Prologue

26 4 0
                                    

Prologue▪

Alexa Jane Corpuz' POV▪

--------------------

Ang weird ng araw na to. Kasi pagpasok ko pa lang ng gate ang weird na ng tingin nila sakin and take note with matching bulungan pa yan ah

Sa totoo lang, di na bago yang pinagchichismisan ako mula nang naging kami ni Adrian Buenavidez ang Campus Hearthrob ng Hamilton University.

Ewan ko ba sa mga yan, lagi nilang sinasabi inagaw ko daw si Adrian kay Chloe, ang kanilang mimamahal na Queenbee

Pero nung una ako rin naman nagduda like isang Adrian Buenavista magkakainterest sakin? Isa lang naman akong nobody pero may talino ako wag kayo!

But as days passed by nakikita kong sincere naman siya kaya ayun bumigay si ako. Sino ba namang hindi diba? Adrian na yan choosy pa ba ako? Kaya mula nung naging kami ni Adrian pinangako ko na hindi ako magpapa-apekto sa iba, bahala silang mainggit.

Pero ngayon ewan ko lang, ang weird lang talaga. Hayst siguro namimiss ko lang si Adrian, lately kasi hindi na kami masyadong nagkikita.

Hay naku pati yung bestfriend kong si Ara missing in action na rin. Siguro masyadong busy yun sa showbiz life niya, oh diba sosyal ng lola niyo. Di ko nga alam kung nobody parin ako eh lapitin ako ng mga sikat.

"Alex!" oh ayan speaking of. Tumatakbo palapit sakin si Ara na mukhang natatae

"Ara anong nangyari sayo? Mukha kang natatae" naw'weirduhan kong tanong sa kanya. Nahawa na ata to sa kaweirduhan ng mga tao dito

"Natatae ka dyan!" natawa na lang ako kasi totoo naman

"Ewan ko sayo. San ka ba nagsususuot? Halika na nga pumunta na tayong room"

"Wait! Restroom muna tayo" pagpigil niya sakin nung pupunta na sana akong room

"Sabi ko na nga ba natatae ka eh"

Pagpasok naminng restroom bumungad samin ang kambal na julalay ni Chloe.

"Twinny look who's here. Are you here to cry ba? Siguro hindi mo matake makita na Papa Adrian and Sissy Chloe are together again na" pagepal ni Shara

"You are so great talaga Twinny" pagsangayon naman ni Shira, may shira talaga ulo niyan eh

"U-uhmm A-ara natatae ka pa ba? Anong oras na oh, pumunta na tayong room baka nandun na si Sir" Dali dali akong tumakbo papuntang room at hindi na pinansin pa ang mga tawag ni Ara sakin.

Pagpasok ko dalawang tao ang tumambad sakin. Bakit siya nandito? Hindi naman dito ang room niya ah. At talagang tumabi pa siya kay Chloe

"So totoo nga?" di ko mapigilang tanong kay Adrian. Marami nang sinasabi si Chloe pero di ko yun maintindihan. Nakatingin lang ako kay Adrian at naghihintay ng sagot pero tiningnan niya lang ako gamit ang mga mata niyang walang emosyon

Ano nang nangyari? Nasaan na yung mga matang kumikislap sa tuwing nakikita ako? Nasaan na yung mga matang punong puno ng pagmamahal

At dahil doon tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Di ko na kaya. Gusto ko ng makalayo dito. Makalayo sa kanya

------------------------------------

A/N

How's the new prologue guys? Mas better ba? HAHAHA. Expect more changes in the upcoming chapters. Vomments please. Thank you.

Drifting Apart (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon