Ace POV
"Kent......." Sabi ko ng bigla nya kong siilin ng halik
Fck nasa public kame, at nasa trabaho ako.
Bago pa lumalim ang halik nya agad ko siyang tinulak, bakas sa mukha nya yung gulat.
"Nasa trabaho ako" sagot ko agad bago palang sya mag tanong.
Napangisi sya
"Nasa trabaho ka? O dahil may iba ka ng gusto" tanong nya dahilan para maguluhan ako
"Ano?" Kunot noong tanong ko
"How's your day wifey? Great, thank you hubby. Damn it" sabi nya
"Ano bang pinag sasabi mo?" Naiirita kong tanong
"Nagkakabutihan na ba kayo ni Danjo?" Tanong nya.
So ayun pala yung gusto nyang iparating, Yung hubby and wifey thing na sa lakas ng topak ni Danjo kaya nangyari.
"Magkaibigan lang kame" diretsa kong sagot
"Magkaibigan? Pero ang sweet ng call sign nyo. Para na ngang kayo e" inis nyang sabe
"Not a big deal Kent" sagot ko.
"Not a big deal? Fuck Ace kalat na sa campus at may instant fansclub na yung love team nyo. Not a big deal? Sinabi ko na din sayo na lumayo ka sakanya pero di ka nakinig" mahahalata mo sa mukha at pananalita nya galit. Makikita mo ang pag igting ng bagang nya na senyales na galit nga sya.
Gusto kong isipin na nag seselos sya, pero ayoko namang umasa dahil for sure masasaktan lang ako
"Nag seselos kaba?" Diretsang tanong ko na ikinagulat nya. Maski ako nagulat sa sarili kong tanong. Sa isip ko lang dapat yun at pinag iisipan ko pa kung itatanong ko ba o hinde.
Tulak ng dibdib kabig ng bibig
(Tama ba? Huhuhu)Please sabihin mong Oo
Umaasa ako na sasabihin mo Oo
"Oo Ace nag seselos ako dahil gusto ko akin ka lang" kahit yan lang Kent
Im hoping, even though its just iota, you'd say yes
"Dahil sex slave kita" fuck.
Oo nga naman sex slave nya lang ako, binabayaran, utusan, bigay aliw. Ano pa ba?
Gusto kong umiyak pero dahil nasasaktan ako.
Sana nag sinungaling nalang sya. Pero sabagay, mas okey na yung unpleasant truth, kesa naman sa Happy Lies.
"Umuwi ka na Kent may trabaho pa ko" at umalis nako sa harap nya. Gusto kong pumunta ng cr para mag kulong at dun umiyak pero may trabaho pako.
Tinuloy ko yung trabaho ko. Ni pag hinga pinipigilan ko. Dahil konting kibot lang saken tiyak lalabas nanaman tong punyetang luhang to.
Tinignan ko yung sulok kung saan nandun kame kanina at nandun si Kent, naka titig saken.
Ayoko muna syang makita dahil feeling ko pag tinitignan ko sya maiiyak lang ako.
Nilapitan ko sya
"Kent umuwi kana gabi na" sabi ko"No, hihintayin kita" sagot nya
"Umuwi ka na please, gabi na delikado na sa daan"
"Kaya ko ang sarili ko, ikaw kaya mo ba sarili mo?" Kayang kaya ko. Ilang beses mo nga akong sinaktan e. Pero still, Im here nag papakatanga at umaasa padin sayo.
YOU ARE READING
The Virginator's Last Virgin
RomanceA girl named Ace Knightly. A not too less fortunate enrolled at High Class University as a Scholar. In a days past that she studied at Elite University, she encountered Kent Dylan, the famous virginator, billionare and casanova in their campus. Dyla...