Kabanata II

5 0 0
                                    

       Sumasakit na ang paa niya dahil sa suot niyang sapatos na may mataas na taking. At sobrang dumi na ng puti niyang damit.

"Ang sakit na ng paa ko!" Ani nito sabay upo sa ilalim ng malaking akasya at tinanggal muna ang kanyang sapin sa paa.

"Nakaka-pagod naman 'to! Sa gabi pa talaga tayo nailagay sa pagbabantay! Haay! Inaantok na ako!"

"Huwag ka nang mag reklamo diyan! Malapit na naman ang umaga! Titilaok na ang mga manok maya-maya."

Nanlamig bigla si Tasya nang may narinig siyang tinig ng mga lalaking paparating.

"Naku! Mga rebelde!" bulong nito. Hindi na siya maka-alis dahil siguradong makikita siya ng mga ito. Kaya nagtago nalang siya sa likod ng malaking katawan ng puno ng akasya.

Papalapit na papalapit na ang dalawang rebelde sa kanyang kinaroroonan. Hindi na mapakali si Tasya sa sobrang kaba nito.

Nagsimula siyang gumalaw at hindi niya napansin ang isang maliit na sanga sa na nasa kanyang harapan at ito ay kanyang natapakan. Gumawa naman ito ng ingay dahilan ng biglang pagka alisto ng dalawang rebelde.

"Sinong nandiyan!" Sigaw ng isa sa mga rebelde at dahan-dahang lumapit sa puno sabay tutok sa kanyang hawak na baril. Naramdaman naman ni Tasya na papalapit na ang rebelde dahil lumalakas din ang tunog ng mga yapak nito.

"Felipe! Nandito pala kayo!" Bigla naming napatigil ang rebelde at lumingon muna ito sa lalaking tumawag sa kanya.

"Ikaw pala Kaleb. Kami kasi ang naatasang magbantay sa parte ng bundok na ito. At may narinig akong ingay na parang may uma-aligid sa parting ito." Sabi nito kay Kaleb.

"Ah! Marahil ay ako lang 'yong narinig mo. Ako lang naman nag bagong dating dito." Ani ni Kaleb.

"Oo nga naman. Bakit ka pala naparito?" Tanong ng isa pang rebelde kay Kaleb.

"Ah! Nakalimotan ko tuloy ang aking pakay! Sabi kasi ni Kapitan Basilio ay palitan ko raw muna kayo dito upang kayo ay makapag pahinga. Huwag kayong mag-alala. Ako na ang bahala dito." Sabi pa ni Kaleb. Bigla naman napangiti ang dalawang rebelde.

"Nako! Buti naman, at kanina ko pa gusting mahiga at matulog na. Salamat Kaleb."

"Alis na kami. Bantayan mong maigi dito ah! Kagaya ng pagbabantay namin"

"Makaka-asa kayo."

Naka-alis na ang dalawang rebelde at napangiti naman si Kaleb.

"Maaari ka nang lumabas diyan!"

Nabigla naman si Tasya sa biglang sinabi ng lalaki. At nakilala niya naman ang boses na ito.

"Walang hiya at nasundan pa ako!" Pabulong na sabi ni Tasya.

"Pasalamat ka nga at nailigtas kita mula sa mga iyon. Baka kung ano pa ang ginawa nila sa iyo. Kaya lumabas ka na diyan." Dagdag pa nito.

Umalis naman si Tasya mula sa pagtatago niya sa likod ng puno.

"Halika ka nga dito!" At biglang hinatak ng lalaki si Tasya.

"Aray! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Pilit na pumiglas si Tasya.

"Di ba pinangako mo sa akin na hindi ka tatakas? Kahit ano ang gawin mo, hindi ka makaka-alis na bundok na ito. Dahil ang buong bundok na ito ay pag-aari at bantay sarado namin! Mapapahamak ka lang kung susubukan mo ulit na tumakas!" Sambit ng lalaki sa kanya.

"Kaya halika na! At baka may makakita pa na naka-takas ka! Pareho tayong malalagot."

Dala-dala ang kanyang sapatos at hawak-hawak ng lalaking nagligtas umano sa kanya mula sa kamatayan na ikukulong lang naman siya ulit.

