Nakakuha ako ng pinakamataas na marka sa Math
Kaya naman sobrang saya ko't patalon-talon pa sa daan
Nang biglang may humigit sa akin papasok sa locker room
Heto na naman tayo kay kumag. I'm doomed!Naaamoy ko ang mabaho niyang kamay nakatakip saking bibig
Habang ang isang kamay ay nakatuon saking dibdib
Sinasabi ko na nga ba't may balak siya sakin
Hindi ako magpapatinag sa nakatutunaw niyang tinginKung hindi lang guwapo ito'y hindi ko pagtitiisan
Nakakainis ma'y puwede nang pagtiyagaan
Unti-unting nanlalambot ang aking mga tuhod
Kinakabahan ako't pinagpapawisan ng malapotNakakakilabot na ngisi ang sumilay sa kanyang labi
May kung anong pumasok sa utak niyang marumi
Akala yata ni kumag ako'y guwapong-guwapo sa kanya
Hindi niya ba alam na kanina pa ako hindi makahinga?Sa wakas ako'y kanyang pinakawalan
Huminga muna ako ng malalim bago siya inirapan
Muli niya akong kinorner at itsura niya'y nag-iba
Parang galit niya akong iniwan, tulala at nag-iisa
BINABASA MO ANG
Mga Tagpuan Sa Eskwelahan
PoetryKuwentong patula ni kai_sarah Highest rank: #1 eskwelahan - 8/26/2019