Kabanata 7

55 7 28
                                    

Ginevra Jean's POV

"Thank you! Thank you!" Pasasalamat ni Zild sa crowd at makikita mo talaga na mayroong nagwwave sa kanila para magbbye.

Pagkababa na pagkababa ni Blaster ng hagdan ng stage, hinanap niya ang student na nagpahiram sa kanya ng gitara kanina. Naputulan kasi siya ng string kanina sa guitar solo niya sa Mundo. Bukod dun, naputol niya din ang string nung gitara na hiniram niya.

Hindi naman siya nabigo na mahanap agad yung student na pinaghiraman niya. Sorry siya nang sorry about sa string and nag-offer siya na papalitan niya daw yung string, bigay na lang number nung student.

It's a guy naman kaya walang problema sakin.

Wait, bakit ba? Ano bang pakialam ko sa kanila kahit babae man yun or hindi? Wala na ako dun! Hindi ka girlfriend Hahahaha wait, nasaan si Felicity?

Since naka arms-to-arms lang ako kay Reese buong gabi, hindi ko napansin na wala na si Felicity.

"Reese, si Felicity? Napansin mo ba kanina umalis?" Umiling naman siya at tinignan ulit yung nagkakagulong mga security at teachers sa classroom na pinagsstayan nila. Ahh marami kasing nagpapapicture kay Zild.

Bumulong ako kay Reese.

"Gusto mong lumapit? Lapit ka na girl! Haha" Binitawan ko na siya at pasimpleng tinulak papasok sa loob. Mukhang nakita naman siya ni Zild na tinulak ko papasok. Sinara ko na agad yung pinto.

Sa dulo ng hallway, syempre bumalik si Prince doon para magbantay. Sumunod na rin si Nixon doon. Maraming student ang hinaharang nila at nakalabas ang phone.

"Hoy Nixon! Close kayo ng Spades diba? Papicture kami!"

"Bakit close ba tayo?"

Napa-oh naman si Prince pati yung ibang students HAHAHA Boom basag kayo.

Lumapit na talaga ako sa kanila para itanong kung nakita nila si Felicity. Hindi rin daw nila napansin masyado. Buti na lang may isang student na nakarinig ng tanong ko.

"Si Felicity Bernardo ba? Nasa baba. Nadaanan ko sila may kasama. Yung girlfriend ni Blaster. Mukha silang may hinahanap."

"Wait, may girlfriend na si Blaster? Awww" Sunod-sunod na comment ng mga nagkukumpulan na students. Tinatanong kung sino daw.

Kaming tatlo naman nila Nixon nagkatinginan. "Si Cass? Kasama niya?"

"Wait hanapin ko. Daan ako dun sa likod. Chat ko na lang kayo sa messenger." Sabi ko habang papaatras at pinakita ko phone ko para magets nila lalo na mag-abangan kami ng message.

Dumaan sa hagdan sa kabilang dulo ng hallway. May hagdan doon papuntang parking lot at papuntang gym so kanina doon dumaan spades paakyat ng stage.

Pagkababa ko sa parking lot, may mga tao na mga nag-aantay para sa Spades. Naririnig ko pa mga sinasabi nila na ang gwapo daw ni ganito ganyan, ang ganda ng boses ni Unique, ang cool daw.

Sa parking lot, wala akong nakitang Felicity at Cass. Wala rin akong nakitang kakilala kaya hindi ko matanong.

Pumunta ako sa kabilang building, yung pinuntahan ko dati. Tinignan ko kada floor. Medyo naccreepyhan na ako kasi gabi na. Hanggang sa may nakita akong room na bukas ang ilaw. Wait, ito yung room ni Cass. Di kaya nandito sila?

Apoy ng Kandila // IV OF SPADES Fanfic Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon