Tanong ng isa kay Dr. Mujin
"Oo nga, kanina ka pa aligaga. Akala ko ba magsasaya tayo ngayong gabi." Segunda ng isa pa
Tumawa ng kaunti si Dr. Mujin bago nagbigay ng kanyang sagot...
"Dumating na kasi ang hinihintay kong test subject."
Nang marinig ang sagot na 'yon ay natawa rin ang iba pang nasa kwarto
- - - - -
Sa Black Dove naman kung saan naiwan si Mochi...
"Waah! Anong gagawin ko?!" Sigaw ni Mochi matapos ang dalawang oras ng pag-iisip
"Pwede ko ilagay sa autopilot ito at pumunta sa baba para tulungan sila kaso dahil sinira nila ang mga radar namin, hindi na namin mapapababa ito kapag dumating na ang oras na kailangan naming umalis... hayyy... kainis!"
Tumayo si Mochi...
"Ang mabuti pa gawin ko na ang kailangan kong gawin."
Iyon ang kanyang naging resolusyon.
[Itutuloy...]
YOU ARE READING
The Ministry
Teen FictionThe Ministry, A group in-charge of spiritual activities to protect mankind from attempts of evil spirits to take over the world and humanity. How will their battles unfold? Introductory Arc: (Chapters 1-5) Rescue Luisa Arc: (Chapters 6-16) Devourer'...