Chapter 2

55 3 0
                                    

Brendon:

School na naman, but good thing na na-stalk ko siya kagabi sa lahat ng social media accounts niya. Na-follow ko narin siya sa Instagram and Twitter, pero hindi pa niya ni-accept, pati rin sa Facebook, pero makilala rin talaga kita, Elise.

8:00 am
Late na pala ako, pero hindi naman ako nagmamadali. Dito nalang ako bumaba sa may gym, maglalakad nalang ako sa hallway, tutal malapit na naman.

8:05 am
Pumunta na ako sa may hagdan,

Papunta ako ng 2nd floor nang nakita ko si Elise pababa ng hagdan,

Maydala siyang mga papers, mga test papers ata ito,

Lumipad ang mga papers na dala niya, ang lakas kasi ng hangin,

Kaya tinulungan ko siyang kunin ang mga 'to,

At binigay ko na ito sa kanya,

"Naku, sorry po, k-kuya ha? Naabala kapa, pero thank you!" Sabi niya,

KUYA? AKO? KUYA AKO? E MATANDA KA PANGA SA'KIN!

"Ahh, okay lang, tsaka wa'g mo nang isipin yu'n," sagot ko.

"I'm Elise by the way." Sabay lahad niya ng kamay sakin.

"I'm Brendon." Sabay hawak ko sa kamay niya. "Pero wa'g mo na akong tawaging kuya, grade seven pa po ako, dapat nga na mag-ate ako sa'yo." Pahabol ko.

"Aysus, wa'g mo na akong tawaging ate, parang magka-gap nga lang tayo e," sabi niya.

Parang mapalabiro din tong babaeng 'to noh? Halatang halata na kasi sa pagsasalita niya,

"Umm, pwede ba kitang tulungan? Sa'n mo ba ihahatid yang mga dala mong papers?" Tanong ko.

"Sa faculty office lang naman, gusto mo ba akong tulungan?"

"Sige, akin na 'to." Kinuha ko ang mga papers na dala niya.

8:20 am
Tapos ko nang naihadid ang mga papers niya,

"Thank you Brendon ha? May bago na naman akong friend." Sabi niya.

"Wala yu'n. Thankful rin ako dahil nakilala kita." Sagot ko.

Nag usap-usap lang kami habang naglalakad.

"Ilang taon kana pala?" Tanong niya,

"14" sagot ko.

"Tingnan mo, months nga lang pala ang gap natin, tapos mag-aate kapa, wa'g kana kasing mag-ate," pabiro niyang sabi.

Ngumiti nalang ako, pero deep inside kinikilig na talaga ako dito, ang ganda niya kasi.

"Actually bago palang ako dito sa school na'to, kahapon pa lang." sabi ko.

"Talaga? Saan ka pala nag school dati?" Tanong niya.

"Galing kasi ako sa Brent International School sa Manila." Sagot ko.

"Wow naman, ako naman dito sa school na 'to, sobrang tagal ko na din. Dito kasi ako nag Grade 2 hanggang grade 8 na ako ngayon." Sabi niya.

Nang sa second floor na kami,

"Elise, ihatid nalang muna kita sa room niyo, 3rd floor diba?" Sabi ko,

"Oo, sa 3rd floor ang room ko pero wa'g na, punta kana sa room mo, magtaas baba ka na naman, sige na. Bye!" Sabi niya.

First Love never diesWhere stories live. Discover now