Mabilis na lumipas pa ang mga araw mula noong huling komprontasyon na naganap sa pagitan nina Billy,Vhong at Vice.
Nalaman man ni Vhong ang totoo tungkol sa pagkatao ni Vice,hindi nito pinangunahan ang kaibigan.Bagkus ay nagpasya sila ni Billy na ipaubaya na lamang ito sa huli, lalo pa at sa mga nagdaang araw matapos noon ay nakita nila kung gaano kasaya si Karylle sa piling ni Vice.
"Hindi kaba pupunta ngayon sa trabaho?"
Hindi napigilang puna ni Karylle kay Vice.Pasado a las nueve na kasi ng umaga ay mukhang wala pa itong balak umalis ng bahay gayong nakagayak na at bihis na bihis na ito upang pumasok sa trabaho.
"Hindi nalang muna siguro.Tinamad na 'ko,"
Simpleng sagot lang ni Vice na prenteng nakaupo sa sofa habang nakahilig ang ulo sa sandalan.Nagkibit-balikat lang naman si Karylle sa sinabi ng asawa at ibinalik ang atensyon sa binabasang magazine.Umupo lang kasi si Vice sa tabi nya kaya pinansin nya ito pero kung hindi ay wala talaga siyang balak kibuin ang asawa.
Ilang araw naring ganoon ang sitwasyon magmula noong pinagtalunan nila ang tungkol sa pagtapon ni Vice ng bulaklak na ipinadala sa kanya ng kung sinong 'ZC' na yun noong nakaraang linggo.
Parehas nagpapakiramdaman ang dalawa nang maya-maya pa ay magsalita si Vice.
"Yung bulaklak dito...nakuha mo ba?Saan mo nilagay?"
Saglit natigilan si Karylle sa binabasa at nang maproseso sa isip kung ano ang tinutukoy ng asawa ay saka nya ito binalingan.
"Yung bouquet of sunflowers?" Aniya. Kanina kasi ay maaga s'yang gumising para magluto ng almusal nila ni Vice ngunit pagbaba nya ay agad nyang nakita ang isang bouquet ng sunflowers na nakapatong sa sofa.Gustuhin man nyang matuwa,alam n'yang ang mga bulaklak na naman na yon ang pagmumulan ng away nilang mag-asawa kaya--
"Oo.Saan mo nilagay?" Nakakunot at tila nagtitimping tanong muli ni Vice sa kanya.
"Edi sa basurahan sa kitchen.'Di ba sabi mo--"
"What?!Bakit mo tinapon?!"
"Anong bakit ko tinapon eh ikaw ang-- "
Hindi na muling natapos ni Karylle ang sasabihin dahil padabog na tumayo si Vice at naglakad papunta sa kusina.Wala naman siyang choice kundi sundan ito para maliwanagan siya at maipagtanggol ang sarili.
"Galit ka na naman samantalang ikaw 'tong nagsabi na huwag ko nang tanggapin ang mga yan!" Singhal nya kay Vice na nakatalikod ngunit humarap din agad matapos makita ang hinahanap.
Hindi ito agad sumagot bagkus ay itinaas upang ipakita sa kanya ang bouquet ng sunflowers na nalagas na ang iba at lukot-lukot na ang kaninang magarang ayos.
"Hindi ako galit K," Panimula nito saka tinignan ang hawak na bulaklak na animo'y hinayang na hinayang sa itsura niyon.
"It's just..""Ano?"
"Sakin kasi galing 'tong mga 'to,okay?Bago ako umuwi kagabi may nadaanan akong flower shop..naalala kita.Diba sabi ko ako na ang magbibigay sa'yo ng bulaklak?N--na ako lang.."
Hindi makatinging ani Vice.Si Karylle naman ngayon ang natigilan.Naguguluhan ngunit nanatili lamang siyang nakatitig sa asawa na hindi naman makatingin sa kanya.
Unang beses na binigyan siya ni Vice ng bulaklak.
Buong akala niya habangbuhay na siyang mangangarap at maiinggit sa iba na nakakatanggap ng mga magagandang bulaklak galing sa kani-kanilang mga asawa ngunit heto siya ngayon,nagpipigil ng ngiti at kilig dahil sa itsura ng lalaking nasa harapan nya.Parang nalugi itong inaayos nalang ang ilang sunflowers na nalagasan na ng petals dahil sa isiniksik lang nya iyon kanina sa basurahan.
Kung bakit ba kasi hindi muna nya binasa kung kanino galing bago nya itapon?Hay.