Chapter 16: Sunset

57 6 0
                                    

Khalee's POV

Saturday ngayon at napagusapan namin ni Grey na umalis. Actually gusto kong yayain si Rebecca pero naisip kona wag muna

I know were still not totally friends kaya nga gusto ko syang makasama para makilala ko pa sya but sa ngayon wag muna

Sa ngayon kailangan muna namin pumunta ng shop para magpaalam kay Ms. Kim, nakapagsabi na kami kagabi pero magsasabi ulit kami

Nauubos na nga yung pera namin sa kakagala ni Grey ni hindi na nga din kami masyado nakakapunta sa shop para mag trabaho eh

Naglalakad na kami papunta sa shop ng magkahawak ang kamay. Iniswaysway pa ni Grey ang kamay namin dahil sa excite

"Excited na ako Khalee!" Masayang sabi ni Grey at tumango naman ako sakanya bilang pagsangayon

Pupunta kami ngayon ni Grey sa dagat. Sabi kasi ni Grey gusto nyang pumunta sa dagat kaya ayun

"Hi Ms. Kim!" Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Grey kaya tumingin ako sa harapan at nakita si Ms. Kim na nakatayo sa labas ng shop

"Hi Ms. Kim" masayang bati ko sakanya. Tinignan ko ang shop at nagtaka ako kung bakit to nakasara. "Ms. Kim hindi po kayo magbubukas ng shop?" Tanong ko ng may pagtataka

"Ahh yes sweat heart, aalis kasi ako kaya sinara ko muna yung shop" sabi ni Ms. Kim at ngumiti samin

"Aalis na po kami Ms. Kim excited na po kasi ako!" Nagulat naman ako sa sinabi ni Grey kasi bigla nyang sinabi na aalis na kami pero tumawa lamang si Ms. Kim

"Sige na umalis na kayo. Mag enjoy kayong dalawa" sabi ni Ms. Kim at kumaway samin

Nandito kami ngayon sa tapat ng train station at nakapila ako para bumili ng ticket. Kailangan kasi namin sumakay ng tren para makarating dun sa dagat

Si Grey naman nandito sa tabi ko at hindi maialis sa muka nya ang ngiti. "Khalee excited ka din ba?" Sabi sakin ni Grey ng may ngiti sa muka

"Oo naman excited na excited" sabi ko at nginitian din sya

Nakabili na ako ng ticket para saming dalawa at papasok na kami ng tren pero bago pa kami makapasok biglang nagsalita si Grey

"Khalee hindi ba tayo mahuhulog dito?"

Natawa naman ako sinabi nya kaya tumingin sya sakin ng nagtataka. "Hindi tayo mahuhulog wag kang magalala" sabi ko sakanya at pumasok na

Dun kami umupo sa may bandang likod at sa may tabi ng bintana ako umupo at si Grey sa tabi ko

"Medyo mahaba mahaba ang byahe kaya for sure makakatulog tayo" sabi ko sakanya pero umiling lang sya

"Hindi ako matutulog! Gusto kong makita yung labas hanggang sa makarating tayo sa dagat!" Sabi nya at itinaas pa ang kanang kamay nya na parang namamanata

Tumawa na lamang ako at tumingin sa labas. Nagsimula ng umandar ang tren at naririnig ko ang mahinang pagtawa ni Grey kaya tumingin ako sakanya

"Oh bakit ka natatawa?"

"Naalog kasi ako"

Tuluyan na akong natawa sa sinabi nya kaya natawa din sya. Baby pa sya Khalee at normal lang yan sa mga bata

Siguro mga 30 mins nadin kaming nasa byahe at may isang oras pa bago kami makadating dun sa destination namin

"Wowwwwww!" Namamanghang sabi ni Grey

Tumingin ako sa bintana para makita kung anong meron at tama nga yung sinabi nya. Wow! Ang ganda nung bundok na nasa tabi namin

Kitang kita mo yung mga ulap at napakaganda ng bundok

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon