Seven years old ako ng may makilala akong isang batang babae. Naging malapit kami sa isa't isa at halos hindi kami mapaglayo ng mga magulang namin.
Sa sobrang tigas ng ulo ko tumatakas pa ako sa mga magulang ko para makita ko lamang ang batang iyon at makalaro sya. May binigay ako sa kanya na kwintas na binigay pa sakin ng lola ko, iyon daw ang ibigay ko sa babaeng papakasalan ko balang araw. Hanggang dumating ang araw na nabago ang lahat. Nabago ng dahil sa aksidente. Sa hindi inaasahang pangyayari at may isang humaharurot na sasakyan ang bumundol sakin. Naging critical ang kundisyon ko kaya kinakailangan pa akong dalin sa ibang bansa para sa operasyon. Nagising nalang akong wala na akong maalala na kahit na sino at hindi ko maintihan kung bakit parati nalang along may napapaginipang batang babae. Nacucurious ako kung sino yung babae na yun at tinanong ko sa mga kasama ko sa bahay. Ngunit wala talaga hindi daw nila kilala kaya hanggang sa naging 15years old ako nagkaroon ako ng girlfriend pero 1 taon lang tinagal namin dahil nalaman ko na may iba pala sya. Kaya naghintay ako ng matagal para makita ko yung babaeng nasa panaginip ko nung bata ako baka naging parte sya ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Classmate
RomanceI'm Romeo Esteban. Nahulog ako sa babaeng hindi ko inakalang kababaliwan ko ng ganito. Naging maayos ang takbo ng relasyon namin pero sa hindi inaasahang pangyayari nabago ang lahat. Lahat lahat ng pinagsamahan namin, hindi ko alam kung ito na ba an...