Naglakad sila papunta sa Kampo at sa silid kung saan siya naka tago at naka kulong. Buti nalang at tulog pa ang ibang rebeldeng nasa Kampo, at walang nakapansin sa kanila.

"Diyan ka na! Simula ngayon, lalagyan ko na ng kadena itong pinto mo! At walang ibang makakalabas at makaka pasok dito kundi ako lang at ang iba pang bantay na papasok dito!" Sambit nito kay Tasya.

"Salamat pala." Mahinang sabi ni Tasya.

"Tsk. Nagpapasalamat ka ba dahil sa pagkulong ko sayo dito? Ibang klase ka." Napatawa pa ang rebelde.

"Hindi. Salamat dahil sa nangyari kanina. At least diba, na delay ang kamatayan ko." Sabi ni Tasya at tinignan ang rebelde.

"Wala kang dapat na ipag pasalamat sa 'kin Ms. Alegardo." Sabi pa ng rebelde sa kanya habang naglalagay ng kadena sa pintuan ng silid.

"Tasya. Tasya nalang ang itawag mo sa akin." Sambit ni Tasya.

"Tasya? Yung nilalagyan ng kape?" Tanong ng rebelde habang nakangiti.

Tinignan naman siya ni Tasya.

"Ha ha, nakakatawa. Hindi. 'Tasya' short for Natasya kasi yun. Ikaw? Maari ko bang malaman ang buong pangalan mo?" Tanong naman ni Tasya sa kanya. Napa upo naman ang rebelde sa upuan malapit sa pintoan.

"Kaleb." Maikling sagot nito.

"Kaleb lang?"tanong ng nakulangan na Tasya.

"May masama ba dun?" malamig na sabi ni Kaleb at tinignan si Tasya gamit ang kanyang mga matang parang nanlilisik.

"Wala. Ganda nga ng pangalan mo eh. Sige na. Matutulog na ako. Tsaka! Huwag ko akong titigan habang natutulog ha." Sabi pa ni Tasya habang humihiga sa kama at tila naninibago sa kamang matigas at walang kotson.

Hindi pa nagtagal ay napahilik na agad ang dalaga na naging dahilan naman upang mapangiti ang rebeldeng si Kaleb.

Kinaumagahan ay biglang nagising si Tasya dahil sa maingay na lagapas ng mga kubyertos na narinig niya.

"Ano bang ingay yan?" Napa wika na para bang na alimpungatan mula sa kanyang napakahimbing na pagtulog. Hindi ito makapaniwalang nakatulog siya ng ganoon kahimbing pagkatapos ng lahat na nangyaring masama sa kanya.

"Bumangon ka na diyan at kumain!" Sabi ni Kaleb habang abala ito sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa at inilapit ito sa kama kung saan nandoon si Tasya na nakatitig lamang sa kanya.

"Grabi ka naman kung makatingin. Di ko malaman kung nagbabanta ka na sa akin o galit ka lang talaga dahil ginising kita." Patawa pang wika nito sa dalaga.

"Bakit niyo pa ba ginagawa sa akin to? Akala ko ba papatayin niyo rin ako kagaya ng ginawa ninyo kay Dad?" Seryosong tanong ni Tasya kay Kaleb.

"Ginagawa ang alin? Itong pag-aalaga namin sa iyo? Utos lang ito ni Kapitan Basilio. Pero huwag ka munang huminga diyan ng malalim dahil magkakaroon kami ng pagpupulong mamaya." Sagot naman nito.

"Pagpupulong tungkol saan?" Dagdag pang tanong ng dalaga.

Huminga naman ng malalim si Kaleb.

"Pag-uusapan namin, at mag dedesisyon ang Kapitan kung ano ang gagawin naming sa iyo." Madilim na sabi ni Kaleb.

"Kaya kumain ka na diyan para lumakas ka."

Tahimik naman na ginalaw ni Tasya ang pagkain niya. Nawalan na siya ng pag-asa. Wala na siyang magagawa pa.

"Hindi ako makakatakas dito. Tsaka, kung makaka-alis man ako dito ng ligtas, wala parin naman akong babalikan. Wala na si Dad, wala naring silbi ang buhay ko. Kaya ang Diyos nalang ang bahala sa akin."

Sabi ni Tasya sa kanyang sarili.

His NemesisWhere stories live. Discover now