Chapter 3

1.9K 41 2
                                    

RAIN'S POV

"Hindi pa ba kayo tapos mag-shopping?" Tanong ko sa tatlo kong kasama, na akala mo ang daming pera.

"Wag ka ngang KJ, saka dun sa pupuntahan natin, yung store na katabi ay isang bookstore. Alam ko naman na yun lang ang gusto mong puntahan eh." Sabi ni Maya na naglalakad na sa tabi ko.

Huminto kame kung saan may mga taong tatawid, at habang naghihitay may isang dark blue na motorsiklo ang dumaan. Napatingin sa akin yung driver na may suot ng itim na helmet. Hindi nya inalis ang tingin nya sa akin.

Ng pwede ng tumawid, ay nagmadali kameng makarating sa kabilang kalye kase mabilis ding nagiba ang ilaw. Nakarating kame sa store na gustong puntahan nila Maya, at totoo nga sabi nya, may maganda ngang bookstore na katabi ito.

Syempre sa bookstore ako pumasok, pero bago ako pumasok biglang dumating yung dark blue na motorsiklo na nakita ko kanina. Nagpark sya sa harapan ng bookstore at syempre nacurious ako, kaya naman inantay ko syang bumaba at tanggalin ang helmet nya. Ng natanggal nya ang helmet nya ay nanlaki ang mga mata ko at dali dali akong pumasok sa bookstore. Naglakad ako ng mabilis patungo sa pinaka likod ng bookstore. Tumigil ako sa isang space na kung saan ay nakikita ko ang pinto habang ako ay nakasilip.

Nagbukas ang pinto at pumasok yung lalake na hinalikan ko kagabe, huminga ako ng malalim at pinanood ko lang sya. Gumalaw-galaw ang ulo nya na para bang may hinahanap. Ng mag-pass ang mata nya kung saan ako nakatago, nagulat ako at umalis kaagad sa pinagtataguan ko.

Nagtungo ako sa YA section or young-adult, at dun lang ako tumambay, nagantay ako ng ilang minuto at ng marinig kong bumukas ang pinto, nag-assume ako na umalis na sya.

Nag scroll scroll ako sa mga libro sa harap ko, ng mareach ko na ang edge ng bookcase, nabitawan ko ang mga librong hawak ko at napaatras ako sa gulat.

Nakasandal yung lalake habang nakatingin sa akin.

"Why are you hiding?" Tanong nya na may kasamang one-sided smile.

"Wha...no...what?" Sabi ko.

"You're hiding...from me. You know I asked your friends about you last night, but they wont tell me anything. I guess they're very drunk." Umalis sya sa pagkakasandal at lumapit sa akin ng dahan dahan.

Napaatras ako hanggang sa na-feel ko ang mga libro sa likod ko. Tumingin ako sa paligid pero walang masyadong tao, halos kame lang dalawa.

Tatakas na sana ako kaso, humarang yung katawan nya. Napatingin ako sa muka nya at nakatingin naman sya sa labi ko. Nagtungo ang mata ko sa tattoo nya sa may leeg.

Isa syang ibon na nalipad patungo sa puso nya.

"You like? It's beautiful isn't it?" Napatingin ako sa muka nya na sobrang init ng pagkakatitig nya sa akin. Nilapit nya ang muka nya sa akin at napa-singap ako.

"I'll scream." Sabi ko.

Mas lalo nya pang nilapit ang muka nya sa akin at sa sobrang lapit ay parang nararamdaman ko na ang labi nya sa labi ko. "Go ahead ang scream, then I will have a reason to taste that lips of yours. Again." Bumalong sya at naamoy ko ang sigarilyo sa hininga nya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, TO FOLLOW, AND TO COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

Dare: Kiss a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon