L9NVW #07

71 51 33
                                    

Read, vote, comment!🌟 You are strong.

***




      "NAGSESELOS SI Ching, Chelsea. Seryoso. Nagseselos siya sayo. Ayaw kong nakikitang nagtatampo siya lagi. Masama 'yon sa baby namin." ani Anton. "Sorry. Kung papapiliin ako sa inyo, mas pipiliin ko si Ching. Sobrang dami ng sinakripisyo ko sa kaniya para lang makuha siya at ayaw kong masayang lahat ng pinaghirapan ko. Mahal ko siya."



T*ngina. Naalala ko na naman ang sinabi ni Anton. Napaka-sama ng loob ko sa kaniya! Mas pinili niya ang shota niya kaysa sa amin pero ano magagawa ko? 'Di ko rin naman siya masisisisi pero d*mn!


Siguraduhin niyang may mababalikan pa siya sa akin— sa amin. Pakiramdam ko kasi ngayong lumalagabgab ang inis ko, wala eh. Kaya ko siya patawarin pero hindi na 'to magiging tulad noon!


Papasok na ako sa paaralan namin ngayon, kabababa ko lang galing dyip at naglalakad na ako patungong gate ng pinaka-mamahal kong Thierry the King College. Bigla na namang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Anton. Kumulo na naman ang dugo ko.


Ang pangit naman ng emosyon ko sa umagang ito. Malaking problema 'to sa 'kin. Hindi ko kayang gamutin ang sarili ko kaya kinikimkim ko lahat at nagpapanggap na ayos lang.


Nang makarating ako sa aming silid halos anim pa lang kami dito— at kasama na do'n ang parating pumapasok ng maaga na si Anton. Kahapon lang siya nalate, btw.


Nabanggit niya sa akin na nag-usap raw sila ng girlfriend niya bago sila pumasok. Sa kabilang row na siya nakaupo base sa kaniyang bag at pwesto. Pagkababa ko ng bag ko ay napatingin siya sa 'kin. Kausap niya ngayon ang isa naming kaklase na babae at mukhang sa akin napunta ang kaniyang atensyon matapos kong ibaba ko ang bag ko.


Binigyan lang namin ang isa't isa ng tingin at ako na ang unang umiwas saka kinuha ang attendance sa loob ng bag. Mabuti na lamang at marami akong bagay na pwedeng pagkaabalahan.


Ilang saglit naramdaman ko ang emosyon niya. Pamilyar na 'yon sa akin dahil konektado ako sa kaniya (ngunit 'di sila konektado sa 'kin sad). Nag-aalala ito sa akin.


Ayaw ko sa lahat may nag-aalala sa akin na parang akala mo isa akong bata na dapat laging inaalala. Hindi siya malapit sa 'kin kaya indirect connection ito. Maya-maya pa'y narinig ko ang pagsigaw niya.


     "Yung isa diyan nangsi-seen!" wika nito na tila nagpaparinig. "Nangsi-seen lang sa messages ko!"


Wala namang ibang tao ang icha-chat ni Anton sa aming mga kaklase kundi ako lang, e. Kaya malamang sa malamang, ako ang tinutukoy niya at pinaparinggan niya.


Nagcha-chat kasi siya sa 'kin kagabi ngunit lahat binasa ko lang at 'di nireply-an. Narinig ko pang medyo natawa si Anton. Baliw talaga.


Tahimik pa rin akong nag-aayos ng attendance nang biglang may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Sino pa ba?

Magugustuhan mo rin ang

          


     "Uyyyy." tawag pansin ni Anton sa malambing na tono. "Galit ka?"


'Di ko siya pinansin at pinagpatuloy pa din ang pinagkakaabalahan ko.


     "Uyyy." uli pa nito. "Grabe 'to si Chelsea oh. Ayaw mamansin."


Na-iling na lang ako sa inis at pagkagulo. Wala na akong nagawa sa panlalambing niya sa 'kin at bumigay na din ako. Ngunit 'di ako ganoong katanga para aminin sa kaniya ang lahat. Kung susukatin ang aking sinabi sa kaniya, halos sikapat ng kabuo-an lang ang sinabi ko.


Alam ko kasing kahit sabihin ko sa kaniya ang lahat, hindi na magbabago pa ang isip niya. Kahit magmaktol ako sa kanya at mainis, hindi na magbabago ang desisyon niya. At, isa pa, kailangan ko ring respetuhin ang desisyon niya dahil para rin sa kapakanan ng pamilya at ng magiging pamilya niya ang mga ginagawa niya.


Natapos ang aming unang klase at breaktime na ngayon. Napilit ako ni Anton sumama sa kanila sa canteen. Mukhang ayaw magpatinag at ayaw na hindi kami magkaayos na dalawa.


As usual, tahimik lang akong kumuha ang aking biscuit sa bag. Hindi ako kadalasang nagbabaon at kumakain ng kanin sa kadahilanang nahihiya akong kumain kapag may kasama ako. Kahit sino pa man 'yan.


Tulala akong kumakain nang bigla akong nagitla sa paglapit ni Josh sa mesa namin nila Anton. Bumusangot ako. Ano kailangan niya? Napansin ko namang bumalik na si Donovan galing counter na may dalang pagkain.


Si Seven na nasa harapan ni Anton naman ay tahimik na kumakain habang nakasuot ng earphones. Si Anton naman, ayun, normal lang na kumakain sa tabi ko. Ang takaw.


Nang makaupo na si Donovan sa harap ko ay saka nagsalita si Josh na hindi ko man lang tinapunan ng tingin mula kanina.


     "Guys, tingin kayo." anito.


Nang mapatingin naman ako ay nakita kong nakatapat ang kamera ng phone niya sa amin. Hindi ko pinahalata na medyo nagulat ako sa pagkuha niya ng letrato.


Subalit ito namang katabi ko ngiting-ngiti sa kamera na naka-peace sign habang puno ng pagkain ang kaniyang bibig. Mayroon pa ngang kanin sa kaniyang labi eh. Inirapan ko na lang siya.


Matapos kumuha ni Josh ng mga letrato ay saka na siya umalis at umupo sa mesa nila Divina. Nginitian pa ako ni Divina at kinawayan bago pagsabihan si Josh na umupo pero natigil din nang itapat sa kaniya ang kamera at ngumiti pa. Na-ngiti na lang ako sa kanila.


Pinakiramdaman ko sila. Mukhang okay lang sila at masaya sila ngayon. Natawa pa ako kay Divina na sumesenyas gamit ang kanyang mga mata sa kanyang katabi na sila JL at Stephanny na naguusap. Iba talaga ang alindog ni bebe gurl.






***


Dumating na ang ikalawa naming subheto at isang klase na lang ay uwian na. Medyo nakakatamad ring umupo sa klase ng tatlong oras kada isang subheto. Parang hindi pa rin ako sanay sa ganitong kondisyon at patakaran na pinapatakbo ng eskwelahan na ito.

Love in 9 Nonverbal WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon