Rose and Guns 1
"Why, Romarjo? Why?" I whispered in the wind for the nth time.
Bumuntong hininga ako habang tinitingnan ang madilim na kalangitan. Kitang kita ang mga bituin na nagniningning sa kalawakan. Pinapalibutan nito ang maliwanag na buwan.
Muli kong naalala ang masakit na nangyari sa akin noong nakalipas na buwan. Bakit ganoon? Akala ko ay ayos na pero bakit kumikirot pa rin ang puso ko.
Nanghihina na napaupo ako sa upuan na nasa terrace.
"Bakit ang sakit sakit pa rin?" muli kong bulong sa hangin.
Mapait akong napangiti. It's been a month since we lost our contact. It's been a damn month since the day he ignored me. I don't know what happened, but he became cold as an ice. Nagising na lang ako na wala na. Hindi ko na makita ang profile niya sa messaging app. Hindi ko na rin siya ma-contact pang muli. Ini-try ko pang i-message siya ng maraming beses pero hindi niya na ako i-sini-seen. Isang check na lang ang lumalabas, hindi na katulad ng dati na dalawa tuwing nade-deliver ang message ko sa kaniya.
Single check. No profile. Last seen October 18, 2019.
Hindi ako tanga para malaman na ini-block niya ako sa messaging app. Ang hindi ko lang talaga matanggap ay kung bakit ginawa niya iyon. Bakit ang bilis lang sa kaniya na itapon ako?
Bakit ang bilis? Bakit wala siyang pasabi? Bigla na lang siyang naglaho na parang bula. Bakit pakiramdam ko ay isang basura lang ako na itinapon niya. Noong sawa na siya ay basta niya na lang akong iniwan sa ere. Masakit malaman na wala pala akong halaga sa kaniya.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang maramdaman ang pagkirot ng dibdib ko. Kagat labi na tahimik akong umiyak.
Ang daya niya. Nag-away lang naman kami pero heto siya, ang bilis bilis niyang sumuko na parang hindi siya nanghihinayang sa mga panahong magkasama kami.
Magkasama? Mali pala. Pagak akong napatawa habang tumutulo sa aking mukha ang mga luha.
"Hangal," tipid kong sambit sa aking sarili.
Hindi nga pala kami nagkasama. Wala kaming mga naipundar na memories na magkasama. Magkarelasyon lang kami pero malayo kami sa isa't isa.
Chat at video call lang ang namagitan sa aming dalawa. Iyon lang....pero bakit ang sakit sakit?
Long distance relationship sucks. Hindi kami nag-work. Hindi rin kami nagtagal. Halos limang buwan din kami ngunit sumuko agad siya. Binitawan niya agad ako ng ganoon kadali.
Ginawa niya lang ba talaga akong pampalipas oras? Malaki ang posibilidad na ganoon nga....
Pilit kong pinipigilan ang paghikbi ko nang malakas. Nagsimula kami sa pagkakaibigan, hindi nagtagal ay nahulog kami sa isa't isa.
O ako nga lang ba ang nahulog sa kaniya?
Napakagat ako sa aking labi nang may naisip. Nahulog? Sinabi niyang mahal niya ako ngunit ngayon ay hindi ko na alam kung nagsabi siya ng totoo.
Oo nga pala... Madali nga lang pa lang sabihin ang salitang mahal kita kahit hindi naman ito ang totoong nararamdaman. Madali lang magsinungaling lalong lalo na kung malayo kayo sa isa't isa.
Isa lang talaga akong tanga at naniwala ako sa kaniya. Pinaibig niya ako, at heto ako ngayon, lunod na lunod sa mga pangako niya at pekeng pagmamahal niya, at hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako sa pagkakalunod.
YOU ARE READING
The Mafia Boss Love Interest
General FictionAlbanian Mafia V.S Mexican Cartel These two criminal organizations were always aiming hard to be the most powerful and influential mafia groups around the world. They fight, murder, and perform criminal activities to prove that they're the most not...